Chapter 08

871 33 0
                                    

Naguguluhan pa rin si Maki sa mga nangyayari sa kanya. Hindi niya alam kung dala lang ba sa tama ng alak kung bakit siya biglaang nakaramdam ng gano’n o kung talagang tuluyan na ngang pinukaw ni Janssen an g kanyang tunay na nararamdaman para sa kanyang kababata.

Para sa kanya ay napakabilis ng lahat. Kasing bilis ng pagdaloy ng dugo sa kanyang kanang kamao ang mga nangyayari sa kanya sa mga oras na iyon. Naroon pa rin ang pagtanggi sa kanyang isipan pero sa kabila naman niyon, ay naroon din ang munting pagtanggap na ang mga pagbabago at kakaibang nangyayari sa kanya ay dala ng selos. Selos hindi lamang ng isang kaibigang napag-iwanan kung hindi ng isang taong nangangailangan ng pagmamahal at atensyon.

“Papaaano ko gagawin iyon, Nico?” Kapagkuwan ay naitanong niya sa kaibigan na hanggang sa mga oras na iyon ay nakatutok sa kanya. “Paapaano ko kukunin ang pansin niya mula sa taong matagal na niyang pinapangarap?” He choked to the last word he uttered.

Ngayong may bahagi na sa sarili niya ang tumatanggap sa tunay na dahilan sa lahat ng nangyayari sa kanya ay siya namang pag-usbong ng isang masakit na katotohanan na hindi siya ang taong pinapangarap ng kanyang kababata.  At dahil doon, hindi niya maiwasang makadama ng takot at pag-aalinlangan.

Mataman siyang tinitigan ni Nico. Hindi siya sigurado kung tama ang nakikita niyang simpatya sa mga mata nito dahil kung tama iyon. Masasabi nga niyang tunay na ngang nagbago ang ugali ng kaibigan niyang ito.

“Hawak mo lahat ng baraha, Maki. Nasa sa ’yo iyon kung papaano mo sila lalaruin para maging paborable sa ’yo ang sitwasyon. But let me just remind you one thing.”

“Ano iyon?”  Takang-tanong naman niya.

“Hindi ka p’wedeng magkamali sa laro mong ito. Dahil oras na magkamali ka, hindi lang iyang kamay mo ang masasaktan mo kung hindi pati na rin si Jay.”

Hindi niya agad nakuha ang sinabi nito dahilan para mapaisip siya. Nang sa wakas ay ma-absorb niya ang lahat, lalong tumindi ang pag-aalinlangan niya. Pag-aalinlangan  para sa pagkakaibigang matagal niyang pinangalagaan sa pagitan nila ni Jay. Oo, kahit palaging sakit ng ulo ang hatid nito sa kanya ay hindi naman niya maitatanggi na isa ito sa mga taong naging sobrang malapit hindi lamang sa kanya kung hindi pati na rin sa kanyang pamilya.

“Kung totoo man iyang sinasabi mo na may nararamdaman na nga ako sa kanya. P’wede pa akong umiwas.” Kapagkuwan ay wika niya.

“Linya ko 'yan noon, Maki.” May bahid ng pagpapaalala nitong wika.

“I can’t afford to risk him.” Pag-amin niya. “Marami na kaming pinagsamahan ni Jay. Hindi pa man nabubuo ang grupo natin ay kaibigan ko na siya. Hindi ko isusugal ang pagkakaibigan namin dahil lang sa isang damdamin na hanggang ngayon ay hindi pa ako sigurado kung pagmamahal nga.”

The Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon