Kabanata 12: Hubad (3)

1K 53 0
                                    

Nagtatalo na ang liwanag at dilim ng magising si Divina.. agad siyang napatili ng malakas ng maramdaman ang binatang nakayakap sa kanyang katawan.  
Parang sundalong sinabugan ng granada naman ang pakiramdam ng binata na agad na napabangon , nanlalaki ang mga mata at hawak ang magkabilang tenga..

Napatayo ang dalaga ng makita ang binatang muling nagbalik sa dati nitong anyo. Bumalik na ang mga kuko.. ang pangil maging ang tenga at buntot ng lobo..

Galit na galit ang binata at nanlilisik ang mga mata .. nagsumiksik ang dalaga sa sulok ng bigla siyang sugurin ng binata..  " tatapyasin ko yang dila mo para di kana makatili ng ganun…!  Halika dito..!! "  gigil na sigaw ng binata..

Muling tumili ang dalaga ng hawakan ng binata ang magkabilang braso nya..   napangiwi naman ang binata at muling tinakpan ang magkabilang tenga ng lobo.

Sinamantala naman ito ni Divina at malakas na sinuntok ang tyan ng binata.. sabay pa silang napatingin sa tiyan ng binata na di man lang ininda ang ginawa ng dalaga..

"Suntok ba ang tawag mo doon Divina…?!  Halika dito susuntukin kita para malaman mo kung paano... "  nakangising biro ng binata..

Kanina pa niya tinatakot si Divina at kitang kita ang pamumutla ng mukha ng dalaga..  ngunit palaban talaga ang dalaga.. bigla siyang sinipa sa tuhod..!!

Kumaripas ng takbo ang dalaga at naiwan ang binatang nakangiti..

" Divina…! Sa oras na mahuli kita … kakainin kita ng buhay…!! " sigaw ng binata ngunit agad ding napahinto ng biglang kumabog ang dibdib habang biglang nag init ang pakiramdam..

"Literal na kakainin ko si Divina… ngunit bakit parang iba ang sinasabi ng katawan ko…? Anu bang kalokohan to.?! " galit na bulong ng binata habang nakatingin sa buhay na buhay niyang pagnanasa..

Napailing na lang ang binata at nagpatuloy sa pag hahanap sa dalaga..

Natagpuan nya ang dalaga na nakatuwad  habang nakaluhod sa damuhan..  sumisilip ito mula sa talahiban na parang takot na takot..

Takang lumapit naman ang binata ngunit agad ding napahinto ng mapadako ang mga mata sa makinis na hita ni Divina .. maging sa pang upo na bahagya lang natakpan ng kamison nyang pinasuot sa dalaga.. 

Napalunok pa ang binata ng bahagyang napabuka ang dalaga habang lalo pang napatuwad.. umangat na ng tuluyan ang kamison at malaya niyang natanaw ang kapirasong tela na tumatakip sa laman na iyon..

"Divina… divina… papatayin mo ako sa nerbyos… " mahinang bulong ng binata…  tila naman narinig ng dalaga ang sinabi ng binata… dahan dahan itong luminga linga hanggang sa matagpuan siya…

Sinenyasan sya nito na lumapit ngunit huli na ang lahat…!  Biglang may yumakap kay Divina mula sa mga talahiban.!!

Malakas ang tili ng dalaga ng hilahin siya ng kamay na iyon papunta sa mga talahib..

Agad namang sumunod ang binata habang puno ng kaba sa kaligtasan ng dalaga.. teka.. …

"Bakit ba ako nag aalala…? " tanung ng binata habang bigla na lang tumigil sa pagsunod..

Sumilip siya at nakitang ipinasok ang dalaga sa isang bahay.. bahagya pa siyang kumaway sa papalayong dalaga.. 

Nakangisi ang binata habang panay ang pagluha ng dalaga habang tila inaabot siyang pilit..

Muling nakaramdam ng pagkalito ang binata.. bakit ganito na lamang kalakas ang pagtibok ng kanyang puso.?

Sa galit ay mabilis na tumakbo papalayo ang binata..

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon