Walo

7 1 0
                                    

Walo






"Miyo, tutuloy ka naman sa birthday ko diba?" Tanong niyang hindi ko alam ang isasagot. Oras na ang lumipas simula nang dumating siya. Wala nang sumisilip na sinag ng palubog na araw.

Paano ako makakapunta kung nasa presinto si papa? Hindi ko pa alam ang iniisip ng mga Gazmen ngayon. Baka galit din sila sa amin dahil lang sinabi ni Rico na k-in-idnap siya ni papa. Baka hindi na ako makakapunta lalo na dahil siguradong nandoon din si Rico. 

Gusto kong siyang suntukin ngayon pero ayaw kong dumapo ang kamay ko sa balat niya. Nakakagalit siya.

"Uuwi na ako. Basta Miyo, bestfriend pa rin kita, ha?" Natauhan ako bigla.

"Huwag na muna please... Dito ka muna." Mapapagalitan siya at ayaw ko 'yon pero kapag naiisip na galit nga ang pamilya niya, baka hindi na ulit sila pumayag na makipagkita o makipaglaro sa akin si Shayne. Baka last na 'to.

Tumahimik siya pero hindi naman tumayo. 

Habang nakatulala sa mga puno, napaisip ako.

Anong nakita ni Milya kay Rico para gawing bestfriend at may bonus pang crush? Kung titingnan naman, malayo ang ugali nila sa isa't isa. Buti naman sana kung katulad ni Rico si Shayne. Baka natuwa pa talaga ako at ginawa ko rin siyang bestfriend. Pero hindi. Baka nagpapanggap lang siyang mabait sa kakambal ko. 

"Miyo? Naalala mo 'yong tungkol kila ate at kuya sa karinderya?" Huminga ako nang malalim sa bunganga ko dahil barado ang ilong ko.

Lumingon ako sa kaniya.

"Sila na ngayon. Magboyfriend at girlfriend na sila." Ngumiti siya ng malawak. Hindi na ako nagtataka.

"Tapos naalala mo rin 'yung kwento sa prinsesang sirena ng silangang karagatan? Naayos ko na rin 'yung dulo tulad ng gusto mo!" Alam kong pinapasigla lang niya ang paligid para hindi na ako manahimik. Pero sadyang hindi ko magawang sabayan ang gusto niyang mangyari.

"Ngayon, nabalitaan ko rin na nagbreak na sina ate Diane at kuya Lander. Alam ko rin na galit ka kay Rico... Tulad ng gusto mo, ikaw ang magdedecide kung anong ending para sa story mo... Pero Miyo, please... sana hindi ka na magalit kay Rico..." Napatawa ako bigla sa huli niyang sinabi.

Imposible na yata 'yon.

"K-kasi Miyo.. Mabait si Rico at sigura-"

"At siguradong nagsasabi siya ng totoo? Naniniwala ka rin palang k-in-idnap siya ni papa? Wow, Shayne!"

"Hindi nam-"

"Puro na lang kasi Rico! Rico! Rico! Rico!" Napaiyak ko siya pero kahit gustuhin kong tumigil hindi ko magawa. 

Ang nakikita ko lang ay ang nakakabwisit na mukha ni Rico at ang ini-imagine na pangyayari kung saan sinabi niyang si papa ang k-um-idnap sa kaniya. Mas lalo lang akong nagagalit.

"Galit ako sa kaniya Shayne! Hindi dahil pinsan mo siya at bestfriend kita susundin ko ang sana mo! Palagi niyang kasama si mama kaya bakit pa niya idadamay si papa?" Hindi talaga ako naniniwalang magagawa 'yon ni papa!

"Oo! Ako ang mamimili kung paano ang ending ng kwento ko! Kaya huwag mo na akong pakialaman kung si Rico lang din ang lalabas sa bibig mo!" Sigaw ko kaya mas lalo siyang umiyak.

Kung kanina maayos pa sa akin na manatili dito sa gubat, ngayon hindi na. Tumakbo na ako paalis kahit pilit siyang humahabol. Pagdating ko sa bahay nandoon pa rin sina mama kasama si madam Jinky at ang daddy ni Shayne.

Wala akong pinansin sa kanila at diretso sa kwarto saka nagtalukbong ng kumot. Narinig ko pa ang pagpapatahan nila kay Shayne nang dumating ito pero hindi na ako kumibo.

Black Arrow for the Valentines (Childhood Lane Series #4)Where stories live. Discover now