Chapter : 60

1.6K 39 11
                                    

VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.

Enjoy Reading!

-

------------------------------

"Kung hindi sila Mommy at Daddy ang tunay kong mga magulang kung ganun sino?" Agad na tanong niya rito. Puno parin ng luha ang mukha niya habang inaantay ang sagot ni Tyler. Malalim pa itong nagbuntong hininga na parang nahihirapan din ito sa nais sabihin nito.

God, help me. Napaka dami ko ng problema di ko pa nga po na solve yung isa may dumating na naman. Ang hirap naman po nito. Baka diko po ito kakayanin.

"Ayoko sa mang sabihin pa ito. Pero kung ito lang ang rason para sumama ka ulit sa akin, sasabihin ko." Huminto pa ito at hinawakan siya sa kamay sabay punas ng mga luha niya.

"Lady, si Nanay Linda at ang asawa niya ang tunay mong mga magulang."

"What?!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Jazzy. Hindi siya makapaniwala sa mga pinagsasabi ni Tyler.

"Nagpapatawa ka ba Ty-"

"No. I'm dead serious here. Actually napa imbestigahan ko na rin yan. Di kasi kaya nila Nanay Linda na buhayin ka kaya naman sa tulong ng mommy at daddy mo kaya sila ang nag aalaga sa'yo. Di ka kasi nila mapaaral. Natatakot kasi silang di ka nila mabuhay na hindi mo makukuha ang gusto mo. Tas may anak pa kasi silang may sakit sa puso na kailangan pang ipagamot. Di na alam ng mag asawa ang gagawin nila kaya naman nanghingi na sila ng tulong kila Tita at Tito. Matagal-"

Di na nakayanan ni Jazzy ang sakit na naririnig mula kay Tyler. Umakyat siya sa kama niya at agad na nagtalukbong. Napahinto naman ito sa pagsasalita.

"Love, I know ang hirap nitong tanggapin. Pero aalahanin mo love nandito lang ako. Ngayon na nakita na kita ulit at natagpuan na kita. Wala na akong balak pang umalis sa tabi mo. Sasamahan-"

"Umalis ka na Tyler!" Umiiyak na sigaw niya rito. Hindi naman umimik si Tyler. Naramdaman niya pa ang munting pag haplos nito sa paa niya.

"I love you." Narinig niyang saad ni Tyler bago niya narinig ang pag bukas ng pinto na ang ibig sabihin ay lumabas na ito.

Shit! All this time! Kasama ko lang pala ang totoo kong ina kaya pala ang gaan sa pakiramdam pag kasama ko siya. Kaya pala feeling ko napaka dali lang ng lahat pag nandyan siya. Biglang sumulpot sa isipan niya ang mga alala noon kung saan maliit pa siya at noon paman hindi na siya nilulubayan ng tunay na ina. Na kahit pa noon sanggol pa siya kasama na niya ito kaso hindi ito nagpakilala na siya ang tunay niyang ina. May mga gabi pa siyang magising na umiiyak ang Ginang habang hinahaplos siya at hinahalikan sa noo. Akala niya noon ganun lang talaga ang Ginang dahil itinuring na siyang anak nito pero yun pala ina niya pala talaga ito.

Sa kakaiyak ni Jazzy hindi niya napansin na nakatulugan na niya ito. Nagising lang siya nang mapansin ang mga munting halik sa mukha niya.

"Mommy?"

"Mommy?"

Kaagad niyang minulat ang mga mata at nakangiteng niyakap ang mga anak.

"Babies, kanena pa ba kayo?" Nacoconcious na siya sa mukha niya baka mahahalata ng mga to na umiiyak siya. Baka napapansin ng mga to na namamaga ang mga mata niya.

"Yes po Mommy! Enjoy na enjoy po kami kanena."

"Mommy, yung friend po namin ang bait niya po mommy. Sabi niya pa po pakisabi daw sa inyo na daghang salamat kay ge sugtan mi nimo." Natawa naman si Jazzy sa narinig sa panganay niya.

"Talaga? Sinabi niya yan?" Tumango naman ang dalawa sa kanya.

"Sabi niya po duwa daw po kami bukas." Hirit naman ng bunso niya.

Natatawang hinalikan naman niya ang dalawa sa ulo bago ito hinarap.

"Kumain na ba kayo? Mag 7pm na pala." Tumango naman ang dalawa sa kanya.

"Done na po Mommy."

"Ikaw nalang po ang di pa kumain. Eat ka na po mommy,"

"Oo. Baba na ako, kayo? Di na kayo kakain ulit?"

Umiiling naman ang dalawa at tumabi na sa kama niya. Kinuha pa ng mga to ang tablet na nasa bedsite table lang at doon nag simula na ang dalawa sa pag lalaro. Nangngite naman siyang nag paalam sa kambal na baba na siya.

Sa ilang taon niyang nanatili sa Cebu, hindi niya parin kabisado ang mga bisaya words pero nakakaintindi naman siya. Sa kambal naman ginagamit niya ang wikang Filipino sa bahay pero sa tingin niya sooner makakapag salita na din ng bisaya ang mga to. Sapagkat sa mga naging kaibigan nito na bisaya rin naman.

Bumaba siya at doon na ulit bumalik ang sakit sa mga nalaman niya ngayong araw. Bakit kaya ganun? Pag kaharap ko ang kambal parang nakakalimutan ko na ang sakit at problema ko? Ganyan siguro pag ang mga anghel mo ang kaharap mo.

Pagdating niya sa kusina sinalubong siya ni Cycle na umiinom ng tubig kaagad itong yumakap sa kanya at nag sorry.

"Jazzy, sorry talaga huhuhu. Diko talaga alam na si Tyler pala yung ipakilala ni Drew. Kung alam-"

"Shh. Okay na." Napahinto naman ang kaibigan sa naging saad niya.

Napalingon lingon pa siya sa kusina at wala parin ang taong hinahanap niya.

"Si Tyler? Umalis na siya. Pero feeling ko babalik din yun. Lalo na at nalaman niya na nandito ka-"

"Alam na ba niya tungkol sa kambal?" Kinakabahan siya bigla sa naisip na baka alam na ni Tyler. Alam niyang mahihirapan na siyang itago ang kambal lalo na at alam na ni Tyler kung nasaan siya ngayon.

"Hindi. Umalis kasi si Tyler kanena pa. Tas yung kambal kararating pa lang." Kahit papaano ay natuwa naman siya sa narinig rito.

"Si N-Nanay Linda?" Nauutal niyang tanong dito. Pagkatapos ng nalaman niya ngayon parang di na niya alam pano harapin ang Ginang. Nasasaktan siya sa isipang pinamigay siya nito kasi di siya kayang buhayin. Pero naiisip niya rin na lahat ng nangyari may rason. At simula pa naman noon di naman siya pinabayaan ng Ginang. Di niya alam pano harapin ito.

"Umalis muna si Nanay Linda, may inaasikaso lang. May emergency ata sa mga anak niya eh." Sumikdo ang kaba sa dibdib niya sa sinabi ni Cycle.

"Ano-"

Akmang matatanong pa sana siya rito nang tumunog naman ang cellphone ni Cycle.
"Wait Jaz, sasagutin ko muna tong boyfriend ko tumawag kasi. Excuse me lang ha, anyways  kumain ka na. May foods na dyan." Anito at iniwan na siya.

Wala naman siyang nagawa kundi ang umupo na at simulan ng kumain. Habang kumakain hindi mawawala sa isip ni Jazzy ang dahilan kung bakit umalis ang Ginang. Ano naman kaya ang nangyari sa pamamahay nito?

Bakit emergency? Nagkita na kaya si Nanay at si Tyler? Alam na kaya ni Tyler na magkasama kami ni Nanay dito?

Marami pang tanong na tumatakbo sa isipan niya na tanging si Cycle lang ang makakasagot kaso busy pa ang bakla sa boyfriend nito. Kaya pinilit nalang niya ang sariling kumain kahit wala siyang ganang kumain.

Forbidden Love With My Cousin ✓ (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon