Chapter 11

46 6 0
                                    

Months had passed at naka-graduate  na rin sila sa wakas.

So far maayos naman ang set up nila ni Adreil.Naging madalas ang pagde-date nila,ni hindi nga niya alam kung nagpapanggap pa ba sila o totoo na ang nararamdaman nila para sa isa't isa.

From the beginning naman alam niyang sa sarili niya na crush niya ito at mas lumala ng magpanggap pa siyang fiance nito.

Sa tingin nga niya ay mahal na niya ang binata.Walang masama single naman siya.

Ang tanong single din ba ang binata?
Sabi naman ni Adreil he's single.Flings lang ang mga babaeng lumalapit dito.
At wala pa namang sumugod sa kanya at nagpakilalang girlfriend nito.

Flings lang madali na lang agawin.
Flings versus fake fiance.Sino panalo?

"Baka for the first time ang fake ay maging totoo na"nakangiting aniya kay Ari.

"Sige keep on dreaming,Freya.Baka one day magising kana lang na wala na ang mga mata mo dahil sa kakaiyak"sabi nito habang may kinakalikot sa loob ng bag.

Nandito sila ngayon sa mall para mamili ng kailanganin nila para sa beach outing nila sa next day.

They decided to go out of town to chill after they graduated.

Kasama ang malalapit nilang kaibigan sa school and of course kasama si Adreil.

"Just wait,Ari baka magising ka na lang na kami na ni Adreil"may kompyansang saad niya at tumingin ng bikini.

"What?a bikini?"nagulat siya sa sigaw ni Ari.

"Ano ba,Ari,bakit ka sumisigaw?ngayon ka lang ba nakakita ng bikini?"pinameywangan niya ito.

"Of course not.Pero bibili ka ng bikini?"gulat nitong tanong at tila hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya.

"Bakit masama?"sagot niya dito at kinalkal ang mga nakadisplay na mga bikini.

"Hoy gaga!akala ko mag so-shorts at t'shirt lang tayo?"sabi nito at hinila siya palayo sa mga bikini.

"One piece swimsuit ang bibilhin ko at papatungan ko rin ng shorts.Anong akala mo saakin?"

"Pero bumili kana rin ng two piece swimsuit,Freya sagarin mo na ang paglalandi mo kay Adreil"sagot nito sa kanya na kanina lang gulat na gulat dahil bibili siya ng bikini tapos ngayon ay pinu-push pa siyang bumili ng two piece.Minsan hindi niya maintindihan ang babaeng 'to.

"What are you saying,Ari?Akala ko ba ayaw mong bumili ako?"sabi niyang nakairap dito.

"What?diba gusto mo siya?"nakataas ang kilay nito at naghanap din ng swimsuit.

"Yes I like him pero walang kinalaman ng two piece sa pagkagusto ko sa kanya"sabi niyang pinagpatuloy ang paghahanap.

"Sus kunwari pa 'to"tudyo nito sa kanya.

"Pwedi ba,Ari tumigil ka dyan"saway niya dito at bumalik na sa pagpipili ng swimsuit.

"Ari,anong magandang kulay?itong Red o Neon orange?"sabi niya at pinakita dito ang two piece na swimsuits na hawak niya.

"Oh akala ko ba one pice ang bibilhin mo?"sabi nito at lumapit sa kanya.

"Bibili ako pero 'di ko gagamitin sa paglalandi I mean hindi sagarang paglalandi"sabi niya at naghagikgikan sila ni Ari.

"Oh ito,Freya bagay 'to sayo"at binigay sa kanya ang kulay pula ring katulad ng hawak niya.

"Ay sige I'll get that"sabi niya at kinuha yon.

"I'm sure maglalaway si Adreil pag sinuot mo yan"excited nitong saad habang nangingislap ang mga mata.

"Let's go bayaran na natin"masiglang sabi niya at binayaran na.

My Internet Crush(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon