Chapter 28

22 3 0
                                    


Shiela P.O.V

Agad na kaming lumisan sa bahay ni lee ann doon na rin muna namin pinaiwan ang pamilya ni prnce Kyxel.

"Sigurado ba kayong sasama kayo?" tanong ko sa kanila

"Maiiwan kami rito upang mangasiwa sa kaligtasan ng pamilya ni lee ann at Prince Kyxel" sabi nina Yeo min at kasamahan niya

"O siya ito gamitin niyo upang matalo ang masasamang bampira" binigay ni zayn ang mga espada

"Bilisan na natin, huwag na tayong magaksaya ng oras" habang nagpalinga linga si Lorenza kung nasaan ang lagusan

Sa pagbukas ng lagusan ay nakaabang ang mga kawal ni lucifred halatang nalalaman niya ang mga ginagawa namin.

"Mga kawal ni lucifred" zayn

"Maryland, Lorenza Isabel at Gladys tumago muna kayo habang kinakalaban namin ito" shiela

Inilabas ko ang mga armas ko at sinimulan ng makipaglaban sa kanila.

"Zayn sa likod mo" sigaw ko sa kanya dahil itatarak n asana sa kanya ang espada sa likod

"Ano bang kailangan niyo?" tanong ko habang nakikipaglaban

Sugatan na si Zayn sa pakikipaglaban kaya hindi ko na rin nanaisin na makita siyang nasasaktan.

Nahuli na rin ang mga tropa ko.

"Zayn, shiela tulungan niyo kami" nagpupumiglas na sabi ni Lorenza

Isa isa silang hinawakan at tinutukan ng espada sa leeg.

"Ibigay niyo sa amin ang magic potion kapalit ng kaligtasan ng mga kaibigan niyo. Buhay o kamatayan" nagagalit na sabi ng kawal

"Huwag niyo na silang idamay nasa akin ang magic potion, ako na lang ang isama niyo" pinakita ang magic potion

"Paano nangyaring napasakamay mo ang potion" takang tanong ni Lorenza

"Huwag mong ibigay, mas ok na mamatay na kami , wag mol ang ipasakamay nila" sabi ni Maryland

"Hindi ko kayang nakikita kayong nasasaktan kaya ako na lamang ang sasama sa kanila, Pagpaumanhin niyo sana ito" sabi ko

"Huwag na maraming satsat, akin na ang magic potion"

"sasama ako ng matiwasay, pakawalan mo na sila" utos ko

Agad naman na pinakawalan sila at bigla kaming naglaho.

Lucifred P.O.V

Makalipas ang isang araw ay hindi ko napapansin si Bridgette sa kaharian.

Nabalitaan ko na lamang na kasama ito ni Zayn.

"mahal na hari, naririto na po si Bridgette dala ang magic potion"

"magaling magaling kahanga hanga ang iyong nagawa Bridgette tunay ngang ikaw ay aking anak" nagpapalakpak habang palapit sa kanya

"Nasaan na ang hinihingi ko? Dahil nasa akin na rin ang magic potion ni Prince Kyxel kapalit nito ng isang kapangyarihan na nagmumula sa Trio Powers"

"Bakit ko naman gagawin iyon?" tanong ko

"Kapag naipainom ang magic potion na ito wala ng Prince kyxel ang magsisilbi sa iyo. Ikasisira ito ng iyong mga plano. Maaring mawawala na rin ang Trio Powers kapag naging kakampi na ito ng kbutihan. Kapag nangyari yun mawawalan ka na rin ng kapangyarihan, ninanais mo bang mangyari iyon? O tatanggapin ang alok ko" paliwanag niya

"Isa ka nga talagang henyo. Ibibigay ko ang karagdagang kapangyarihan kung ibibigay mo na sa akin yan"

"Hindi moa ko mauuto isa ka rin swapang sa kapangyarihan, kaya bat ako magtitiwala sa iyo?"

The Last Bloody Vampire (Completed)Where stories live. Discover now