Chapter 4

63 7 0
                                    

Isabel P.O.V

"Hoy, hayop ka! hindi mo ba alam na may naglalakad dito, bumaba ka nga diyan, lintik na driver! ito hindi marunong mag drive." Umusok na ang ilong ko sa mga nangyayari

Bumaba ang lalaki sakay ng puting kotse, matangkad 5'8 ang taas, maputi, nakapulo na puti na bukas ang dalawang butones nito na nakatupi ng ¾, brown ang kulay ng mata, kulay blonde ang buhok, matipuno kung kumilos at may mahalimuyak ang bango.

"Hey you!, did you know? kung ano ang ginawa mo sa akin ha" Panunumbat ko habang ipinapakita ang maruming uniform

"So, what?" in cold voice

"Walang hiya ka talaga, pagkatapos nang ginawa mo sa

akin, sabihin mo anong paki ko sa iyo, hoy! mister para malaman mo natalsikan lang naman ng kotse mong bulok ang uniform ko" pasigaw na sabi ko

"Hoy! Miss wag ka ngang mag-iskandalo dito nakakahiya ka, ikaw pa nga ang may kasalanan eh, at anong bulok?, para sabihin ko sa iyo hindi ito bulok, mahal pa ito kaysa sa uniform mo" sabay alis nito papasok sa kotse

Marami – rami ang mga tao at dali dali akong pumunta sa school upang doon ay magpalit, at paglabas ko ng banyo ay pumanhik agad ako sa aking klasrom.

Nakita ko si Lee Ann na nakasubsob ang ulo sa desk,at biglang umalis.

dahil sa iba ang aura ko ay napansin agad ito ni Maryland.Tinanong ni Maryland kung ano ang nangyari sa akin, ganun din ang aming guro kung bakit ako nakapam PE at gulo gulo ang buhok ko. Napansin ko rin na umalis si Lee Ann.

Natapos ang klase sa umaga na hindi ko namalayan at hindi ko nakita si Lee ann. Hindi rin siya pumasok sa lahat ng subject sa umaga.

"Parang sinabay mo sa panahon ang init ng ulo mo ah" Lorenza

"paano ba naman kasi yung lalaking yun sobrang mahangin ,hindi man lang humingi ng sorry sa akin," Nagngingitngit kong sabi

Sabay tayo ko sa harapan nila...habang nagkukuwento... Nandito rin pala kami ngayon sa dating tagpuan sa bench, as usual ganun pa rin ang upuan namin. Kanya –kanyang baunan ng kanin. Kumakain lamang ako ng tinapay o kaya sandwich.

"Then?" kinikilig tanong ni Maryland

"Medyo matangkad, blonde ang buhok, malakas ang dating sa babae at masungit, bwesit" nakapameywang pa ako ng kamay

"tapos? Tanong ni Lorenza habang may hawak na libro

Hindi ko alam kung bakit ganito ang sitwasyon nila eh di ba dapat mainis din sila bakit parang kinikilig.

"Gwapo ba?" Gladys

"Nakakainis talaga yung lalaking yun kapag nakita ko ulit yon ihahampas ko itong sandwich sa mukha niya, akala mo kung sinong gwapo e hindi naman."

"Eh Di gwapo nga, ayiee" Maryland

"May sinabi ba ako"

"OO" sabay- sabay na winika

"Maiba nga ang usapan nasaan na si Lee Ann, kanina pa siya wala ah, wala rin pumasok sa klase"

Lee Ann P.O.V

Lumabas ako ng klase na hindi nagpapaalam sa kanila. Tuloy-tuloy ako sa labas baka doon ako makahanap ng solusyon sa problema. Lumabas ako na may sun protection, suot ko ang binigay na watch and shades. Narating ng mga paa ko ang isang signage na may nakalagay na "MOTOCROSS 2018, SABLAYAN OCCIDENTAL MINDORO, 300,000 REWARD 1ST PRIZES." Kaso wala naman akong motor na pambili.

May narinig akong isang van na may lalaking nakasakay na humihingi ng tulong. Aalis na sana ako at hindi ko papansinin, subalit kinokonsensiya ako ng aking isipan.

The Last Bloody Vampire (Completed)Where stories live. Discover now