Lima

5 1 0
                                    

Lima










"Miyo! Milya! Kumain na muna kayo dito!" Pag-aaya ni Doña Crescensia na tumutulong sa mga katulong nilang nag-aayos ng mga pagkain sa pahaba't magarbo nilang mesa.

Pinaalala sa akin ni Shayne kahapon ang pagpunta sa mansion nila dahil sa lola niya. Aniya'y bukambibig kami ng doña.

"Maiinggit na ba ako sa inyo ni Milya? Parang mas gusto pa kayo ni lola kaysa sa amin nila Rico, ah!" Natatawang tumayo si Shayne mula sa pagkakaupo sa damuhang garden nila.

Tumayo rin ako.

Ang mga pinsan niya at si Milya ay nasa may gate. May nilalaro sila kanina pero hindi ko na pinakialaman dahil masyadong malakas ang hila sa akin ni Shayne.

Kahit naman umayaw ako sa kunwari niyang paglalaro kahit ang totoo ay pagkukuwento lang naman ng mga masasakit na istorya ang ibig niyang sabihin, hindi rin naman ako aangal. Baka nga nahulog na ako masyado sa mga kwentong 'yon na kahit hindi ko gusto ang katapusan ay hindi ko magawang hindian.

"Hindi naman."

"Anong hindi? Noong isang linggo pa niya kayo gustong makita kahit nandito naman kami."

"So? Bakit ka naman maiinggit?" Wala talaga siyang pinupunto. O kaya naman, hindi ko lang talaga makuha ang ibig niyang sabihin?

Bobo na ba ako?

"Ewan ko sayo, Miyo! Halika na nga doon!"

Sama-sama kaming kumain at pinagsaluhan ang mga pagkaing nakahain.

Alam naman ng lahat na sobrang bait ng lola nila. Ultimo mga katulong, kahit simpleng meryenda lang, sinasama niya. Malapit talaga sa mga tao at may gintong puso. Kalakip ng maamo at maganda niyang panlabas na itsura ang kagandahang loob niya.

"Milya! Dagdagan mo pa 'yan!" Ani doña na nilagyan ng carbonara ang plato ng kakambal ko. Mataman lamang kaming nakamasid maging si mama na nandoon rin.

"Ikaw naman, Miyo alam kong paborito mo pa rin ang shanghai! Dali na! Damihan mo ang kain." Palipat-lipat ang tingin ko. Hindi alam kung saan ba dapat ipirmi.

Matagal na din noong huli kong makasalamuha si Doña Cres. Nakakaramdam ako ng kaunting pagkailang. Pero base sa nakikita ko, wala siyang pinagbago.

"Ayos na po ako dito." Nahihiya kong tugon.

"Ah, ganoon ba? O siya, ito na lang cake ang subukan mo." Hindi ko ma-explain ang nararamdaman at iniisip ng mga apo niya base lang sa mga itsura nila. Kung si Shayne labas gilagid na dahil sa sobrang ngiti, 'yong tatlo niyang pinsan, hindi ko makitaan ng emosyon sa mukha. Magkakapatid nga sila, pare-pareho.

"Ako na maglalagay para sayo." Presinta ni Shayne saka nagslice ng cake.

Akala ko buo niyang ilalagay 'yon sa plato ko pero hinati pa niya ito.

"Siyempre sa akin ang kalahati. Effort ko sa pag-islice," humagikhik siya kaya natawa na rin ako. "Kain ka na! Masarap 'yan!" Mahina pa niyang sabi.

Halos ang Doña ang bumubuhay sa usapan. Kung hindi naman niya kami tatanungin ay hindi kami magsasalita.

Nakakahiya kaya.

"Dito pa rin ba kayo mag-aaral ng highschool?" Nagkatinginan kami ni Milya.

"Opo." sagot ko.

"Kung ganoon, pareho kayo ng mga apo ko!" Aniya bago sinulyapan ang mga apo niya.

"Since dito na uumpisahan ni Rico ang highschool, it's a reason for both Roland and Erick to transfer here as well!" Nabanggit pa niya na grade eight na si Roland samantalang grade six pa lang si Erick. Mga one year ang pagitan.

Black Arrow for the Valentines (Childhood Lane Series #4)Where stories live. Discover now