Chapter : 49

1.8K 57 11
                                    

Marahang tapik ang nagpapagising sa diwa ni Jazzy. Kaagad niyang minulat ang mga mata niya at doon niya namataan na nakatulog pala siya sa sofa.

"Princessa?"

"Nay"

Kaagad siyang napaangat ng tingin sa Ginang na nasa harap niya. Napakunot ang noo niya nang mapansin na sumisikat na pala si Haring Araw.

"Nay, anong oras na ho?"

"Princessa, 5:30 pa naman, bakit ka pala dito natulog? Natatakot ka bang matulog mag isa sa kwarto mo-"Mabilis na pinutol ni Jazzy ang nais na sabihin ng Ginang.

"Hindi naman po Nanay,"

"Oh talaga? Then ba't dito ka natulog, baka sumasakit na ang likod mo niyan, di ka pa naman sanay matulog sa mga matitigas na higaan." Nababahid sa mukha ng Ginang ang pag alala sa dalaga.

Mabilis na namutawi ang mga ngite ni Jazzy sa Ginang.

"Okay nga lang ho ako Nanay, nagmovie mara po kasi ako kagabi, tas inaantok na po kasi talaga ako kaya napagdesisyonan kong dito nalang ho matulog." Puno ng kasinungalingang saad ni Jazzy.

Lihim pang nagdasal si Jazzy na sana bebenta lang sa Ginang ang palusot niya. Kasi alam niya sa sarili niya na hindi naman kasi talaga ang pagmomovie mara ang dahilan kung bakit siya dito sa sofa natulog, kundi dahil sa isang tao na halos 2 linggo na niyang di nakikita, na parang iniiwasan ata siya nito, kasi kahit dito sa bahay walang Tyler na nagpakita sa kanya, mas lalo na sa School. Nahihiya naman siyang magpahalata sa mga babes niya na hinahanap niya si Tyler kasi alam niyang mga utak bagoong ang mga kaibigan niya. Simula kasi nang matapos mag confess si Tyler sa kanya which is noong nakaraang 2 dalawang linggo na ay di na ito nagpapakita pa sa kanya.

"Ah. Kaya pala, ikaw talaga Princessa, wag kasi puro puyat, kaya ayan tignan mo mukha mo halatang wala kang tulog, puro movie mara ka na kasi tigilan mo na yan okay. Baka mapano kang bata ka, malalagot ako ng mga magulang mo." usal ng Ginang na titig na titig sa mga mata niya.

Mabilis na nag iwas tingin naman si Jazzy sa nang uusig na tingin ng Ginang. Para kasing alam na nito na nagsisinungaling siya.

"Nanay? Si Tyler po? Umuwi na po ba siya?" Di na napigilan ni Jazzy ang sarili at natanong na niya sa Ginang ang dahilan kung bakit siya dito sa sofa natulog.

"Princessa? Di mo ba alam na di na umuuwi si Sir Tyler dito, magdadalawang linggo na nga siya sa condo niya, na nabili niya noong nakaraan, Princessa."

"Ano po Nanay? CONDO UNIT? Bumili po siya ng CONDO UNIT? Bakit daw ho? Ano daw ho paliwanag niya? Alam po ba nila Mommy at Daddy na bumakod siya?"sunod sunod na tanong ni Jazzy sa Ginang.

Napakunot naman ang noo ng Ginang sa mga tanong ng Dalaga. 

"Di mo alam Princessa? Hindi ba sinabi ni Sir Tyler sa'yo? Oo, alam na ng mga magulang mo Princessa, alam mo naman yung batang yun, bago mag desisyon ipaalam mo na sa Mommy at Daddy mo, pati nga sa amin ng Tatay mo ipinaalam niya, ba't sa'yo hindi. Ah baka nakalimutan." mahabang litanya ng Ginang.

Ganyan na ba siguro ako ka walang kwenta,  kasi alam na ng lahat, habang ako nganga.

"Nag aaway na naman ba kayo, Princessa?" Wala sa sariling napailing iling si Jazzy.

"Di po kasi ako importante kaya di niya pinaalam. Ano daw ho ang rason niya at ba't siya bumakod?"

"Mas malapit daw kasi yon sa School niyo Princessa,"

Sus! Baka naman mag nililive in na yon kaya yun bumakod na, dapat talaga malaman ko ang address ng condo ni Tyler para mapuntahan ko yon. At pag mahuli ko sa akto na may kinakasama nga siya dun eh susumbong ko kila Mommy at Daddy. Bwisit siya! Sa katagal tagal niyang nag stay dito ngayon pa ba siya babakod.

Forbidden Love With My Cousin ✓ (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon