Kabanata 47: Sa kanyang Sinapupunan

747 35 4
                                    

Agad na nagsipanikan ang mga kapit bahay ng mabalitaang nagising na si Hiisi… ikinagagalak nilang muli makitang nasa maayos ang lalaki…

Dahil doon ay nagkaroon sila ng bahagyang pagsasalo salo… selebrasyon dahil sa pagbuti ng kalusugan ng lalaki…

Magkakatuwang nilang kinatay ang biik na alaga at pinalamanan ito pagkatapos ay ipinarikit sa baga habang nakatuhog sa kawayan…

Ang kababaihan naman ay abala sa paghahanda ng iba pang pagkain… di na nila masyadong pinagalaw si Divina dahil malaki na ang tiyan nito…

Puno ng kasiyahan ang lugar… pinagsalusaluhan nila ang pinag ambag ambagang pagkain …

Sa mahabang mesa sa labas silang lahat kumain… nagtatawanan at masayang naguusap sa pagitan ng pag nguya.. pilit namang ngumingiti si Hiisi pilit na itinatago ang pangamba para sa nalalabing siyam na linggo..

Natapos ang kasiyahan at nagpahinga na ang lahat .. tahimik nyang ikinulong sa kanyang mga bisig si Divina.. masuyong hinapaplos ang mahabang buhok nito .. di niya mapapatawad ang sarili kapag napahamak si Divina maging ang kanilang anak sa sinapupunan nito..

"Kanina ka pa tahimik , di pa ba maayos ang iyong pakiramdam? "  takang tanong ni Divina. Agad naman siyang umiling .. ngumiti lamang siya habang inaakay paakyat sa kubo ang asawa..

"Mahal na mahal kita Divina… gagawin ko ang lahat para sa iyo… di kita hahayaang masaktan at mapahamak… itataya ko ang aking buhay para sa inyo ng ating anak…" madamdaming pahayag ni Hiisi…

Lalo namang nakaramdam ng pangamba si Divina dahil sa sinabi ng asawa ngunit mas pinili nya na lamang ang manahimik… ang magbigay ng kapayapaan at kaligayahan sa kanyang kabiyak ay ang pinakaimportanteng papel ng isang may bahay…

Nais niyang mapanatag si Hiisi sa kanyang kandungan…  ngumiti na lamang siya at agad na yumakap sa asawa ng sila ay mahiga na sa papag…

(Ika-48 na linggo matapos mabuo ang kasunduan... )

"Ahhhhgggggghh....!!!"  Malakas na sigaw ni Divina habang naninigas at nananakit ang kanyang tiyan..

Nagmamadali naman ang manggagamot sa paghahanda ng kakailanganin ...

"Pumutok na ang panubigan… masyado pang maaga…!!" Bulalas ng isang ginang na naka alalay sa tiyan ni Divina..

"Huwag kayong mataranta …!  Dalhin mo dito ang palanggana at maligamgam na tubig..!!! " sigaw ng matandang mang gagamot.

Agad namang sumunod ang isang ginang na malapit sa pintuan.. nakasalubong ng Ginang si Hiisi sa labas..

"Huwag kang mag alala Hiisi… mahusay na kumadrona ang ating mang gagamot…  di niya pababayaan ang iyong mag ina…"  nakangiting turang nito bago mabili na sumalok ng mainit na tubig…

Punong puno naman ng pangamba si Hiisi di lang dahil manganganak na si Divina… bagkus ay ito na ang huling linggo…! Kung totoo nga ang sinasabi ni Castiel ilang oras mula ngayon ay maaari ng dumating ang kadiliman.!!

Hindi nya alam kung paano ipagtatangol ang kanyang mag ina.!!!   Kanina pa siya palakad lakad.. pinakakalma ang mabilis na pag tibok ng kanyang puso.. nanginginig siya sa takot at pangamba para sa kaligtasan ni Divina at ng bata..!!

Natigilan si Hiisi ng biglang yumanig ang lupa kasabay ng malakas na pag ihip ng hangin.!!  Ramdam nya.!! Naririto na sila.!!!

Litong lito na si Hiisi .. kung magpapalit siya ng anyo sa harap ng mga ginang na tumutulong magpaanak kay Divina,  siguradong matatakot at mag sisitakbuhan ang mga ito.! Malaki ang posibilidad na iwan nalamang basta si Divina.!

Malalakas at makapangingilabot na alulong ang pumailanglang sa hangin.. mula sa bukana ng barangay ay marahang lumalakad palapit ang mga lobo ng impyerno.! (hellhound) mababangis ang mga ito at nakakatakot ang tunay na anyo..

Kilala nya ang mga ito dahil ang mga  ito ang madalas niyang kasama sa pagkuha ng mga kaluluwang tapos na ang kasunduan.. kinakalmot nito ang katawan ng biktima hanggang sa wala nang matira sa katawan nito.. pagkatapos ay si Hiisi na ang mangongolekta ng mga kaluluwa..

Agad siyang humarang sa mga papalapit na lobo... itim na itim ang balahibo nito habang nagliliyab ang mga mata.. ang normal na tao ay di magagawang masilayan ang mga ito depende na lamang kung nakagawa ka ng kasunduan at ito na ang araw ng pangongolekta...

"Magsitigil kayo…!!!! " malakas na sigaw ni Hiisi.. di man niya pag aari ang mga ito ngunit utos naman niya ang sinusunod ng mga ito dati...

Nag si tigil ang mga ito ngunit nanatiling balisa.. umuungol ang mga lobo sa kanya ngunit di magawang humakbang palapit... nanlilisik ang mga mata nito ngunit di magawang umatake.. bahagyang ngumiti si Hiisi.. salamat at kilala pa sya ng mga ito..

"Aaaagghhh…!!!!  " malakas na sigaw ni Divina mula sa loob ng kubo ilang dipa ang layo mula kay Hiisi..

Napamura si Hiisi nang umalulong ang mga lobo at patakbong sumugod..!!!

The Cross-road Demon [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon