• Three •

293 24 28
                                    

Betina Tiara

~

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako dahil hindi ako sasama sa 'yo!"

Pilit kong hinahatak ang kamay kong hawak ng lalaking 'to habang binabaybay namin ang palabas ng apartment. Kanina pa ako nagsisi-sigaw, pero patuloy din ang kontra n'ya sa akin. 'Yung mga taong nadadaanan namin ay walang magawa kung hindi ang mapatingin na lang sa amin.

"Tulungan n'yo ako! Dadalhin ako ng lalaking 'to sa liblib na lugar para gawan ng masama! Ayokong sumama kaya tulungan n'yo ako!" patuloy kong protesta at paghingi ng tulong sa iba.

"Shh! Anong gagawing masama sinasabi mo?" mahinang singhal sa akin ni Seven habang salubong ang kilay.

Sumasakit na ang kamay ko sa higpit ng hawak n'ya. Ilang beses ko nang sinubukang kalasin ang hawak n'ya sa akin pero dahil lalaki siya't mas malakas sa akin, hindi ako nagtatagumpay. Gayunpaman, pumapalag pa rin ako at pilit na kumakawala.

Hindi ako pwedeng pumabor sa kanila... unang-una, hindi ko sila kilala.

"RAPE! RAPIST 'TONG LALAKING 'TO! DADALHIN N'YA AKO SA---" bigla n'ya akong hinatak papunta sa harapan n'ya at tinakpan ang bibig ko. Naramdaman ko ang katawan n'ya sa aking likuran habang ang isang kamay n'ya ay hawak pa rin ang kamay ko.

"Fucking shit? I'm not a rapist!" he whispered in my ear. I can't help but to feel more irritated. He's too close!

"Pagpasensyahan n'yo na po siya, hindi po ako rapist, girlfriend ko po siya at magkaaway lang kami ngayon. Pasensya na sa abala..." rinig kong anunsyo n'ya.

WHAT THE HECK IS HE TALKING ABOUT?!

Sinusubukan kong humingi ng tulong sa pamamagitan ng mata ko pero natatawa lang ang iba sa amin. Siguro'y napaniwala ng Seven na 'to ang mga taong nakatingin dahilan para isa-isa na silang magsi-alisan.

Nang makalabas kami ng apartment ay doon lang n'ya tinanggal ang kamay sa bibig ko. Tumapat kami sa isang pulang sasakyan at binuksan ang passenger seat para papasukin ako.

Hinatak ko ang kamay ko pero hindi pa rin siya bumibitaw.

I looked at him sharply as I held down my anger, "Could you please let go of my hand?"

He blew out a sigh, "Unless you get in."

"No!" I spat out, "Kailangan ko nang bumalik sa ospital, okay? Someone needs me! Ano bang gagawin ko doon samantalang hindi n'yo naman ako kilala? I'm not really important, for your information!"

"Ang ingay mo. Kung hindi lang sa 'kin inutos 'to ni Light, hindi kita pipilitin--- but since you were in that secret apartment and dared to opened the drawer... you have no choice."

'Yung drawer na walang ibang laman kung 'di puro folder at papel? Tss!

My face contorted in wry, "Hindi ba sinabi ko naman sa 'yong nagising ako na nando'n na? Someone took me there!"

"But he's still unidentified. I'm currently doing a research to find out who was him who took you there. So for now, please cooperate."

Sinubukan ko pang bawiin muli ang kamay ko, "Let go of me!"

"No, you get in."

Huminto ako at tinitigan siya ng masama. I have to think of a way to escape. Wala akong malay kung saan ang office na tinutukoy n'ya, paano kung malayo 'yun at doon pa ako makakatakas tapos hindi ko na alam ang pabalik? That can't be.

'Yung mga lalaking humahabol sa 'kin... si Nanay Gretta... hindi malabong puntahan nila iyon sa ospital dahil hindi na nila ako makita.

Fuck, Betina! Think of a way!

Below The Tide (Charity Series #1)Where stories live. Discover now