Chapter 6

53 7 0
                                    

Prince Kyxel P.O.V

Nakakainis,first time itong nangyari sa akin. Sino kaya ang babaeng yon?

"Oy, Pre Whatsuppp" binigyan ko ng highfive

"what are you doing in this place, di ba dapat nandoon ka sa ceremony?" yeo Min

" I don't care about them mas gusto ko pang uminom?

" Yon ba talaga, balita ko natalo ka lang ng isang babae nagkakaganyan ka na, you mean affected ka?" Yeo Min

"Hindi Ah, nasan na pala yung iba?" paglilihis ko

"Nasa ibang bansa nagbakasyon at yung dalawa may business pa, magaling pala si Lee Ann no"

"Lee Ann? you mean yung nag beat sakin"

"Yeah, but hindi ko nakuha ang last name niya wala kasi nakalagay dun eh" sabay tango

"nagpadala ka na naman ng espiya mo, ha kahit kelan talaga Yeo Min, sira ka no" sabay abot ng Wine glass

"how about you? What's your plan? Itutuloy mo pa ba ang karera mo?" yeo min

"I don't know wala pa akong plan, but i can handle it"

Nagdadrive na ako ng Lamborghini Veneo Roadster £3.3 million , narito na ako sa kalagitnaan ng Brgy. Dagupan pauwi na ako ang kaso may humarang sa aking daanan, grupo ng mga kalalakihan.Hininto ko ang sasakyan at bumaba.

"what is the meaning of it?"

"Bigtime pala tayo rito, mukhang mayaman ito mga pare, maari bang mahiram itong sasakyan mo" Sabay lapit ng unang lalaki

Mga anim sila sa harapan ng aking sasakyan, pawing mga nakasuot ng mask at nakaitim na damit.

"What if I don't want too?" pabalbal kong sagot

"eh gago pala itong taong ito" Sabay suntok sa mukha ko

"tirahin na kaya natin ito, para makuha na natin ang gamit sa loob at maibenta ng mahal" sabi ng pangalawang lalaki

Isang itim na motor na ang pumarad na lulan ng leader at itinanggal niya ang mala-predator na helmet. Pinaikotan niya ang aking sasakyan.

"Sige, tapusin niyo nayan basta ipaubaya ninyo sa akin itong mamahaling kotse"

Sinimulan na nila akong bugbugin, may humawak sa magkabilaang braso ko, at sabay suntok sa tiyan, bugbog sarado na ako sa tatlo, pinagpasa pasahan na nila ako upang suntukin.

Nang may biglang dumating na babae na nakasuot ng itim na naka coat , may cap at boots. Sinimulan niyang lapitan ang tatlong nagsusuntok sa akin, isa isa niyang labasan ng iron fist pinagsusuntok niya ito ng mabilis na para bang wala ng bukas.

Tumalon sa kaniyang likod ang isang lalaki at hinawakan ang kanyang ulo upang baliin, subalit agad niya itong tinanggal.tumalsik ito sa talukan. Pinaputukan naman ng leader ng grupo ang babae, pero hindi ito natamaan. Mabilis na tinakbo ng babae ang hawak na baril, agad niya itong sinipa at tumalsik sa ere ang baril, habang nasa ere ito pinalipad naman ng babae ang sipa sa mukha, kaya naman dumugo ang labi ng lalaki.

Mabilis na isinaksak ng leader ang hawak niya pang punyal sa tagiliran nito. Dahil sa saksak napaatras ng dalawang hakbang ang babae. Nakuha ng babae ang baril naman at itinutok nito sa ulo ng leader.

"sige, ituloy mo yan at pasasabugin ko itong ulo mo"

"hindi na po, hindi na po, sorry po" sabay iyak ng leader at lumuhod na para bang nagmamakaawa

"pagbabayaran ninyo ito"

itinali na babae ang mga kamay ng mga carnaper, lumapit ito sa akin, at doon na ako nawalan ng malay dahil sa kalasingan at sa bugbog kong katawan.

The Last Bloody Vampire (Completed)Where stories live. Discover now