Chapter 26

40 3 0
                                    

"Anak,bakit hindi mo subukang kausapin si Adreil?"sabi ng mommy niya while they are eating breakfast that morning.

"Mom,I'm still not ready to talk or face him.Nag-iinit ang dugo ko sa kanya pag nakikita ko siya"sabi niyang nagsisimula na namang makaramdam ng galit sa lalaki.Sa tuwing binabanggit ang pangalan nito ay naiinis siya.

"Hindi mo man sabihin sa amin ng mommy mo ang naging problema niyo ay alam na namin.Kung hindi nga lang matindi ang pagpipigil ng mommy mo sa akin ay baka napatay ko na ang lalaking 'yan!"mahina ngunit mabagsik na wika ng kanyang ama.

"I'm sorry,dad,kung hindi ko po nasabi sa inyo"hinging paumanhin niya sa ama.Itinigil nito ang pagsubo at tumingin sa kanya.

"Anak,ang gusto lang namin ay ang kapakanan mo.Matagal ka naming hindi nakasama kaya as long as we can,we will give you what you want and what makes you happy.Kaya anong karapatan ng lalaking 'yon na paiyakin ka?"napayuko siya para maitago ang luha niyang gustong kumawala dahil sa sinabi ng kanyang ama.Ang sarap lang sa feeling na kasama mo ang family mo na alam mong kahit anong mangyari ay hindi ka pababayaan,ipagtatanggol ka sa mga taong gustong manakit sayo.

"S-salamat,dad!"sabi niya saka tumayo at pumunta sa gawi ng kanyang ama at binigyan ito ng yakap.

Niyakap din niya ang kanyang ina.May ngiti sa labing pinagpatuloy niya ang kanyang pagkain.

"Friend,may dala akong mango na favorite ni inaanak!"masiglang sigaw ni Ari ng pagbuksan niya ito ng pinto.

"Shh!bunganga mo sobrang laki,baka marinig ka nina mommy!"pinandilatan niya ito ng mata at kinuha ang mangga na hawak nito.

"Ay!sorry,excited lang ako"sabi nitong naka peace sign pa "uy!friend, 'yung jowa mo nasa labas na naman.Hindi mo pa ba patatawarin?nasusunog na ang balat dahil araw araw kang sinusuyo at alam mo ba lahat ng social media account niya ay puro tungkol sa'yo ang pino-post niya?"sabi nitong parang kinukonsensya pa siya.

"Wala na akong pakealam sa kanya"sabi niya,pero nagulat siya sa sinabi nitong puro daw siya ang pino-post ng binata.Hindi niya alam kasi simula 'nun ay hindi na niya ginagamit ang phone niya,puro nood lang ng movies ang pinagkaabalahan niya.

"Paano kung matigok 'yun sa labas dahil sa matinding pagod at init?wala ka parin bang pakealam?"patuloy nitong saad habang naka-upo ng de kwatro sa single sofa sa sala nila.

"Tumahimik ka na nga,hindi ko naman siya sinabihan na pumunta siya dito araw-araw"nakairap niyang wika sa kaibigan saka tinalikuran ito at pumunta ng kusina para magtimpla ng juice para sa kaibigan niyang bungangera.

Pagkaalis na pagkaalis ni Ari ay binuksan niya ang kanyang phone at tiningnan kung totoo ba ang sinasabi ni Ari sa kanya.

Una niyang binuksan ang Twitter niya.Naka-follow naman siya kay Adreil kaya nakita niya agad sa notification niya ang mga tweet nito.Isa isa niyang tiningnan ang tweet nito at tama nga si Ari,puro siya ang laman.

Sunod niyang binuksan ang IG niya at ganun' din,puro din siya ang mga post nito.

Tiningnan niya ang unang post nito kung saan may picture nilang dalawa habang nakahalik ito sa pisngi niya with a caption saying, "I will never cheat on you,babe"

Napairap siya sa caption nito,ginawa na nga nito at may ebidensya pa.

Marami pang mga post ni Adreil ang nakita niya na tungkol halos sa kanya,pero ang umagaw sa pansin niya ay ang pinakabago nitong post,one day ago pa lang.

Picture 'yun ng kamay nilang magkasalikop "I'm willing to let go of my career just to be with you" 'yan ang caption na nakalagay.Mabilis niyang ni log-out ang IG niya,ayaw na niyang makakita pa ng kung anu-ano.

Naguguluhan na siya.Hindi pa niya naririnig ang paliwanag nito kung bakit ito may kasamang iba?

Malakas siyang napabuntonghininga.
Sumilip siya sa bintana para tingnan kung naroon pa rin ba ang binata.

Kumirot ang dibdib niya ng makita ang kalagayan nito.Nakasilip ito sa loob ng bahay nila mula sa gate.

Maya-maya ay umangat ang tingin nito sa kwarto niya at nagtama ang paningin nila.

"Freya!"tawag nito sa kanya ng makita siya.

Umalis siya sa bintana at umupo sa kama niya,pero naririnig parin niya ang tawag nito sa kanya.

"Freya,kausapin mo ako!"sigaw parin ito ng sigaw.

Wala dito ang daddy niya ang mommy naman niya ay sumaglit sa grocery.

Bumaba siya at lumabas,nakita niya ang pagdaan ng kasiyahan sa mukha ni Adreil nang makita siya.

"Babe!"nakangiti itong tumingin sa kanya " kakausapin mo na ba ako?"may pag-asa sa boses nito.

"I'll give you five minutes to explain"sabi niyang nakataas ang kilay.

"Hindi mo ba ako pagbubuksan o papasukin man lang,k-kasi nauuhaw ako"nahihiyang saad nito,naawa naman siya at binuksan ang gate.

Nagulat siya ng pagkabukas niya ay bigla siyang niyakap nito. "Ano ba!"tinulak niya ito pero 'di ito natinag.

"I miss you so much.Please,let me hug you for a minute"nakikiusap nitong wika habang nakayakap sa kanya.

Hinayaan na lang niya.Siya rin naman namimiss din ito pero nangingibabaw parin ang galit niya rito.

"Adreil,your time is ticking"paalala niya dito,kaya kumalas na ito sa kanya at nagpatiuna naman siya sa loob ng bahay at kumuha ng tubig para dito.

Ininom nito agad ang tubig nang i-abot niya dito.

"Magsasalita ka ba o tumunganga na lang dyan?"sabi niyang nakataas ang isang kilay.

"Babe,lahat ng nakita mo ay hindi totoo.Nang tinawagan mo ako para papuntahin dito ay may photoshoot ako 'nun at-at k-kasama ko ang babaeng nakita mo sa news.Maniwala ka wala kaming relasyon,hindi ako nagtaksil sa'yo"simula nito pero kulang parin,dahil hindi siya naniniwala dito.

"Anong hindi nagtaksil?paano mo ipapaliwanag ang halikan niyo?"nanggagalaiti niyang sigaw

"Hindi ko siya hinalikan,siya ang humalik sa akin at hindi ko inaasahan ang ginawa niya.Sana lang inilabas din ang litrato kung saan napasubsob siya dahil sa pagtulak ko,please!babe,believe me,I can't do that to you.I love you so much!"nagmamakaawa nitong saad saka lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"And I've decided already,handa akong isakripisyo ang career ko bumalik ka lang sa'kin,because without you my life is a mess!"he said with a tears rolling on his face.

My Internet Crush(Completed)Where stories live. Discover now