Kabanata 27: Nalilitong Damdamin (3)

878 38 2
                                    

Napahinto ang binata ng maramdaman ang kakaibang presensya sa gubat.. batid niyang di ito pangkaraniwan..   agad siyang tumalon mula sa bintana at agad na pinuntahan ang gubat.. 

" Lumabas ka..Alam kong nagtatago ka lamang sa dilim.. " mahinang sabi ng binata habang palinga linga at inaaninag ang nilalang na nagtatago sa dilim..

Agad na kumaripas ng takbo si Hiisi ng makarinig ng kaluskos mula sa matataas na talahib.. Daili dali niyang pinuntahan ang pinangalingan ng tunog .. agad namang tumakbo palayo ang nilalang at hinabol ito ng binata..

Samantala naiwang tulala si Divina.. pinakikiramamdaman ang kaniyang sarili.. " Bakit ..?  Bakit ba ganito ang aking nararamdaman...?"  tanong ng dalaga sa kanyang sarili..

Sa di maipaliwanag na pangyayari ay para siyang nagugutom.. gutom na di maaring ibsan ng pagkain...   Napabuntong hininga ang dalaga  .. Maalinsangan ang paligid gayong kay lakas ng ulan sa labas..  mainit ang kanyang balat ngunit di niya tiyak kung dahil ba ito sa lagnat..

" Ano ba talagang nangyayari sa akin..? " Nahihiyang tanong ng dalaga.. dahil sa likuran ng kanyang isip ay parang alam na niya kung ano ang kanyang nais..

" Kailangan na nating umalis dito..!!!"  Sigaw ni Hiisi.. Nagulat pa ang dalaga ng bigla nitong sipain ang bintuan ng barong barong.. marupok lamang iyon at madaling nasira.. matiim na tumingin lamang ito sa kanya  na para bang nagulat pa ng makita siyang tanging kumot lamang ang soot.. tumango lamang siya at mabilis na nagbihis..

Iba ang pakiramdam ni Divina..  oo nga at batid niya ang paghanga sa kanya ng binata. ngunit kakaiba ang pagtingin nito sa kanya ngayon.. tila ba minememorya ang bawat parte ng kanyang katawan habang mabilis siyang nagbibihis.. kitang kita niya ang paghanga sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya..

Magagawa pa ba nilang makatakas gayong simula ng iniapak nila ang kanilang mga paa sa baryong iyon.. ang kanilang katawan ay pagmamay ari  na ng isang malakas at mabangis na Halimaw...?

" Halika na Binibini.. " Mahinang sabi ni Lalaki sa Dalaga at agad na hinawakan ang kanyang kamay at hinila palabas ng bahay...Napakalakas ng ulan at maputik at madulas na ang lupa.. ipinasan ng binata sa kanyang likuran si Divina at marahang naglakad pababa ng burol..

Nanginginig na sa ginaw ang dalaga.. pareho na silang basang basa ang damit na dala ng tubig ulan at ng putik.. unti unti ng tumaas ang lagnat ng dalaga.. nahihilo na siya ay nang hihina ngunit kahit papaano ay nanatili parin ang kanyang diwa.. tulad ngayon..

Nagtataka ang dalaga.. Bakit dito papunta si Hiisi..?    " Hiisi..?  bakit tayo papunta dito..? "  tanong ng Dalaga sa binata na pasan siya sa likuran..

Di siya maaring magkamali..! ang lugar na ito ay ang kanina nilang pinuntahan.. ang baryo kung saan maraming payat na payat at nagsisilikasang mamamayan..!  ngunit bakit siya dadalhing muli ng binata sa lugar na ito gayong kanina ay pinigilan siya nito ng tangkain niyang lapitan ang isang lilikas..?

" Divina..!  Divina..!!!"  Malakas na sigaw ni Hiisi habang tumatakbo papalapit sa barong barong sa burol... 

Malakas ang kabog ng kanyang dibdib..  "  Divina..!!!!!!"  muling sigaw ni Hiisi sa pag asang dumungaw sa bintana ang dalaga. ngunit hanggang sa makalapit siya ay walang Divina na dumungaw..

Dali dali siyang pumasok sa loob ng Barong barong at hinanap ng kanyang mga mata ang dalaga..   "  tsk..!!!!  "  malakas na palatak ng binata..  agad siyang lumabas ng bahay upang hanapin ang dalaga..

Malakas ang ulan .. alam niyang di aalis ng mag-isa si Divina.. kung ganon..    "  Nagpanggap siyang bilang ako..!!!!"   sigaw ng binata na lalo pang binilisan ang takbo..  Nanganganib ang dalaga..! ang kasama niya ngayon ay ang Halimaw..!!!

Ngunit nakaiilang hakbang pa lamang siya ay naglabasan na ang mga nagsilikas mula sa kagubatan..   Nagtatakang nanatiling nakatayo ang binata habang nakatingin sa mga papalapit.

ngunit di alam ng binata na sa kanyang likuran.. sa paanan ng munting burol.. ay mas marami pang naglalakad papalapit sa kanya..   nanlaki ang kanyang mga mata ng siya ay pumihit paharap ay makitang gahibla na lamang ang layo ng mga ngipin ng isa sa kanyang leeg.. 

Agad niya itong itinulak at di sinasadyang tumama ang batok nito sa malaki at nakausling bato..!        "  Tsk..!!  "  agad na nagpalit anyo ang binata ng mapansing unting bumangon ang kanyang itinulak na para bang walang nangyari  gayong  basag na ang kanyang bungo mula sa pagsalpok sa bato..!

Nagsitakbuhan papalapit sa binata ang mga nagsilikas.. payat na payat ang mga ito marahil at dahil sa ilang araw o linggo na di pag kain.. ang ilan ay kinakain ang sarili sa sobrang gutom..  ang totoo ay di na alam ng binata kung buhay pa ba ang mga ito o parang manika na pinagagana na lamang ng mga tali..

"  Hiisi bakit tayo bumalik sa baryo na ito..?  "  takang tanong ng dalaga habang maingat siyang inilalapag ng lalaki..  dahan dahang ngumiti ang lalaki..

" Simple lamang binibini... simula ng iaapak ninyo ang inyong mga paa sa aking baryo ay pagmamaari ko na ang inyong katawan..   mahina nitong sabi habang dahan dahang inilapat ang kanyang malalamig na labi sa noo ng dalaga.

Agad na napasinghap ang dalaga kasabay ng unti pagpikit ng mata..  Mapait na napangiti ang halimaw habang dahan dahang lumingon sa bukas na bintana.. 

 Slow Update guyz.  ilang araw na nagka prob ang connection ng net namin.. di naman maayos kasi nga christmas season.. ) 

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon