Kabanata 22: Halimuyak (2)

953 46 3
                                    

Nang pagbuksan ni Divina si Aling Milagros ng pintuan ay bahagya pang nagulat ang matanda.. palihim niyang tinignan si Hiisi na puno ng kapilyuhan ang ngiti.. 

Dali dali naman siyang hinila ng matanda at inayang magtungo sa bahay nito.. di naman nakatangi ang dalaga.. habang hila hila ng matanda ay muli nyang nilingon ang binata.. tumango naman ito na tila ba binibigyan siya ng permiso na umalis muna.. napangiti ang dalaga ng makitang nagpatuloy sa  pagsisibak ng kahoy binata..  

Kung titignan ang itsura ng binata ngayon ay walang ni isang dalaga ang di hahanga sa angkin niyang kakisigan.. hubad baro pa ito habang dahan dahang naglalandas ang pawis sa kanyang malapad na balikat ..

Muling nakaramdam ng init ang dalaga ng maalala ang mainit na eksena nilang dalawa ng binata sa kubo.. Ang dapat ay magpasalamat siya kay Aling Milagros dahil napigilan nito ang napipintong kaganapan sa kanilang dalawa ni Hiisi ,.. ngunit kalokohan na kung sasabihing di siya nakaramdam ng kahit kaunting panghihinayang..

Panay ang pagkwento ng matanda kay Divina habang naglalakad kaya naman kahit papaano ay nalibang ang dalaga... lumipas ang oras ng di niya namamalayan..

" Magandang umaga Ginoo.. "  Nakangiting bati ng isang magandang dalaga kay Hiisi na abalang nagsasalansan ng mga sinibak ng kahoy..  napahinto ang binata at tinignan ang dalaga ngunit agad ding napaiwas ng tingin ng maaninag ang namumulang korona ng magkabila nitong malulusog na dibdib.. bagaman nakasuot ng bestida.. manipis na manipis ito at kulay puti kaya naman halos hubot hubad din itong maituturing...

Bahagyang lumapit ang dalaga at mapang akit na hinaplos ang hubad na dibdib ng binata.. agad namang napaatras si Hiisi habang kunot ang noo.. nagtataka ang binata dahil may kakaiba sa mga mata ng dalaga.. di niya mapagtanto ngunit tiyak niyang may kakaiba..

Di na nagulat ang binata ng bigla siya niyong yakapin at halikan.. ramdam na ramdam niya sa kanyang katawan ang malusog nitong bundok na pilit na ipinagkakadiinan sa kanya.. dali dali niyang binaklas ang pagkayayakap sa kanya ng dilag..

" Beatriz  ang aking pangalan ginoo..  "    mapang-akit na  tinig ng  dalaga habang muling lumapit sa binata .. marahan pa nitong ibinababa ang tirante ng kanyang bestida habang Kagat kagat ang ibabang labi.. nagtatakang napatingin ang binata sa bestidang unti unting nahuhulog mula sa katawan ng dalaga..

Lalo naman napakunot ng noo si Hiisi nang tuluyang mahulog sa lupa ang manipis at puti nitong bestida.  muli itong humakbang palapit sa kanya ..

Malakas na pagtama ng palakol sa puno katabi ng dalaga ang nagpahinto dito mula sa paglalakad..  napanganga ito habang hawak ang dibdib dahil sa pagkabigla..

" sa susunod na makikita kong muli ang iyong mukha sa akin harapan ay sa katawan mo na tatama ang palakol na iyan..!"   madiing sabi ng binata habang nakikipagtagisan ng titig sa dalaga..

" Hiisi..!!!"  agad na napalingon ang binata sa kanyang likuran ng marinig ang tinig ni Divina na papalapit.. Nangamba ang binata na baka magkaroon ng di pagkakaunawaan sa pagitan nila kung makikita nito ang dalagang kaharap niya..

Ngunit ng muli nyang tignan ang nakahubad na dalaga ay para itong bulang biglang naglaho.. nagtataka man ay nakahinga na rin ng maluwag ang binata.. 

Nakangiti niyang sinalubong ang dalaga na maraming bitbit na bayong.. malawak ang pagkakangiti nito habang bahagya pang kumaway.. dali dali niyang nilapitan ang dalaga at tinulungan itong ipanik ang bayong sa loob ng bahay..

Tuwang tuwa ang dalaga ng ipakita sa kanya ang mga bestida.. bago pa ang karamihan sa mga ito..  " sandali lamang at isusukat ko.. "  sinundan na lamang niya ng tingin ang dalagang sabik na isinusukat ang bestida.. 

Pinulot ni Hiisi  ang ilang pirasong damit mula sa bayong .. agad na napakunot ang kanyang noo ng mapansin ang burdang letra malapit sa tirante ng bestida..  B.A    " Hiisi tignan mo..!"  masiglang pukaw sa kanya ng dalaga..

Napatulala na lamang si Hiisi sa angking kagandahan ng dalaga.. naguumapaw ang alindog nito sa simpleng bestida..   agad niyang hinila ang kamay ng dalaga kaya naman bumagsak ito sa kanyang kandungan..

Wala ng inaksayang sandali, buong alab niya itong hinalikan..   mula sa siwang sa dingding ay lihim na nagngingitngit si Beatriz dahil sa pagkapurnada ng kanyang mga plano..

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon