Chapter 30

34 3 0
                                    


Lee ann P.O.V

"hahaha hindi mon a ako mapapatay ngayon lee ann mukhang mas gagana ang kapangyarihan kapag si Eckel ang humawak"


"Isa ka pa ring tuso lucifred inuuna mo ang kapakanan mo sa sarili mong anak. Wala kang puso"

Pinatama niya sa akin ang trio powers dahilan ng pagkabagsak ko sa sahig. Tunay ngang hindi kinikilala ng trio powers dahil katawan ni Prince Kyxel ang sinasaniban niya.

"o ano mukhang nanghihina ka na, lee ann?" panunukso nito

Mas lalo niyang pinalakas ang kanyang kapangyarihan. Isa isa niyang binuhay ang mga malalakas na nilalang sa ilalim ng lupa.

"Mga kapanalig puksain ang kalaban isa isang patayin walang ititiran buhay"

Habang minamasdan ko ang aking kasamahan ay mukhang nanghihina na ang mga ito.

"Hindi mo ba alam na bukas na rin ang lagusan ng mga tao, at isa isang pinapatay"

Pinakita niya sa aking ang kalagayan ng aking mga magulang.

"hayop ka lucifred"

"Tignan mo ang kalagayan ng iyong mga mahal sa buhay sa mundo ng mga tao, may mga dugo man silang mga bampira hindi pa rin maiikukubli na mapapatay pa rin ito hahaha"

Isa na lamang ang paraan na naiisip ko ang patayin silang dalawa.

"Kaya mo bang patayin ang si kyxel, kapalit ng kaligtasan nila?"

"Lorenza......" sigaw ni Maryland

Nakita kong nakahandusay na sa sahig si Lorenza at wala ng buhay.

Ang hari at reyna ay nauubusan na ng lakas.

Sina mange dong at manang edang ay wala na rin.

May natitira pang lakas si zayn at tama ba ang nakikita ko sa di kalayuan ay umaanib na sa amin ang sugatan na si shiela.

Hindi ko namalayan na tinamaan ako ng palaso ng isang kawal.

Nagdurogo na ang aking mga kalamnan, pero nadadala pa rin ito ng init ng pagnanais sa kabutihan.

"Ang potion" sambit ni shiela

Tinignan kong Mabuti ang nasa bulsa kong potion.

"Nilinlang mo ako ama sabi mo bibigyan mo kami ng kapangyarihan ni Kyxel, ginawa ko ang lahat upang manilbihan sa iyo. Inutos mong kunin si Kyxel sa mundo ng mga tao Ngunit ito ba ang igaganti mo sa akin. Pati si ina nagawa mong patayin dahil sa kapangyarihan. Hindi na makatarungan ang ginagawa mo ama. Ganid at kasuklaman ang pinapairal mo, ito ang bagay sa iyo."

Sa puntong iyon lalong naguguluhan si Prince Kyxel kaya nag uusap ang dalawang katauhan sa katawan.

Papalapit na itatarak sana ang punyal kay haring lucifred ngunit agad na inilagan ito.

"Bridgette, masunurin kong anak, napakatuso mo rin sa kapangyarihan kaya gagawin mo ang lahat para makuha ito. Pinapakita mo lamang na dapat na kitang patayin dahil tinangka mo akong patayin."

Nilalaban ni kyxel na huwag patayin si shiela.

"Ama anak mo rin siya bakit mo nanaisin na patayin?"\

"Wala na siyang silbi anak, kaya nararapat na patayin ito"\

Ito na siguro ang oras upang ipainom sa kanya ang potion. Sa pagkabukas ng kanyang bibig ay nasentro ang potion.

Sugatang tinanggap ni shiela ang kapangyarihan ni lucifred kaya nanghina na ito ng tuluyan.

"aahhhhhhhhh'sigaw ni kyxel habang hawak nito ang kanyang ulo nabitawan ang trio powers

Kinuha ko ang trio powers sa sahig.

"Huwag kang magpapabuyo sa kanila kyxel, hindi sila ang dapat mong panigan. Nililinlang kanila" tugon ni lucifred

"Alam ko na ang lahat ama. Simula nung umpisa ginawa mol ang akong alagad upang makuha mo ang ninanais mo. Hindi ka na naging ama kailanman sa amin. Kaya sumuko ka na" utos ni kyxel

"Don't listen to them, they just used me. Tayo ang ginamit nila anak, kaya ako ang pakinggan mo" paiyak na kunwari ni lucifred

Pilit na pinalalabas ni kyxel ang katawan ni lucifred.

"Akin na ang Trio Powers ako na mismo ang papatay sa aking ama. Hindi ko na hahayaan na maging masama ng tuluyan at maging magulo ang kasalukuyan. Ibigay mon a sa akin at ako ang tatapos nito" utos ni kyxel

Nilapit ko ang trio powers sa kanya ay inaabot.

"Huwag kang palinlang sa kanya lee ann si Lucifred yan, ginagaya niya lamang ang boses ni kyxel upang makuha ang trio powers." Utos ni shiela

Nahawakan n ani lucifred ang trio powers at saka ito humalakhak.

"Isa kang mangmang lee ann hahahaha"

Hawak ko pa ang bahagi ng trio powers kaya sumambit ako ng spell upang gawin itong espada.

"Maximus Armored"

Pinikit ko ang aking mga mata habang itinaatarak sa kanila ang espada.

"aaahhhhhhhhhhh" sigaw ni lucifred

Kasabay ng pagtarak ay ang chant na kinanta ni Maryland upang dalawang katauhan ay maghiwalay. Naiwan sa katawan ni kyxel ang espada.

Nanghinang lumabas si lucifred sa katawan ni kyxel. Samantalang walang malay na bumagsak si kyxel.

"Kyxel sorry, sorry kung hindi kita nagawang iligtas. Sorry kung nilagay kita sa kapahamakan. Naalala mo ba kung bakit ikaw ang kapalit ng paninilbihan ko sa iyo bilang bodyguard hindi dahil kakainin kita. Kundi nakaramdam na ako ng pagmamahal. Kyxel please gumising ka na."

"Kawawang lee ann, hindi ka na niya makikita kailanman dahil patay na siya. ikaw ang pumatay sa sarili mong mahal, kaya dapat mamatay ka na rin"

"lee annnnnnnnnnnnnnnnnnnnn" boses ni zayn na poprotektahan ako ngunit

"Zaynnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn" kay shiela tumama ang espada at dun ko na kinilos na saksakin ng espada ng trio powers si lucifred

"Shiela?"

"hindi ko hahayaang patayin ka ni ama Zayn, mas Mabuti pang ako na ang mawala kaysa ikaw"

"Bakit mo nagawa iyon?"

"Zayn, alam kong naging masama ako sa paningin niyong lahat. Naalala mo ba ang mga biruan natin na magkasama. Inggit na inggit ako noon kay lee ann dahil pati ba naman ikaw ay nagkagusto sa kanya. Nagawa ko na umanib kay ama uang makuha kita. Ngunit hindi ako nagtagumpay bagkus nilagay pa kita sa kapahamakan. Zayn naalala mob a nung tinanong mo sa akin kung bakit ko ginawang patakasin ka. Yun ay dahil ayaw kitang nakikitang nasasaktan, gusto ko na nasa Mabuti kang kalagayan. Siguro nga hindi pagmamahal ang nakikita mo sa akin dahil napuno na rin ako ng kasakiman. Pasensya na ha. Mahal ko kayo Bookworms, gusto ko lang kasi noon na mapansin niyo rin ako. Zayn sana dumating ang mga araw ay pasasayahin mo ang iyong sarili. Ipangako mo sana sa akin. Sa aking pagpanaw sana dalhin ang konti nating alaala nung tayo'y magkasama.. Ma..maha kita zayn" saka nawalan ng hininga

"Shiela, shiela... gumising ka dyan," yugyog sa katawan nito

"Wala na siya Zayn" saad ko

"Hindi maari, shiela nagkakamali ka ng iniisip. Hindi ako nagkagusto kay lee ann, sa iyo ako nahulog ng loob. Ikaw ang babaeng nagpapasaya sa akin lalo na nung naglalaro tayo ng basketball. Si lee ann para ko na siyang kapatid. Kahit na ilang ulit mo pa kaming linlangin, alam kong may reason yun bakit mo nagawa. Kaya sana gumising ka na. ikaw ang babaeng matagal ko ng pinapangarap. Shielaaaaaaaaa" sigaw nito hbang akap ang katawan.

3 days ago...

Nanumbalik sa dating sigla ang kaharian. Sabay ng pagkamatay ni lucifred ang pagguho ng shadow world.

Nawala na rin ang mga bampirang sumasalakay sa mundo ng mga tao.

Naging matiwasay na ang parehong kaharian.

The Last Bloody Vampire (Completed)Where stories live. Discover now