Tatlo

8 2 0
                                    

Tatlo











"Simula noon hindi na nabago ang shape nito. Nagstay siya na parang isang malaking crocodile pero hindi gumagalaw. Hindi siya harmful sa mga tao!"

Ilang minuto matapos ang bagong story na pinarinig niya sa akin ay hindi ko nagawang alisin agad ang titig sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang ganoon ang naging dulo.

May magagawa pa ba siyang story na mas masaklap ang katapusan?

"Bakit hindi na siya bumalik?" Naiinis kong tukoy sa bidang lalaki.

"Miyo, hindi lahat ng umaalis ay bumabalik!" Mas lalo akong nayamot.

Paano na lang ang prinsesang sirena ng silangang karagatan? Mananatili na lang ba siyang naghihintay?

"Ano nang mangyayari doon sa prinsesa?" Salubong ang kilay at nakanguso na ako sa sobrang yamot.

Hindi dapat ganoon ang katapusan! Masyadong madaya para sa sirena! Kailangang bumalik ng lalaki para naman malaman niyang hindi tumigil kakahintay sa kaniya 'yung sirena!

"Ano bang nangyayari sa mga prinsesa? Wala din akong maisip. Basta ang alam ko lang, hindi na babalik 'yung lalaki na minahal siya..." Ngumiti siya ng sobrang tamis. May pakumpas pa sa kamay niya na parang sobrang simple lang niyang tinapos ang kwento.

Habang tinitingnan siya ay napaisip ako.

Paano niya nagagawa ito? Kung ang nakikita kong ginagawa niya sa totoong mundo ay paglapitin ang mga taong sa tingin niya dapat paglapitin, bakit sa mundong binubuo niya sa imagination niya, walang palya niyang pinaghihiwalay lahat? Talent ba ang tawag sa kaya niyang gawin?

"Hayaan mo na lang na maghintay 'yung prinsesang sirena, Miyo. Kasi kung hindi siya naghihintay, wala din tayong magandang isla ngayon!" Kumikinang ang mata niya sa tuwa na para bang ito ang totoong istorya sa likod ng pamumukod tanging katangian ng aming lugar.

"Puro naman sad ending! Hindi mo ba kayang gumawa ng happy ending?" Pang-uusisa ko dahil sa napansing pagkakatulad ng mga kinuwento niyang story sa akin.

Matagal na kaming magkakilala ni Shayne. Ganoon din si Milya at Rico. Dahil si mama ang nanny ni Rico at malapit din ang loob ni mama kay Shayne, naging malapit din kami. Noon pa lang ay palagi na kaming magkasama. Mapagkakamalan pang kami ang magkapatid kaysa kay Milya.

Dati ko pa din alam ang mga ganitong kaya niyang gawin. Dati ko pa nakita ang mga taong nagawa niyang paglapitin. At dati pa niya ipinapakita sa akin ang mundong ginagawa niya sa kaniyang isipan. Ngayon lang talaga ako napuno at hindi na napigilang tanungin kung bakit nga ba. Parang matanda siya masyadong mag-isip para sa edad namin. Samantalang ako kasi ay puro panunood ng volleyball ang nasa isip kahit pinagbabawalan na ako ni papa.

"Kaya ko naman! Ganoon lang ang ginagawa kong endings sa lahat ng mga ginawa kong story para kung mangyari man ang mga ito sa totoong buhay, bilang isang baby girl Cupid, malalaman ko agad kung paano aayusin ang situation nila!" Napangiwi ako dahil hindi ko naintindihan.

"Eh diba ang trabaho lang naman ng isang Cupid, mamana lang nang mamana? Bakit ikaw? Gumagawa ka pa ng story?" Aaminin ko naman na maganda ang mga stories niya. Hindi lang talaga katanggap tanggap ang ending.

"Ewan ko sayo, Miyo! Hindi mo ako naiintindihan. Pero para linawin 'yung sagot ko sa tanong mo kanina... Kaya kong gumawa ng happy ending! Gusto mo ba gawan kita?" Ibinagsak ko sa red na buhangin ang mga paa ko para laruin ang mga ito doon.

Imposible na talaga ang sinasabi niya.

"Hindi naman na pwede..." Mahina kong sabi.

Nakaramdam ako ng paghila sa balikat ko. Nilingon ko siya para lang makita ang tipid niyang ngiti.

Black Arrow for the Valentines (Childhood Lane Series #4)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα