Chapter : 53

1.7K 40 3
                                    

"SURPRISE!"

Sumalubong kay Jazzy ang  nakangiteng mukha ng Mommy at Daddy niya kasama ang mga kasambahay nilang may mga dalang balloons at may iba pang may hawak na party poppers.

Anong meron?

"Hi Princess!" Kaagad na yumakap kay Jazzy ang nakangiteng mommy niya. Tumugon naman siya nag yakap rito. Sumunod naman sa kanya ang Daddy niya na nakangite rin sa kanya.

"Mom? Dad? Ano po to? May birthday po ba? Ano pong meron?" Naguguluhang tanong niya sa dalawa.

Natawa naman ang Mommy niya sa narinig sa kanya.

"Princess, pag ganito ba dapat talaga may celebration? Diba pwedeng gusto ka lang namin eh surprise, wait di ka ba masaya sa ginawa namin?"sabi ng mommy niya.

"Masaya naman po my,"

"Eh ba't di halata baby? Ba't di namin makita." saad naman ng Daddy niya.

Pilit na ngumite naman si Jazzy sa dalawa para naman makumbinse niya ang mga ito na masaya siya sa pakulo ng dalawa.

"See po nakasmile na ako."

Parang yun lang ata ang hinintay ng mommy at daddy niya kasi after nun ngumite naulit ang dalawa at kiniss pa siya sa forehead at nag aya na itong kumain. Walang imik naman si Jazzy na umupo sa pwesto niya na kaharap ni Tyler.

Nandito pala ang lalaking to, bakit di ko siya napansin kanena.

Masasabi niyang espesyal ang dinner na iyon kasi kumpleto silang pamilya sinama pa ng mommy at daddy niya ang mga kasambahay nila at ang Nanay Linda at Tatay Cardo niya.

Naisip ni Jazzy na baka kaya nagpakulo ng ganun ang mommy at daddy niya ay kasi bumabawi ang mga to sa ilang buwan nitong wala sa bahay nila. Masaya ang lahat sa hapunang iyon yun ang napapansin niya,  bwela nalang kay Tyler na parang may malalim na iniisip. Nagsasalita lang kasi ito pag may tinatanong ang mommy at daddy niya habang siya naman ay pilit na ngumingite sa parents niya at pilit hinuhuli ang mga tingin ni Tyler. Ayaw naman niyang pangunahan ito, kasi naisip niya na baka umiiwas lang si Tyler na malaman ng lahat ang relasyon nila. Pagkatapos ng hapunan ay umakyat na kaagad siya sa kwarto niya. At dahil sa malapit lang ang kwarto nila ni Tyler hindi niya mapigilan ang sariling mapalingon sa kwarto nito. Nagdadalawang isip pa siya kung pupuntahan niya ito.

Ako dapat ang magtatampo, ako dapat ang manglalamig, ako dapat ang hindi mamansin, bakit ata bumaliktad ang lahat?

Akmang bubuksan na ni Jazzy ang pinto ng kwarto niya ng marinig naman niyang bumukas ang pinto ng kwarto ni Tyler. Kaya  wala sa sariling lumingon siya sa pintuan nito. At doon nga sumalubong sa kanya ang malamig na tingin ni Tyler.

"L-Love.." tawag niya rito. Ang akala niyang tutugunan siya nito o di kaya ay ngingitian ay hindi nangyari, sapagkat ay kagaya kanena parang yelo parin itong tumingin sa kanya.

Napalingon pa si Jazzy sa likod kaliwa at sa kanan bago nilapitan si Tyler.

"L-Love, bakit ka ganyan? Diba dapat ako ang mag iinarte. Diba dapat ako ang maiinis! Diba dapat ako ang magagalit! Diba dapat ako ang manlalamig, simula pa kanenang hapon tinext kita hindi mo man lang ako nireply yan. Kanenang uwian naman akala ko hinihintay mo ako. Tas nagrereply ka nga super lamig naman. Ano bang nangyari sayo, ano bang kasalanan ko ba't ka nagkaganyan-"

"Tapusin na natin to."

"What?" Parang nabingi si Jazzy sa narinig niyang saad ni Tyler.

"L-Love, anong pinagsasabi mo. May problema ba tayo?" Nagsisimula nang namula ang mga mata ni Jazzy habang hinahawakan ang kamay ni Tyler.

Forbidden Love With My Cousin ✓ (COMPLETED) Where stories live. Discover now