• Fourty Three •

74 2 0
                                    

Betina Tiara

~

Sumilip ako sa malaking bintana na nandito sa office, mula rito, kita ko sa baba ang kumpulan na mga reporter-- hindi lang para makakuha ng interview kay Hailey sa issue ni Claudius, kung 'di para na rin mahingan ako ng opinyon tungkol sa naging sagutan namin ni Alexandria at panloloko raw sa 'kin Zen.

"Thanks to the gossip piece about Sir Claudius, my phone has been ringing non-stop."

Tumabi sa 'kin si Hailey na nakatingin sa screen ng phone niya, tumutunog ito. Kanina pa mula pagpasok niya sa office, hindi na siya tinantanan ng mga tao.

She sighed and shook her head, "All people from tabloid news, celebrity magazine, entertainment news and such... they all want a comment from Sir Claudius or an interview with me."

A small smile appeared on my lips, "He’s so popular, huh?"

"Yes, he is--- especially on ladies. Perhaps it’s best for Sir Claudius to not respond to any of this. The minute he does respond, things will blow out of proportion."

Muli akong tumingin sa labas ng bintana. Simula nang magkasagutan kami ni Alexandria, pinadalhan agad ako ni Claudius ng tatlong body guards. Hatid-sundo ako ng mga ito, hindi nga lang sa mismong apartment. Hinihintay at hinahatid ako ng mga ito sa coffee shop na malapit sa mismong building.

"I’m more worried of Zen," anas ko.

Cellphone lang ang komunikasyon namin ni Zen ngayon dahil hindi siya makalabas at hindi ako makapunta sa kan'ya. Though today was different, he decided to come out and went to this peaceful place he was talking about before to breath some fresh air.

Hindi ko lang alam kung paano niya tinakasan ang mga reporter-- o kung anong sinabi niya.

Naaawa ako sa kan'ya dahil hindi niya ma-depensahan ang sarili niya, lalo't hindi naniniwala ang sarili niyang manager sa kan'ya. Hindi niya magawang harapin ang mga reporter sa labas dahil bukod sa masakit ang mga akusasyon sa kan'ya, natatakot siya na hindi ito paniwalaan ng mga 'to lalo at tingin namin, bayaran ang mga 'to kay Alexandria.

"I suppose there’s nothing you can do about the public. Alexandria went to Zen’s house in the middle of the night, yet, no one is suspecting her. She’s really trying to ruin his reputation," Hailey said with a gloomy sigh.

"That’s so unfair... wala talaga akong pinagsisisihan sa naging sagutan namin kahit pa naging dahilan ito para hanapin ako ng mga reporters," walang emosyon kong litanya.

Hinawakan ako ni Hailey sa balikat, gayunpaman ay nanatili sa bintana ang paningin ko.

"But let’s try to cheer up a bit, nothing good will happen if we keep stressing ourselves."

I said nothing and just nodded.

"Aaaarrrggghhh!"

Sabay kaming napatingin sa sofa kung saan nando'n si Gavin hawak ang phone niya-- mukhang naiinis. Kaharap nito si Seven na may ginagawa sa laptop niya.

Sinuway agad ni Hailey si Gavin, "Don’t shout, Gavin. What’s up with you?"

"Sorry," saka niya sinandal ang ulo sa sofa at tinignan kami, "It’s pissing me off that Alexandria is continuing to trash Zen on her social media! Can’t she stop?!"

Napabuga ako sa hangin dahil sa sinabi niya.

"Well, she is simply digging her own grave." sabat ni Seven, "Everything will be fine."

"Look at this!" tinapat ni Gavin sa 'kin ang phone niya, lumapit naman ako at kinuha 'yun para basahin ang pinapakita niya.

"I refuse to be sexually harrased just because I have beautiful body--- and just because his girlfriend has an A cup size. ZEN, shame on you! You do not have the right to sexually harrased a woman like me! No woman deserves that!"

Below The Tide (Charity Series #1)Where stories live. Discover now