30

369 25 9
                                    

"I already know that, Meg. Because the father of the child she miscarriage was him."

And I pointed him. . . Adrian who's barely sitting on the bed.

Nangibot ang labi ko. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. I gritted my teeth when he smirked. . . and chortled. Fuck him! I must search if what they did is punishable by law.

He's laughing like there's no tomorrow. . . and it's making my blood boiled at its finest.

He stopped and turned serious. "So, Jessica already told you."

My hunch was right. I only guessed about it to trap him but now I got him. It's my turn to smirk.

"You were fooled, Adrian. No one told me about it. You know what? I just guessed it and now it turned out you bit my trap."

His eyes grew bigger. "What the hell?" He smirked.

Tumaas ang gilid ng labi ko. Ang kilay ko ay kaunti na lamang at magtatagpo na.

"What the hell, Adrian? Why the hell you need to do these things?!"

"You really don't know, huh?" He averted his gaze and started smirking again. "She never gets pregnant. She just needed to act that she was."

My temple knotted. I am hearing him right, don't I? I looked at Meg. She nodded and I almost lost myself. She knew, too. I was fooled alone. So, Jessica lied to me earlier— no! From the very first day!

I was tripped. It was all planned.

I cleared my throat. I looked at Adrian. "What is your reason to do this kind of thing? I haven't done anything bad to you before. In fact, I just met you when you talked to Meg after my game."

"You are really stupid!"

My hands turned again into a fist. If killing is not a sin then he must be bathing with his own blood now. "I am not stupid, Adrian. You are stupid!" I emphasized the last words.

He smirked, mocking me. "Katangahan na bang ipaghiganti ang kapatid nating namayapa dahil sa walang kwenta mong ama?"

Nanlaki ang mata ko. What the hell he's talking about? Kapatid? I am the only child for petes sake!

"K-Kapatid natin? M-Magkapatid ta—"

He did not let me finish my sentence. He cut me, saying, "hinding-hindi tayo magiging magkapatid, Trishtan. Tandaan mo 'yan."

Pareho lang kami. I will never want to be his sibling, but what did he mean about what he said?

I am completely puzzled. I don't understand him, but I guess I need to know what he's saying.

"Kung hindi tayo magkapatid ay ano ang sinasabi mong kapatid natin?"

Tumayo siya sa pagkakaupo sa kama at saka lumapit sa akin. Lumapit siya sa akin at saka nagsalita sa mismong harapan ng mukha ko.

"'Yan ang alamin mo. Pero may isa akong clue para sa 'yo. Ask your father about it, he must know something about the reason of my vengeance, and once you know the reason. Think again if you are going to beat me again."

Kagaya ng ginawa niya sa akin noon sa fast-food chain ay tinapik niya ang balikat ko at saka siya lumabas ng kuwarto. Masama ang tingin na inihatid ko siya hanggang tuluyang mawala sa paningin ko.

"Trish." Bumalik ako huwisyo nang marinig ko ang boses ni Meg mula si kaliwa ko.

I looked at her apologetic face. "Let me explain, please?"

I gave her a serious look. I shake my head. "You don't have to explain, Meg, because I understand you." I smiled bitterly. "You and I. . . are now defunct. Wala na tayong pag-asa."

I looked up the ceiling and heaved a sigh twice. I cleared my throat; I refrained myself from shedding a tear.

"I cheated unintentionaly so as you. We are now even. So, please, Meg. I will do what you told me last time. Lalayo na ako sa 'yo at sana katulad ng sinabi mo. . . 'wag ka na ring magpapakita sa akin kahit kailan." Parang tinatadtad ang katawan ko habang sinasabi iyon. Ang sakit. Gusto kong isalba ang relasyon namin pero ayoko na. Natatakot na akong masaktan pa.

Pinagtaksilan ako ng kaliwang mata ko dahil may tumulong luha na mabilis ko namang pinahid.

I looked at her who's now crying, too. I stepped forward to hug her. I don't know why I did that, too. Maybe, for the last time. She sobbed on my chest. I kissed her head and I whispered something.

"You know that I love you, Meg, but loving someone who already has someone is like living in hell. We should part our ways now, Meg."

Suminghot ako. "I wanna rest." That's what I want to do now. I want to rest, and I want to take care of myself now.

Pagkatapos sabihin iyon ay humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kaniya. Dahan-dahan akong naglakad papalabas ng kuwarto. Pinalakas ko ang aking loob na huwag siyang tingnan kahit pa tinawag niya ako sa pangalan ko.

Masakit sa pakiramdam na gusto ko siyang balikan dahil nasasaktan siya pero kapag binalikan ko siya ngayon, ang ibig sabihin lamang noon ay binubuksan ko na naman ang sarili ko sa sakit.

Naisandal ko ang ulo ko sa mabinela ng kotse nang makarating ako sa loob. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Wala na akong direksyon. Pakiramdam ko ay wala nang saysay ang buhay ko dahil sa dami ng mga nangyayari.

I don't even know if what I have said and what I've done earlier was right. I hope so. I don't want regrets anymore. I am so full of it.

Ipinahinga ko ang aking sarili sa sasakyan at nang matapos ay saka ako umalis. Hindi daan patungo sa dorm ang tinahak ko. Hindi rin sa kahit anong bar kundi sa bahay namin ako magtutungo.

Naroon ang mga sagot na kailangan kong malaman. Ayaw ko nang magpadala sa takot; ayaw ko nang makulong sa kasinungalingan.

I need to know what Adrian meant when he said that. Alam ko sa sarili kong nag-iisa akong anak kaya malabong magkapatid kami.

Ipinarke ko nang maayos ang sasakyan ko sa parking area ng bahay namin. Pumasok ako kaagad sa loob at saka hinanap si yaya Maleng, sa kaniya ako magtatanong kung dumating na ba sina Mama galing sa trabaho.

"Yaya!" I shouted that echoed in the whole sala.

"Po!" Nagmula sa likuran ko ang boses. Nilingon ko siya.

She's wearing a lose light blue shirt with a jogging pants. Maliit siya, siguro ay nasa 5'1 ang height niya. Matagal na siyang nagtatrabaho para sa pamilya namin. Siguro ay limang taon na rin. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa mid-30's na siya.

"Dumating na ba sina Mama at Papa?" tanong ko.

"Naku, hindi pa po e. Mamayang alas sais pa raw po ang uwi nila," iling niya.

Tumango ako. "Sige. Pakitawag na lang ako sa kuwarto ko kapag dumating sila at pasabing kailangan ko sila makausap."

Tumango siya. "Sige po."

Dumiretso na ako sa taas at nagtungo sa kuwarto ko.


SPIKING THE PAIN (Varsity Series #1) (PUBLISHED)Where stories live. Discover now