29

317 25 11
                                    

As fast as I can, I drove my way to Meg's house. My hands are trembling. I was fooled, and I am not happy. Of course, no one will be happy after getting fooled. . . not only when good things happened after. But no— this is a serious matter.

I drove my car like there's no tomorrow. I did not follow the traffic rules that's why I received a whistle, but it wasn't able to stop me. I continued driving.

With a racing heart, I parked my car in front of her house. I hastily took my seatbelt out and exit my car.

Nagtungo ako sa guard. "Let me in."

I said that in a serious and intimidating manner. If he won't let me in, I will find ways. Hindi ako papayag na hindi ako makapapasok at hindi ko makausap si Meg.

"I need to fix things with her. Hindi mo gugustuhing hindi niya malaman ang sasabihin ko."

His face paled. Hindi niya alam ang gagawin.

"Pero 'wag daw po ako magpapasok ng kahit na sino."

"Even me?"

Tumango siya. Gusto kong matawa dahil sa inis. Nasapo ko ang aking mukha. Inilibot ko ang aking paningin para maghanap ng pwedeng pasukan.

Saka ko siya hinarap, wala akong nakita. "Look, kailangan ko siyang makausap, okay? Importante 'to. Kung namomroblema ka na baka mawalan ka ng trabaho pagkatapos nito ay 'wag kang mag-alala. I can give you a job, I can even give you a higher salary."

Ang mukha niya ay nag-iba. Nag-iisip siya kung anong gagawin. Kung papapasukin ba ako o hindi.

Nagtama ang mga mata namin kaya tinanguan ko siya. Nag-iwas siya ng tingin at saka malalim na napabuntong-hininga. Kinuha niya ang mga susi na nakasabit sa bayawang niya.

Saka niya binuksan ang maliit ng pinto. Napangiti ako nang makapasok ako sa loob.

Tinapik ko siya sa balikat. "Hindi ka magsisising pinapasok mo ako, at iyong pangako ko. . . kapag natanggal ka sa trabaho ay totoong ipapasok kita bilang guard sa bahay ng magulang ko."

Tumango siya sa akin. Hindi ko na siya pinansin. Tumakbo na ako sa kanilang hallway at saka dumiretso sa malaki nilang kahoy na pinto.

Binuksan ko iyon at mabuti na lamang at walang tao pagpasok ko. Nagtungo ako sa salas; may hagdan sa gitna nito. I climbed the stairs as fast as I can. I turned my way to my right because Meg's bedroom is in the second room from the middle.

Habol ko ang aking hininga nang makarating sa tapat ng pinto niya.

I knew that she won't like it if I entered her room but I don't have any choice. With my tremble hands, I hold the doorknob. I heaved a sigh twice until I finally get the courage to twist the doorknob.

Saka ko iyon dahan-dahang itinulak. Baka kasi katulad noong una ay nagbibihis siya kapag pumasok ako.

Mabilis na tumibok ang puso ko. Hindi siya nakabihis pero mukhang maghuhubad siya. I am shock because of what I saw.

A guy is on top of Meg kissing her. They are still dressed. Mukhang nagsisimula pa lamang sa ginagawa.

I slammed the door because they seem not to hear the sound of the door being opened earlier. That's the time when they finally stopped what they are doing.

Kumulo ang dugo ko nang unti-unti ay lumingon sa akin ang lalaki. Ang kamao ko ay unti-unting nabuo, naghahandang manapak anumang oras ngayon.

Siya si Adrian! The fucking Adrian who almost wrecked my life.

Nangangatal ang labi ko. Nag-aapoy ang mata na nakatingin ako kay Adrian pero nakikita ko sa gilid ng paningin ko si Meg. Gulat din siya sa nangyayari. Fuck!

Gulat siya pero galit at sobrang nasasaktan ako.

Matunog ang naging ngisi Adrian. "Don't tell me I can't do this with her? Sabi ko naman sa 'yo, Trishtan. . . 'Wag mong aalisin ang paningin mo sa kaniya dahil palagi lang akong nakaabang. Wala na kayo kaya pwede ko nang gawin kung ano ang gusto ko sa kaniya—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil sumalubong na sa mukha ang kamao ko. Napahiga siya sa kama kaya pinaulanan ko siya ng suntok.

Nanggigigil ako sa kaniya. Pare-pareho silang lahat na manloloko. Hindi siya nakabawi sa ginagawa ko.

Si Meg naman ay pilit kaming pinaghihiwalay ni Adrian pero hindi kami nagpaawat hanggang sa makaganti na rin siya sa akin. Nagpalitan kami ng malalaks na suntok sa isa't isa.

Kahit malalakas iyon ay tila wala akong maramdaman. Mas masakit ang nararamdaman ng puso ko dahil sa ginawa nila.

Hindi ko namalayan na nasuntok niya na ako sa mukha.

"Fuck you!" Susugurin ko na sana siya pero pinigilan ako ni Meg. Niyakap niya ako nang mahigpit na mahigpit.

Sunod-sunod ang paghinga ko. Pinunasan ko gamit ang likuran ng palad ang dugong tumulo mula sa bibig ko. Hindi ko naman inaasahan na sa liit niyang iyon ay makatatama siya sa akin ng suntok.

Masama ang tingin na ipinukol ko kay Adrian dahil nakangisi pa siya sa harapan ko. Gusto kong pasabugin pa ang dumudugong bibig at ilong niya pero pinanghihina ako ni Meg na nakayakap pa rin sa akin.

"Please stop," she said.

Malalim akong napabuntong-hininga. Saka ko dahan-dahang tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin habang nagpipigil ng luha.

Pinanggitnaan niya kaming dalawa.

"L-Let me explain, Trishtan," umiiyak na aniya.

I looked at her. Halo-halo ang nararamdaman ko sa kaniya. Mayroong galit pero mas matindi ang sakit. Hindi ko kasi akalain na ilang araw pa lang kaming hiwalay ay mayroon na siya kaagad na bagong nakakasama.

I cleared my throat. Nangibot ang labi ko tapos ang luha ko ay sunod-sunod na tumulo.

"Explain what, Meg?" I sarcastically said. "You don't have to explain anything because I knew it. Kaya pala gustong-gusto mong makipaghiwalay sa akin ay dahil may bago ka na."

Kaya rin siguro sinabihan niya ang guard ayaw niyang magpapasok ng kahit na sink. Kahit na ako.

Umiling siya. "N-No. It's not that, Trish." She tried to hold my hand but I refused.

Ako naman ang umiling.

"That's enough reason, Meg. Kung dati ay naghahabol ako sa 'yo, ngayon ay hindi na. Because now. . ." Suminghot ako. "Because now. . . I am letting you go. I am breaking up with you truly."

"B-But I want you in my life again because I know now that you aren't the father of Jessica's child."

Hindi na ako nabigla. May hinala na ako.

"I already know that, Meg. Because the father of the child she miscarriage was him."

SPIKING THE PAIN (Varsity Series #1) (PUBLISHED)Where stories live. Discover now