Chapter 05

1.1K 42 1
                                    

Story Cover Created by: MakkiPotpot

Written by: Zildjian

Email: zildjianace@gmail.com

Blog: ZildjianStories

FB Group: facebook/ZildjianStories


Author's Note:

 

Yay! Heto na naman ako at ang mga kabulastugan ko. Naway ma-enjoy niyo ang chapter na ito guys! Happy Sunday sa ating lahat!


Riley Delima, TheLegazpiCity, Angel Marco Menor, J, Franklin Alviola, Silent_Al, Russ, Iamronald, --Makki--, Mark13, Andy, Lexin, Jaycee Mejica, Yuan, Roan, Flexible Guys (Pat), Edmond, and Coffee Prince (Na muling nagbalik!)

– Salamat nga pala sa mga taong ito na nag-iwan ng kanilang komento sa chapter 04. Huwag niyo sanang isipin na wala lamang sa akin ang mga comment niyo dahil iyon ang isang rason para lalo pa akong ganahang tapusin ang k’wentong ito.


Enjoy reading guys and keep the damn comments coming!! ^_^V

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

Ilang minuto na ang nakakalipas simula ng iwan ni Maki ang mga kaibigan kasama si Janssen Velasco sa kusina. At sa nagdaang minutong iyon ay puro halakhak at pagbibida ni Jay sa boyfriend nito ang naririnig niya.

“Ni hindi man lang ako sinundan ng luko-lukong iyon para tanungin kung talagang hindi pa ako kakain.”  Ang nakasimangot niyang pabulong na naisambit.

Noon, kapag masyado siyang abala sa trabaho at hindi niya nagagawang kumain ay hindi siya titigilan ni Jay sa pangungulit hangga’t hindi siya napapatayo nito. Ito palagi ang tagapagpaalala sa kanya na oras na ng tanghalian at hapunan. Pero ngayon, para siyang hindi nag-exist sa bahay na iyon. Ang lahat ng atensyon nito ay naka-focus sa kasintahan nito.

“Kasintahan na nga ba niya iyon?” Muli niyang pabulong na wika. “Eh, ano naman kung magkasintahan sila? Mas mabuti nga iyon at nang mabawasan ako ng alalahanin.”

Sinadya niyang dagdagan pa  ang volume ng TV para hindi na niya marinig ang pagdadaldal ng kababata. Ewan ba niya, habang naririnig niya itong ibinibida ang boyfriend nito ay hindi niya maiwasang makadama ng pagkaasar.

“Hindi ko alam na kailangan na pala ng malakas na volume ang national geographic channel.” Ang wika ng biglang sulpot na si Nico sa kanyang tabi. Iniabot nito sa kanya ang dala nitong platong puno ng pagkain. “Kumain ka na. Nag-text si Alex na medyo mahuhuli siya ng dating dahil dadaan pa siya sa bahay nila at sa coffee shop.”

The Devil Beside MeWhere stories live. Discover now