Kabanata 50: Ang pag gising ng Halimaw

644 33 3
                                    

Patuloy ang pag hakbang palapit ni Hiisi sa ilan pang natitirang mga itim na pigura.. habang parami ng parami ang kanyang napapatay ay tila ba lalo siyang lumalakas ng lumalakas.. Ramdam niya sa kanyang katawan ang kapangyarihang nananalaytay sa kanyang ugat..

Para siyang isinilang muli.. tila gumising ang natutulog nyang kapangyarihan.. ang tunay na kapangyarihan ng halimaw ng kagubatan..  Mabangis at malakas.. walang takot at walang konsensya..  punong puno na nang dugo ang kanyang buong katawan.. ngunit tila ba nasisiyahan pang lalo si Hiisi.. 

Sa muli niyang paggising ay tuluyan nang nawala ang emosyong meron si Rogelio at ang tanging natira ay ang mabangis na halimaw na dapat katakutan.. mabilis na nagsitakbuhan ang mga takot na takot na kampon ng dilim.. di nila akalaing nakayanan silang lipulin ng iisa lamang gayong daan ang kanilang bilang .

Malakas ang na pag tawa ang ginawa ni Hiisi.. Muli niyang itinaas ang kanyang kamay at muling nayanig ang lupa at tila kidlat na muling nagsilabasan ang mga ugat na matutulis at sing tigas ng bakal.. napatingala na lamang ang mga itim na pugura habang mabilis na bumaon sa kanilang katawan ang mga ugat.. tila ba nagbalik silang muli sa impyerno dahil minsan nilang naramdaman ang ganitong kaparusahan noong sila ay simpleng kaluluwa pa lamang..

Napakalupit ni Hiisi.. masaya niyang tinignan ang mga itim na pigurang unti unti nang nalalagutan ng hininga.. at ang ilang di kritikal ang tama ay agad niyang pinupugutan ng ulo habang hinahayaang unti unting malagutan ng hininga ang ilan..

Daan ang lumusob ngunit walang nagtagumpay sa pagkolekta sa kaluluwa ng dalaga.. bagkus ay ginising lamang nila ang tunay na halimaw sa loob ni Hiisi.. ang halimaw na ni katiting ay walang pagtatangi sa kahit na sino.. wala kahit kay Divina.. 

marahan niyang inihakbang ang mga paa papanik sa kubo.. umungol sa kanya ang mga lobo na tila ba galit na galit sa kanyang presensya.. tama .. inutusan nya ang mga ito na protektahan si Divina.. naramdaman marahil ng mga ito ang kanyang binabalak.. 

Unti unting napangiti ang halimaw.. kung ang daan daang kampon ng dilim nga ay nagawa niyang paslangin.. ano ba namang laban ng dalawang lobo sa kanyang kapangyarihan..

Lumusob ang dalawa..tinupad ang pangakong poprotektahan si Divina laban sa mga magtatangka sa buhay nito at sa bata tulad ng inutos ni Hiisi... ngunit tila isang kahibangan.. kailangan na nilang protektahan si Divina mula mismo kay Hiisi..

Tumalon ang isa habang patakbong lumapit ang isa.. puno ng determinasyon ang mga mata ng lobo na tinupad ang utos ng bago nilang master.. itinaya ang buhay upang protekhan ay kanina lamang ay pinagbalakang kitlin ang buhay.. habang ang kaninang pumoprotekta naman ay sya na ngayong nagtatangka sa buhay ng mag ina..

Tuluyan nang nilamon ng kapangyarihan si Hiisi.. malakas na isinalya ang tumalon na lobo habang sinipa naman ang isa.. parang mga papel na tumalsik sa kung saan ang mga ito.. tinangkang bumangon ngunit di magawa.. 

muling humakbang palapit sa kubo si Hiisi.. ang halimuyak ni Divina ay tila tuksong nakapananabik sa halimaw.... nais niyang tikman ang puso nito maging ang sa sanggol sa kanyang sinapupunan..

bahagyang natigilan si Hiisi mula sa pagpanik.. puno ng liwanag ang kubo habang patuloy sa ginagawa ang mga ginang na tila ba hindi sila nakikita o naririnig..   muli niyang tinangkang pumasok ngunit bigla na lamang siyang tumilapon palabas.. 

Umungol sa galit si Hiisi.. sabik na sabik na siya sa puso ng mag - ina.. nais nyang sa kamay nya mismo malagutan ng hininga ang mga ito.. tiyak na masisiyahan siya sa bawat panaghoy na mag mumula sa bibig ng mga ito.. ngunit bakit di niya magawang pumasok bakit..?!!!!

" Hiisi... ipinangako kong poprotektahan ko ang iyong anak.. naririto ako upang tuparin ang pangakong iyon.. ililigtas ko ang iyong mag ina mula sa kalupitang binabalak mo.."  Malamig na sabi ni Castiel na unti unting lumabas mula sa kubo..

Umungol ng malakas si Hiisi.. Nanlilisik ang pulang pulang mga mata.. mabangis at maliksi ang bawat pagkilos.. di niya maintindihan ang sinasabi ng lalaki.. ang totoo ay wala siyang pakielam sa sinasabi nito.. ang tanging mahalaga ay ang mag ina na kipinapanabikan niyang paslangin sa kanyang mga kamay..  

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon