Chapter 8

43 5 0
                                    

Lee Ann P.O.V

Papunta na ako sa first subject ko, nakakain na rin ako ng sariwang gulay at sariwang dugo ng manok na ligaw sa talukan. Hindi ko kinakain ang karne nito dahil vegetarian at iba ang lasa.

Papasok na ako sa room ko MD3 malapit sa marketing at may katabing MD1, at MD2, nakita ko na si Zayn doon sa pintuan na para bang may inaabangan. May bitbit na isang kahon na di ko alam ang laman siguro tsokolets yun.

"hey lee Ann, how are you today? Ah nga pala eto oh para sa iyo"

Inabot niya sa akin ang kahon, hindi ako makapasok sa room dahil hinaharangan niya ang daanan.

"Its Ok, kaya padaanin mo na ako ha dahil papasok na ako sa loob" sabi ko ng marahan

Nakita ko ang mga kaklase ko na naghihiyawan sa amin na para bang may nakikitang loveteam. Umalis ako at pumunta sa gilid ng MD1 sumunod siya upang hindi marinig ang pinag uusapan.

"why are you here and what is the purpose of that box" i asked him

"Well this box is for thanks giving, you save me last night, and i hope you will like it"

Tinanggap ko ang kahon, siyempre di ko tinangihan dahil ibibigay ko ito sa mga kaibigan ko. Pili lang ang kinakain ko.

"Thank you for this, Zayn, kaya makakalis ka na, wait, nga pala last night dont tell to everyone ang nangyari "

"pwede bang maging friends kita"

"We are friends na, I already accept your suggestion"

Umalis na rin siya at nakita kong nag yes siya. Ngumiti siya ng para bang wala ng bukas.

Then nakita ko si Lorenza palabas ng building, sabi ng friends ko may bibilhin lang daw.

Ibinigay ko na ang laman ng box sa kanila, sino ba naman ang kakain na iyon di ba.

Lorenza P.O.V

Habang nag uusap si Lee Ann at Zayn umalis ako hindi ako nakapag wave sa kanila kasi busy sa pag uusap ayoko namang maistorbo sila di ba.

Andito ako sa labas ng building at nasa harap ng tindahan ng shomai, nagugutom na kasi ako. Hindi ko rin namang mayaya si Gladys at isabel dahil busy sa pangongopya ng assignment ko si Sheila naman pagod dahil sa training.

Bumili ako sa halagang 10 piso na shomai at nakasubo pa lang ako ng isa ng may nakabangga sa akin na isang lalaki, na may dalang buko juice at cheesedog. Lahat ng sauce at juice ay tumalsik sa akin at ang shomai kong may tuyo at bawang na may kalamansi ay nasa kanyang damit.

"Hey hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo, nakikita mong dadaan ako hindi ka tumatabi,bulag ka ba miss, oh bat di ka makasalita dahil nabangga mo ako, kasalanan mo ito eh" galit na pasigaw na sabi niya

" ako pa ngayon ang may kasalanan, eh ikaw lang naman itong bumangga sa akin hindi ka kaya tumitingin sa dinadaanan mo, at sino ka ba para bigyan ko ng daan, at ituring na prinsepe."at nilakihan ko siya ng mata

"at sino ka bang babae ka, alam mo kung andito yung mga fans ko yari ka, ako lang naman si Dylan Ventura" at nag sign ng lagot ka

"So, whatever bwesit" pabulong ko habang umaalis

Iniwan ko siyang dismayado dahil sa namantiyahan kong damit, eh pareho lang naman kami. Pumunta ako sa C.R para magpalit ng extra shirt, syempre may baon akong dala. Pumunta na ako sa aking klasrom dahil malapit na rin mag start ng klase.

Pagkarating ko sa klasrom lahat ng kaklase ko nakatingin sa akin maliban na lang kay Lee Ann eh sa walang pakialam yun sa chismis.

"Hoy Lorenza kalat na sa FB ang post na video sa inyo ni Dylan" palapit na sabi sa akin ni isabel

The Last Bloody Vampire (Completed)Where stories live. Discover now