• Ten •

146 13 17
                                    

Betina Tiara

~

Wala akong ideya kung nagkataon ba nagkita kami ni Olyn dito sa labas ng ospital o... sadyang inalam niya kung nasaan si Nanay Gretta. Sa mga oras na 'to, bumalik sa alaala ko si Lucien, ang bahay niya, ang mga kasama niya-- at ang itsura ni Kayecie noong panahong 'yun.

Why...? Why is she here? Why do we have to meet again?!

"Long time no see, rat."

Napaatras ang paa ko ng isa habang nakatitig sa nakangisi niyang mukha. Itong babaeng 'to... ipapapatay niya 'ko, sisirain niya ang pagka-babae ko.

"O-Olyn..."

"Don’t call my name with that filthy mouth!"

"Hey, what’s happening? Who is this, Betina?" Zen can't help but asked.

"Ohh, so you now have a boyfriend? Kailan ka pa naging interesado sa lalaki, Tiara? And, this guy... isn’t he a celebrity?"

"No you’re mista---" she cut me in.

"God, I can’t believe na magagawa mong bumingwit ng lalaki." tumawa ito na may halong pag-iling, "Naaalala mo pa ba ‘yung ginawa mo sa amin? Nasaan ang konsensya mo? Alam ba ng lalaking kasama mo ang ginawa mo sa ‘min? Or maybe, nabasa niya na sa internet."

Hindi ko akalain na magiging ganito na lang ang takot ko sa harapan ni Olyn. Noong huli naming pagkikita, sobra-sobra pa ang pagsisisi at paghihingi ko ng tawad sa kanila. Hindi ko maisip na matakot dahil alam kong kasalanan ko naman talaga. Pero pagkatapos nilang pagbantaan ang buhay ko... iba na ang klase ng takot sa loob ko.

Naging kaibigan ko ba talaga ang mga ito...?

Bakit hindi nila ako mapatawad?

"Tama na... ‘wag dito, please." pakiusap ko pero lalo lang siyang napangisi sa akin.

"Hindi pa ako nakakaganti sa ginawa mo sa amin. Hindi kita mapapatawad, hindi mo iyon deserve. Hindi mo iyon makukuha hangga’t hindi mo nararanasan ang masaktan at mahalay!" matapos niya akong sigawan ay bigla na lang niya akong hinablot sa buhok dahilan para agad akong mawalan ng balanse.

Narinig ko si Zen na tinawag ang pangalan ko pero huli na dahil na naisalampak na ako ni Olyn sa sahig at nasa ibabaw ko na siya. Ramdam ko ang gigil nito. Pinilit kong pumiglas pero mas malakas siya sa akin.

"Olyn, please---!"

"Wala kang kwenta! Hindi ka namin naging kaibigan dahil traydor ka! Napaka sama mo, Tiara! Sana sumama ka na lang sa pamilya mong namatay na!"

And that words lose me...

Tumigil ako sa paggalaw, tumigil ang buong sistema ko sa sinabi niya. Ngayon ay mas naging malaya siyang kalmutin ako at sabunutan.

"Bakit ka pa nabuhay?! Bakit hindi ka namatay no’n ha?! Binuhay ka ba para kami ang masaktan, gano’n ba ‘yon?"

Hanggang sa naramdaman ko na lang na wala na siya sa ibabaw ko.

"Ano ba?! Bitawan mo ako!"

"I don’t know who you are but please stop hurting her! You’re causing a scene, woman!" halata ang iritasyon sa boses ni Zen.

"Pakialam ko?! Kinakampihan mo ‘tong kriminal na ‘to? Alam mo ba ang istorya? Dapat sinama ‘yan siya sa kulungan, e! Kasabwat niya ang mga lalaking humalay sa amin!"

"Wala akong pakialam kung kasabwat niya o hindi pero sobra na ‘yung mga sinasabi mo, miss. And it’s natural if I’m taking her side because who are you anyway?" Zen went on, "Stop hurting and threathening her. This isn’t a favor, it’s an order."

Below The Tide (Charity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon