• Fourty Four •

68 2 0
                                    

Zen

~

"Zen! Zen! Pwede ba kaming makakuha ng interview galing sa ‘yo? Totoo ba ‘yung mga akusasyon sa ‘yo ng aktres na si Alexandria Rudio?"

"Anong masasabi mo sa balitang ipina-cancel na raw ni Alexandria ang project niyo dahil sa nangyari?"

"Kayo pa ba ng girlfriend mo? Bali-balita na niloloko mo raw ito."

Limang araw akong nagkulong sa bahay at ngayon lang ako lalabas ng may araw pa pero ito na agad ang bungad? Magkano ba ang binayad sa kanila para magtiyaga na bumalik-balik dito? Nakakaasar.

I sighed in dismay and shot them a bored look, "What, you’re still here?"

"Importanteng bagay lang, Zen. Kailangan namin kahit maikling sagot mula sa ‘yo. Anong masasabi mo sa issue niyong dalawa ni Alexandria? Totoo bang hinipuan mo siya sa dibdib?"

Ni-lock ko ang pintuan ng bahay at dumiretso sa motor ko. Wala akong balak sagutin ang mga tanong nila sa ganitong paraan.

Kusa silang umalis at nagsitabi nang iatras ko ang motor. They're still bugging me with those stupid questions, non-stop.

Matapos kong i-lock ang gate ay walang sali-salitang pinaandar ko na ang motor ko. Narinig ko pang tinawag nila ako pero bahala sila diyan magmukhang tanga.

Nagpaalam ako kanina kay Betina na aalis muna ako para lumanghap naman ng sariwang hangin mula sa tahimik na lugar na alam ko. These past few days has been a very toxic days for me. This is my first time to get involved in an issue that I didn't even commit.

Because of that woman, I got a bad reputation in my name.

Gano'n pa man, may mga nagbibigay mensahe pa rin sa 'kin sa instagram at pinapalakas ang loob ko. Sa tingin ko, 'yun 'yong mga tunay na nagmamahal sa 'kin bilang artista.

Nagpunta ako sa palagi kong pinupuntahan noong teenager pa 'ko. Bukod sa bahay-ampunan na pinupuntahan ko, ito ang isa pang lugar na alam kong makakapag-isip-isip ako-- sa lugar ng Sapporo Province, sa Leiden Forest. Isa sa pinaka tahimik, presko, malinis na lugar na napuntahan ko.

Dito ko iniiyak lahat ng sakit nang nakaraan ko noong naglayas ako sa 'min, no'ng malaman ko na ipapa-ampon ako, no'ng nawalan ako ng kakampi na kagaya ng kuya ko.

Ito ang naging saksi sa mga sakit at paghihirap na pinagdaanan ko... hanggang sa maging sikat ako.

At ngayon, babalik na naman ako.

Matapos kong iparada ang motor ko sa isang tabi ay pumunta ako sa paborito kong spot kung saan kita ko ang mga bahay sa lugar ng Sapporo. Kaagad akong sinalubong ng malakas na hangin, para bang binabati ako.

I let out an exasperated sigh, "God..."

"I thought you’d be smoking, but you don’t have anything in your mouth."

That freaked me out like what the fuck I thought I was the only one that's here on my spot to cleanse my mind. Seems like I went in a wrong time...

When I turned to look at that person, I saw the serious face of a jerk I know-- Claudius.

"W-What the... how’d you know I’m here?"

He shrugged nonchalantly, "I saw you on your way out so I followed you."

Below The Tide (Charity Series #1)Where stories live. Discover now