Chapter : 62

1.6K 47 12
                                    

VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED

3 Chapters left...

--------------------------------

Pagkatapos ng meeting ni Tyler kaagad niyang pinaghanda ang private plane niya.

Siguro sapat na ang ilang linggo pananahimik ko.

Pagkatapos niya kasing inamin kay Jazzy ang lahat ay umalis na rin siya agad kasi kailangan siya ng kompanya nila. Siya na kasi ang kasalukuyang umaasikaso nito. Sa Espanya at sa Amerika. Kahit pagod pa ang katawan ay pinilit niyang mag empake ng mga damit na kailangan lang niya. Miss na miss na niya si Jazzy, sa ilang taon niyang paghahanap rito nasa Cebu lang pala ang babaeng mahal niya. Maya maya lang rin ay bumalik ang Assistant niya na si Jake na handa na raw private plane niya. Napangite nalang siyang naglalakad palabas ng opisina habang inaalala ang napaka among mukha ni Jazzy na nagpa ibig sa puso niya. Sino nga ba ang mag aakalang hindi niya pala totoong pinsan si Jazzy. Well, kahit naman pinsan niya pa ito gagawin niya ang lahat mapasakanya lang si Jazzy kahit pa buong mundo ang makakalaban niya.

Nahanap na kita. Don't expect me to stay here Lady. Hindi na ako papayag na aabot na naman ng taon na mawala ka na nama  sa piling ko. Gagamitan kita ng dahas kung di ka makukuha sa simpleng salita.

Habang sa kabilang banda nanginginig ang mga kamay ni Jazzy na nakahawak sa manibela.

"Shit!"

Pinahinto muna ni Jazzy ang kotse niya sa isang tabi bago napag isipan na lumabas muna. Sumalubong naman sa kanya ang matatayog na kahoy. Bumuntonghininga muna siya at madiing pinikit ang mga mata.

"Jazzy, keep calm. You can do this. Si Tyler lang yun. Don't be scared." Pampalubag loob ni Jazzy sa sarili. Hindi naman niya mapigilan ang matakot na baka tuluyan ng kunin ni Tyler ang mga anak niya. Mababaliw siya pag gagawin ni Tyler ang iniisip niya. Pinapakalma niya pa ang sarili nang marinig na naman niyang tumunog ang phone niya. Mabilis na binuksan niya ang kotse at kinuha ang phone niya na nasa dashboard. Nanlamig naman siya ng makitang si Tyler ang tumatawag. Nagdadalawang isip pa si Jazzy kung sasagutin ba niya ang tawag o ano. Parang huminto na sa pag gana ang utak niya na nakatitig lang sa phone hangang sa huminto ito sa pagtutunog. Dumating naman ang isang mensahe na mas nagpakaba sa kanya.

Go home. Or else I will take the twins with me.

Nanlamig si Jazzy ng wala sa oras sa nabasa. Wala sa sariling sumakay siya sa kotse at sinimulan ng patakbuhin ito. Sa buong biyahe blangkong blanko lang si Jazzy na naka kapit sa manebela. Malaking pasalamat nalang niyang nakarating siya sa harap ng bahay ni Cycle na buhay at di nahuli ng pulis. Sa sobrang bilis ba naman niyang magpatakbo, marami na ngang nag bubusina sa kanya kanena kaso wala talaga siya sa tamang pag iisip ngayon. Ang sa kanya nalang ay sana makarating na siya sa bahay at baka ilalayo pa ni Tyler ang mga anak niya.

Namumutla si Jazzy habang naglalakad papasok sa bahay. Lalo na nang makita si Tyler na perteng nakasandal sa may pinto na matiim na nakatitig sa kanya.

"T-Tyler,"

"We need to talk." Seryoso ang mukha na saad nito at tinalikuran na siya. Pumasok naman siya sa bahay at ang una niyang napansin ang nag aalalang mukha ni Cycle na katabi ang mga anak niya.

"Jazzy-" Akmang lalapit pa ang bakla sa kanya kaso naunahan lang ito ng kambal.

"Mommy!" Mabilis na yumakap ang dalawa sa kanya na nagpaluha sa kanya. Napaangat naman siya nang tingin kay Tyler na naluluha ring nakatingin sa kanila kaagad naman itong umiwas ng tingin nang makita siyang nakatingin dito.

Forbidden Love With My Cousin ✓ (COMPLETED) Where stories live. Discover now