• Twenty Eight •

81 6 0
                                    

Betina Tiara

~

Nakarating ako ng apartment matapos akong ipagtabuyan nina Olyn sa party. Basang-basa ako, sobrang lagkit at nangangamoy lansa. 'Yung iyak na nilabas ko habang binabato nila 'ko, kusa ring nawala nang matapos sila. Hindi ko alam... para akong nawalan ng emosyon sa oras na 'yun. Tipong wala na akong masabi kahit pa muli nila akong pinagbantaan sa susunod na pagkikita namin.

Wala rin akong pakialam habang naglalakad ako sa maraming tao. Umiiwas sila, pinagbubulungan ako, pero wala na 'kong lakas para pagtuunan sila ng pansin.

Binagsak ko ang sarili sa sofa at napasabunot sa aking matigas at malagkit na buhok. Walang pumapasok sa isip ko kung hindi ang mga nangyari kanina...

Ang tanga-tanga ko kasi, nagpaloko ako. Napaka sakit isipin na noong mga oras na nagku-kwentuhan kami ni Kayecie-- tinatawanan na pala n'ya ako.

Fuck... how unfortunate you are, Betina.

Ayoko na sanang balikan 'yung nangyari sa akin dati pero ang hirap kontrolin ng isip ko. Pilit nitong pinapaalala na namatayan ako ng buong pamilya, nagkasakit si Nanay Gretta, nawalan ako ng mga kaibigan... at heto, naloko ako.

Bakit parang ang malas-malas ko naman yata? H'wag mo sabihing pati dito sa CVA... maiiwan ulit ako?

Nakaramdam ako ng guhit sa puso ko nang maisip 'yun. Baka kapag sinagot ko si Zen... masaktan lang ako, lokohin lang din n'ya ako. He's a celebrity anyway. For sure magsasawa rin siya sa 'kin.

Mariin akong napapikit. Iniisip ko palang, para na akong bibigay.

"Betina!"

Nagulat ako nang may sumigaw sa pangalan ko. Pinunasan ko agad ang nakatakas na luha sa aking pisngi at nilibot ang paningin sa kwarto.

"Pick up your damn phone!"

Boses ni Seven...

Kinuha ko agad ang cellphone ko sa maliit na bag ko at nakita sa screen na naka-on call siya. Naalala ko 'yung unang beses na tapak ko rito sa apartment, ganito rin ang ginawa n'ya.

"S-Seven..."

Suminghal siya, "Did something happened to you? You’re not picking up my calls. I thought something strange had happened already... or maybe because I’m right?"

I hardly swallowed my breath, "What do you mean? I’m tired, Seve---"

"Bakit basang-basa ka? Sa ‘kin ka pa talaga magsi-sinungaling? Betina, I can see you right now, in case you forgot."

Yeah... I forgot about the camera thingy.

I sighed resignedly as I shift my gaze at the wide window, "What do you think? I went to their party because I was fooled by my own friend who gave hope that I can still fix our relationship but in the end... this is what happened."

Diniretso ko na. Gano'n din naman, hindi rin naman ako tatantanan ni Seven at wala rin namang saysay kung magsi-sinungaling pa 'ko.

Sigurado, laman na naman ako ng social media bukas. Malalaman at makikita nila ang ginawa sa akin... at hindi ko alam kung kaya kong humarap kay Zen dahil do'n, masyado akong nahihiya.

Below The Tide (Charity Series #1)Where stories live. Discover now