Epilogue

4.1K 71 11
                                    

Author's Note:
Helloo Babies! So here's the Last Chapter! Thank you so much sa lahat ng nag hintay ng updates since day 1 till now. Maraming Salamat po! Thank you po sa walang katapusang suporta huhuhu.  At salamat po sa pagbabasa ng kwentong ito. Lovelots po.

Started: MARCH 2017
Ended: SEPTEMBER 2020

VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.

--------------------------------

"Anak. Tara na." Mas lalong napaiyak si Jazzy nang maramdaman ang mommy niya sa tabi niya.

"Huhuhu Mommy,"

"Shhh."

"It's too early pa. He should be here."

"Baby, ganyan talaga ang buhay. May mawawala meron namang dadating."

"Huhuhu.."

"Shh.."

Naaupo pa siya sa lupa habang hinahaplos ang lapida ng pinakamamahal niya.

"Ba't ang aga mong kinuha sa amin. Huhuhu. My babies need you. We need you huhuhu.."

"Anak."

"Huhuhu.." Napahagulhol si Jazzy ng iyak lalo na nang marinig niya ang iyak ng anak niyang babae na nakatayo lang sa tabi ng Mommy niya.

"Baby, come here." Lumapit naman ang anak niya at niyakap siya. Hinaplos pa nito ang mukha niyang luhaan.

"Mommy, shh na please."

"Anak. Tahan na."

"I just can't help it." Mahigpit naman siyang niyakap ng anak niya. At hinahaplos pa nito ang likod niya para kumalma siya.

"Lady?"

Napahinto naman sa pag haplos ang anak niya at nilingon ang tumawag sa kanila..

"Daddy!" Mabilis pa nitong niyakap ang ama at kiniss ang kakambal na binaba na ni Tyler.

Napakamot sa ulo na tinignan siya ni Tyler. Narinig naman niya ang hagikhik ng Mommy niya na lumapit na rin sa mga anak niya.

"Shh na." Niyakap siya ni Tyler at hinalikan siya nito sa ulo.

"It's too early for him, love. Huhuhu."

"Shh bibili nalang tayo ulit ng bagong pagong wag ka ng umiiyak dyan." Bulong ni Tyler sa kanya.

"Huhuhu. Hindi lang kasi siya pagong, galing pa yun sa Island kung saan-"

"Shh.. kalma na love, bibili tayo mamaya.. Tahan na. Maawa ka naman sa mga anak natin, na apektuhan na sila sa pag iyak mo. Tsaka baka ma pano pa ang baby natin," saad pa ni Tyler at hinaplos ang may umbok na niyang tiyan.

"Oo na tayo, okay? You need to rest. Baka mapano ka pa niyan eh." Tinanguan nalang niya si Tyler.

Isang taon na ang nakalipas mula nang dinala siya ni Tyler sa Isla nito. At kahit isang taon na ang nakalipas, hindi parin mawawala sa isip niya ang panaginip na akala niyay totoo. Iyak pa siya ng iyak noon sa kwarto niya. Na ikinagulat naman ni Tyler. Sa tingin niya rin ay isa iyon sa mga sign na palagi niyang pinagdasal sa panginoon. Na sana bigyan siya ng sign nito. Iyak siya ng iyak noon. Namumutla naman si Tyler noon nang makita siyang umiiyak at sumisigaw sa kwarto niya. At pagkatapos ng araw na yon, ay sinubukan niyang buksan ang sarili kay Tyler. Pinatawad na niya ito at hindi na siya nag inarte pa. Ayaw niyang baka umabot pa sa  panahon na mawawala si Tyler bago niya maamin rito ang naramdaman niya.

Marami ring nangyari sa nakalipas na taon, sa muling pagharap niya sa kinikilala niyang mga magulang at ang pagsisimula nila muli ni Tyler.

After 8 months ay nagpropose si Tyler sa kanya. Hindi na rin siya nagpapakipot pa at sinagot kaagad ito ng matamis niyang Oo. At ngayon heto't buntis siya sa ikatlong anak nila ni Tyler. Hindi naman niya mapigilang mapaluha nang maalala ang pagong na alaga niya. Ang pagong na niregalo ni Tyler sa kanya noong nag sisimula pa sila muli sa Isla. Kahit naman pigilan niya ang luha niyang mapaiyak ay hindi niya mapigilan. Siguro hormones din ito lalo na't buntis siya.

Forbidden Love With My Cousin ✓ (COMPLETED) Where stories live. Discover now