Chapter 06

1K 41 0
                                    

Kuya Maki, may phone call ka.” Ang narinig niyang wika ng kanyang kapatid mula sa likod ng pintuan ng kanyang k’warto.

“Sabihin mong tulog pa at hindi na babangon kailanman.” Tugon naman niya sa inaantok pang tinig. Ang totoo, kanina pa siya gising dala ng matinding hang-over. Medyo naparami kasi siya ng inom dala ng sobra niyang pagkaaliw nang masira niya ang mga binabalak ng kanyang magaling na kababata.

“Pang sampong tawag na ito ni kuya Jay. At sabi niya, kapag hindi mo pa raw siya kinausap, ay susugurin ka niya rito at siya mismo ang magbubuhos ng malamig na tubig sa mukha mo.” Hindi nagsusumbong o nag-aalala ang tono ng boses nito kung hindi nanunudyo.

Inaasahan na niya ang gagawing pangdidisturbo sa kanya ng kababata sa araw na iyon. Kagabi, nang makabalik ito sa umpukan nila ay halatang hindi na maganda ang timpla nito. Ni hindi na nga siya nito pinansin pa hanggang sa matapos silang mag-inuman.

Hindi siya nabahala o nagpa-apekto man lang sa hayagang pang-iignora nito sa kanya. Kilala niya ito at alam niyang ito pa mismo ang gagawa ng paraan para makipagtuos sa kanya. Gano’n ka-predictable ang kanyang kababata.

Napilitan siyang bumangon kahit kumikirot pa ang kanyang sintido. Kung hindi niya ito kakausapin ngayon ay nasisiguro niyang tototohanin nito ang mga bantang binitiwan nito. Ngingisi-ngisi pa ang kanyang kapatid nang lumabas siya ng k’warto.

“Ano’ng nginingisi-ngisi mo riyan? Ipagtimpla mo nga ako ng kape nang magkasilbi ka naman sa akin kahit papaano.” Sita niya rito.

“Waking up on the wrong side of bed?” Nang-aasar nitong tugon bago tumalilis sa kusina.

Napapailing na lamang niyang tinungo ang phone stand at bago niya iyon tuluyang idinikit sa kanyang tenga ay nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntong-hininga.

“Hello?”

“Mabuti naman at gising ka na. Kailangan nating mag-usap.” Ang seryoso at halatang hindi pa rin nakakarecover sa pagka-badtrip na wika ni Jay sa kabilang linya.

“Kung tungkol iyan sa napag-usapan natin kagabi, hindi na magbabago ang desisyon ko. Sabihin mo kay Janssen ang totoo at malaya mong magagawa ang mga gusto mo.”

“Bakit mo ba ito ginagawa Maki? Alam mo bang katakot-takot na paliwanag ang ibinagay ko kay Janssen kagabi nang sabihin ko sa kanya na hindi ko siya p’wedeng masamahan sa pagtuloy doon sa bahay? You’re not helping me tulad ng sinasabi mo. Instead, you’re making things worse.” Mahaba nitong litanya.

“No. You’re the one who complicates your life. Kung isinama mo sana sa katakot-takot mong pagpapaliwanag kagabi ang pagsasabi ng totoo, baka sakaling nagsisimula nang maging madali sa ’yo ang buhay mo ngayon.”

The Devil Beside MeМесто, где живут истории. Откройте их для себя