Kabanata 10: Hubad

1.1K 59 0
                                    

Panay ang pagtili ni Divina habang nakalambitin sa matarik at mataas na bangin.. tanging ang bestida niya ang hawak hawak ng halimaw..

Lalo pa siyang nangilabot ng marinig ang unti unting pagkapunit ng kanyang bestida na di na nakayang suportahan ang kanyang bigat..

Magkasabay pa silang nagulat ng halimaw ng tuluyang napunit ang bestida at dumausdos pababa ang dalaga..

Agad namang tumalon ang halimaw at yumakap sa dalaga.. magkasabay silang bumagsak sa di kalalimang tubig ng talon..

Dahil sa tindi ng impact nawalan ng malay si Divina.. nagkabali bali ang buto nito habang napuno ng pasa ang katawan...mabini lamang ang ragasa ng tubig kaya di nahirapan ang halimaw na iahon ang dalaga..

Marahang inilapag nito si Divina walang kagalaw galaw ang dalaga habang bahagyang lumabas ang dugo sa bibig..

Pinagmasdan ng halimaw ang alindog ng dalaga. Hubad ang dibdib nito at malaya niyang nakita ang magkabilang bundok na may mamula mulang tuktok.. maging ang kapirasong puting tela na halos wala na ring natakpan sapagkat bakat ang laman dahil sa pagkabasa ng tubig..

Napalunok ang halimaw.. " tiyak na magpapatayan ang mga binata matikman lang ang alindog mo Divina… "

bulong ng halimaw bago umiling iling… " aNo ba ang pumasok sa iyong isipan at nagawa mong ipagkasundo ng ganito ang iyong sarili…" 

Dahan dahang inilabas ng halimaw ang kanyang porselas na may 4 na butil ng puting puting perlas..  pinitas niya ang isa at bigla itong nagliwanag.. kinalong niya ang hubad na dalaga at inilagay sa bibig ng dalaga ang perlas.

Agad na dumilat ang mga mata ng dalaga ng tuluyan malunok ang perlas.. nawala ang mga pasa at baling buto ng dalaga.. muling bumalik ang magandang kalusugan maging ang lakas at resistensya..

Malakas na sampal ang iginawad ng dalaga sa pangahas na halimaw. Namula ang kanyang pisngi ng mapansin ang hubad niyang dibdib. Agad niyang tinakpan ang sarili at nagmamadaling lumayo sa halimaw.

Nainis naman ang halimaw.. gigil na hinubad ang kanyang damit at inihagis ito sa dalaga.. "suotin mo ang damit ko… di ako interesado sa manipis mong katawan… bubot ka pa sa aking mga mata…! "

Inis na tumayo ang halimaw ngunit agad ding bumagsak sa lupa at walang malay..!!

Nagtaka naman ang dalaga ng makitang nakadapa sa batuhan ang halimaw.. agad niyang sinuot ang damit nito at saka nilapitan ang lalaki..

Napanganga ang dalaga ng unti unting mawala ang tenga at buntot ng lobo, maging ang mga matatalas na kuko ay unti unting nawala..  napalitan na din ng itim na buhok ang dating puti na may bahid ng pula..

Dahan dahang itinihaya ng dalaga ang halimaw.. agad siyang napanganga sa makisig na binatang nasa kanyang harapan.. di sinasadyan napahawak ang dalaga sa kanyang dibdib na para ng sasabog sa sobrang bilis ng pagtibok..

Bahagyang napakunot ng noo ang nakatihayang binata habang dahan dahang nagmulat ng mga mata..

Ang namumulang mukha ni Divina ang kanyang nakita.. takang bumangon ang binata at nakipagtitigan sa dalaga..

" anong tinitingin tingin mo…!!!  "   biglang sigaw ng binata ng di na makatiis sa paraan ng pagtitig ng dalaga sa kanya..

Tila nahimasmasan naman ang dalaga napahawak sa magkabilang pisngi na pulang pula. Agad siyang tumakbo palayo sa lalaki..

Kunot noo naman ang halimaw ng krus na daan na ngayon ay biglang naging tao..

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon