Chapter 07

911 35 1
                                    

Hindi niya alam kung bakit biglaan siyang napaamin sa kanyang mga kaibigan. Siguro ay dahil sa sobrang pagkataranta niya sa ginawang pagtawag ni Dave sa kanyang kapatid. Ayaw niyang masali ito sa kalokohan ng mga ito dahil oras na mangyari iyon, paniguradong hindi lang siya uulanin ng tukso nito kung hindi baka magkuwento pa ito sa kanyang ina. Isang napakalaking problema kapag nangyari iyon.

Binitawan ni Nico ang pagkakahawak nito sa kanyang braso.

“Tawagin mo si Dave, Alex. Sabihin mong bumalik na siya rito.” Agad namang tumalima si Alex para puntahan ang kasintahan nito. Ilang sandali lang ay kasama na nga nito ang kasintahan na ngingisi-ngisi sa kanya.

“Kailangan ka lang pa lang takutin para magsalita.” Ani ni Dave nang makalapit na ang mga ito sa kanila.

Impit siyang napamura. Naisahan siya ng mga ulupong niyang kaibigan.

“Now Maki, ano iyong sinasabi mong mga nangyayari sa’yo na hindi mo na maintindihan?” Pagpapabilik ni Nico sa usapan.

“Hindi niyo talaga ako tatantanan, 'no?” Asar niyang tugon dito.

“Sagutin mo na lang ang tanong.” Ani naman ni Lantis.

Pambihira! Mukhang wala talagang balak ang mga itong palusutin siya. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Nasimulan lang naman din niyang mangumpisal, bakit hindi na lamang niya lubos-lubusin? Baka matulungan pa siya ng mga itong mahanapan ng kasagutan ang mga gumugulo sa kanya.

Nagpakawala siya ng buntong hinginga.

“Hindi ko alam kung selos ba itong nararamdaman ko. At kung selos man ito, hindi ko naman alam kung para saan. Kung nagseselos ba ako sa atensyon na ibinibigay niya sa Janssen na iyon o nagseselos ako na may ibang tao na siyang pinag-aaksayahan ng panahon. Either way, alam kung hindi na normal ito. That’s why I opted to just let him do whatever he wants. Dahil alam kung kapag lalo ko pa siyang itinali sa akin, lalo lamang magiging kumplikado ang lahat.”

“So, are you saying that you’re setting him free 'cause of the confusion you’re suffering now?” Kapagkuwan ay wika ni Lantis.

“Hindi ako confused!” Protesta niya. “Ayaw ko lang ng sakit sa ulo kaya ko siya hinayaan na lamang. Besides, kung selos nga itong nararamdaman ko, malamang ay selos ng isang matalik na kaibigan lang ito. Walang romantic feeling na involve.”

Nagpalitan ng makahulugang tingin ang mga ito.

“Walang duda, siya na talaga ang hari ng mga denial.” Wika ni Dave kapagkuwan na sinangayunan naman ng magagaling niyang kaibigan sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.

The Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon