Chapter : 59

1.4K 35 7
                                    

A/N: Napaaga HAHAHA. ENJOY READING!

VOTE AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.

-

------------------------------

Hindi alam ni Jazzy ang dapat na maramdaman kung matutuwa ba siya sa taong nakatayo ngayon sa harap niya. Wala sa sariling napalingon naman siya sa kaibigan na bumulong ng "sorry" alam niyang wala ring kaalam alam si Cycle sa nangyari ngayon kasi kung alam nito hindi na sigudo nito hinayaan pa na pumunta pa dito.

Maraming senaryo ang pumapasok sa isip ni Jazzy habang tinitigan si Tyler. What if kukunin nito ang kambal? Hindi dapat malaman ni Tyler ang tungkol sa kambal lalo na sa sitwasyon nila na mag pinsan lang sila.

"Oh! Magkakilala na pala kayo?" Gulat na gulat pa ang boyfriend ni Cycle sa nakita sa kanila.

Ngumite nalang siya sa mga to at ini excuse muna ang sarili. Naguguluhan naman ang boyfriend ni Cycle sa ginawa niya habang si Tyler naman ay ramdam niya ang nakakatunaw na tingin nito. Tinakbo niya ang kwarto niya at akmang ilalock na sana ito kaso may katawan na humarang.

"Tyler anong ginawa mo," saad niya at akmang isasara pa ang pinto kaso mas malakas si Tyler sa kanya kaya nakapasok ito at nilock pa. Malakas na kumabog ang puso niya na sa tingin niya pa ay naririnig na nito ang pag tambol nito.

"Kay tagal kitang hinanap dito ka lang pala nagtago. Umabot pa ako ng iba't ibang basta para lang hanapin ka nandito ka lang pala sa Cebu." May hinakit na saad ni Tyler.

Napayuko naman siya sinabi nito. Kinalma niya muna ang sarili bago ito tinignan sa mata.

"Bakit mo naman ako hinahanap? Inuutusan ba kitang hanapin ako?" Matapang na saad niya kahit na alam niya sa loob loob niya hinang hina na siya. Gusto niyang maging malakas sa paningin nito na hindi nito mapapansin ang panginginig niya sa kaba.

Bigla naman dumilim ang mukha ni Tyler at umiigting pa ang panga nito sa galit sa narinig sa kanya.

"Bullshit!"

"Wag mo akong mamura mura!"

"Ba't ka lumayo? Ba't ka nagtago? Ba't ka umalis? Hindi mo ba alam na alalang alala sila Tita at Tito sa'yo? Jazzy bat ba ang selfish-"

"Putangina! Wag mo kong tawaging selfish! Dahil wala kang alam! Ikaw?! Diba dapat ikaw ang dapat kong tanungin kung bakit ka umalis! Kung bakit di ka nagcontact?! Diba ako dapat ang magtatanong niyan?! Diba?!" Wala ng pakialam si Jazzy kung may makarinig man sa kanila. Ang sa kanya lang naman ay mailabas niya ang inis niya rito ang lahat ng hinakit niya rito.

"May inaasikaso lang ako nun. Kaya ako umalis. " Biglang humihinanon ang boses ni Tyler na parang nanghihina ito.

"Jazzy, miss na miss na kita," garalgal na ang boses ni Tyler.

Parang nanigas ang katawan ni Jazzy sa narinig. Akmang aatras pa sana siya mula rito nang bigla nalang siyang niyakap ni Tyler. Yakap na mahigpit na mahigpit. Yakap na parang wala na itong balak na bitiwan pa siya.

"I miss you," Parang nabingi si Jazzy sa narinig kay Tyler lalo na nang maramdaman niya ang basa sa likod niya.

"Umalis ako nun kasi nay inaasikaso ako. At kailangan kung gawin yung hindi pa kumontak sayo para sa pagbalik ko okay na tayo. Kaso pagbalik ko wala ka na. Kahit sila Tita at Tito di na alam saan ka nag punta. Kahit saan ka nalang namin pinahanap. Nalibot ko na ang buong mundo sa kakahanap sa'yo. Tas nandito ka lang pala sa Cebu. Kung hindi pa ako dinala dito ni Drey di ko pa malaman na nandito lang pala ang babaeng matagal ko ng hinanap. Jazzy please come back to us. Come with me. Uuwi na tayo. Please." Ibang iba na si Tyler ngayon sa Tyler na kilala niya noon. Mas naging matikas at naging gwapo ito ngayon keysa noon. Hindi ito ang Tyler na kilala miya na mag beg sa isang tao. Ngayon niya lang nakita si Tyler na ganito mag beg at sakanya pa ito nag beg.

"Okay na ako dito. Di pa ako handang umuwi sa bahay. Masaya na-"

"May boyfriend ka na ba?" Nanayo ang balahibo niya sa narinig kay Tyler na parang papatay ito ng tao sa klasi ng boses nito at sa mukha din nito.

"W-wala," nauutal na saad niya na nagpakalma nito.

"Then who stops you? Kung wala ka naman palang boyfriend dito? Ano pa ang dahilan bat dito ka mag stastay? May mga magulang ka pang iniwan sa bahay, di mo ba sila namimiss?"

Bat ba nararamdaman ko ginagamit niya sila Mommy at Daddy para bumalik na ako sa bahay.

"Namimiss ko sila. Uuwi rin naman ako, sa tamang panahon-"

"Fvck! Walang tamang panahon! Ngayon ang tamang panahon Jazzy! Bumalik ka na sa bahay, maawa ka kila Tita, kahit wag na sa akin."

"Umalis ka na Tyler, uuwi rin naman ako-"

"HINDI TAYO MAG PINSAN."

Parang huminto ang pag ikot ng mundo ni Jazzy sa sinabi ni Tyler.

"Tyler uuwi naman ako ba't ka pa gumagawa-"

"Yan ang inaasikaso ko sa States kaya ako umalis. Kaya ako nagpunta sa Spain. Kaya ako umalis noon. Kaya ako di mo makontak noon. Kasi hindi ako tumigil hangat hindi ko malalaman ang totoo." Seryosong seryoso ang mukha ni Tyler. Pero imposible naman ata kung mangyari pa yon. Wala naman kami sa isang Romance serye na kung saan sa huli malalaman na di pala incest ang pagmamahalan namin. Nah! Gumagawa lang siya ng storya para mapauwi niya ako.

"Alam nila Nanay Linda at ng asawa niya ang lahat ng ito."

"At bakit naman nasali si Nanay Linda dito? Ano ba Tyler! Tumigil ka! Uuwi ako! Di mo na kailangan pang gumagawa pa ng kwento!"

"Alam ng dalawang yun na di sila Tita at Tito ang tunay mong mga magulang." Diretsong saad ni Tyler na nagpaawang ng mga labi niya.

"Seriously Tyler?! Ako pa talaga ang di tunay na anak nila Mommy!  Ano ba ang ginagawa mo! Tumigil ka!" Bigla nalang umagos ang luhang kanena pa pinigilan ni Jazzy. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya kasi di pala sila mag pinsan ni Tyler o maiiyak kasi ang mga magulang niya mismo at ang Nanay Linda niya alam pala ang lahat ng to pero tinago sa kanya.

Pero hindi pa naman kinukumpirma diba? Baka ginagawa lang to ni Tyler-

"Alam ko ang iniisip mo pero nag sasabi ako ng totoo. Jazzy mahal na mahal  parin kita, ayokong masaktan ka, kaso sa ilang taon kung nawala yun ang nalaman ko. At inamin na din nila Tita at Tito sa akin. May mga evidences din ako na nagpapatunay-"

"Shut up!" Wala na ang tapang tapangan ni Jazzy kanena ay biglang nawala. Puno na ng luha ang mukha niya habang pilit na niyayakap naman siya ni Tyler. Hinahampas niya pa ito sa dibdib kasi nasasaktan siya sa mga pinagsasabi nito.

"Sinasabi mo lang yan kasi gusto mo akong umuwi! Tyler! Bawiin mo yun. Bawiin mo yun!"

"I'm telling the truth,Lady.."

Forbidden Love With My Cousin ✓ (COMPLETED) Where stories live. Discover now