Anim

5 1 0
                                    

Anim















"Bakit ba ang saya mo kapag natatamaan ako?" Naglakad ako papalapit kay Shayne na wala nang bakas ng saya sa mukha dahil sa pag-iwas ko sa paparating niyang palaso.

Nakatingin lang din siya sa akin habang nakatayo sa dati niyang pwesto.

Ngayon sigurado na ako sa nasaksihang ipinakita niya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit. Sa akin lang ba? O pati rin sa iba? Bakit ulit?

"K-kasi..." Napayuko siya para paglaruan ang panang nasa kamay niya.

Nang sandaling makalapit na ako, sumilip nang bahagya sa kaniyang mukha. Umiwas siya kaya mas lalo akong naguluhan.

Nakaka panibagong ganito ang pinapakita ng batang babae na sinasabi kong anghel ng mga puso. Ano bang sikreto sa panang mayroon siya? Ang dami naman ng pwedeng ikasaya niyang tirahin at tamaan, bakit ako? 

"Sino bang kausap mo? Ako o 'yang pana?" Tanong ko dahil ayaw talaga niyang tumingin.

"Para namang nagsasalita ang pana. Tusukin kita nito!" Nagulat ako sa biglang pagbabago ng tono niya.

Ewan ko na talaga sayo, Shayne.

Umatras ako at umayos naman siya. Ayaw pa ring tumingin sa akin.

"So, bakit nga?" Umasa na lang siya na titigil ako, kahit halata namang ayaw niyang sabihin, dahil hindi ko gagawin.

"Eh... Kasi nga gusto ko na gawan ka ng happy ending! Diba, sinabi ko na sayo 'yon?" Tumigil ako saglit para obserbahan siya kung nagsasabi ba ng totoo. Noong una ayaw kong bumitaw pero kalaunan, wala din akong napala.

"Ano namang klase ng happy ending ang gagawin mo sa akin?" Tumingin siya sa mga halamang may bulaklak sa gilid ng pader. Batid niya sigurong hindi ko pa rin iniiwan ang tingin sa kaniya.

"Happy ending na... papansinin ka na ni ate Diane... t-tapos, sa halip na si kuya Lander, ikaw na magiging boyfriend niya. Happy ending... 'Yung masaya ka sa dulo." Maging ako ay napagaya na rin sa kung saan siya tumitingin habang nakikinig.

Mali ka sa part na 'yan, Shayne.

Akala ko talent na 'yong kakayahan mong paglapitin ang mga tao sa totoong buhay at gumawa ng mga kwentong malulungkot ang dulo sa imagination mo... Kaunti na lang kasi mabibilib na ako. Pero dahil sa sinabi mo... Buti na lang hindi ko pa nagawa.

"Bakit ikaw ang namimili ng happy ending na gusto ko?"

Katahimikan ang nakuha kong sagot.

Dahil nasa tabi ko lang naman siya, nahagip na rin ng mata ko ang mukha niya. Nagulat na lang ako nang bitawan niya ang pana dahilan para bumagsak sa paanan niya.

Napansin kong tumingin siya sa akin kaya agad ko ring nilipat ang tingin sa kaniya, sa malungkot niyang mga mata na sinabayan pa ng isang ngiti.

"S-sorry..." Umawang ang bibig ko pero walang lumabas na salita. 

Pwede bang maglaro na lang ulit kami? O kaya uminom na lang? Kasi hindi ko na maintindihan kung bakit ba kami nag-uusap nang ganito. Habang tumatagal, dumadami lang ang tanong ko sa mga pinapakita at sinasabi niya.

"Nasanay lang ako na gumagawa ng story sa lahat. Pati totoo mong buhay dinadamay ko pa... Dapat pala ikaw ang magchoose kung paano ang magiging ending ng story mo,"

Tama ka d'yan. Pero ano pa ring connect nito sa bakit ka masaya kapag natatamaan mo ako?

"Ang trabaho ko lang naman, maging sharpshooter. Sorry..."

Black Arrow for the Valentines (Childhood Lane Series #4)Where stories live. Discover now