Chapter 17

33 3 0
                                    

Umupo siya at tumabi naman ito sa kanya.Hindi nila alintana ang buhangin na madidikit sa pang upo nila,maliligo din naman sila later.

"Yeah,kaya I was shocked when you called out my name and landed on my body,hindi ko akalain na kilala mo din pala ako"natatawa nitong saad ng maalala ang pangyayaring 'yon.

Hinampas niya ito sa braso kasi ayaw na niyang alalahanin pa 'yon,nakakahiya.

"H'wag mo na nga 'yon banggitin pa.I was just excited to meet you,kaya 'di ko na pinalampas ang pagkakataon na 'yon"nakayukong saad niya dito.

Umusog ito palapit sa kanya saka siya inakbayan.

"Ano?did your feelings for me level-up"bulong nito sa tenga niya.

"A bit"sagot niya at humarap dito kaya nagtagpo ang kanilang mga labi.

"Only a bit?"sabi nito ng maghiwalay ang kanilang mga labi.

"Yes,from crush to Like"sabi niyang nakatitig sa mga mata nito,nagsisinungaling siya dahil mahal na niya ito.

Matagal na niya itong crush at nagkagusto na siya dito ng magpanggap silang mag fiance at ngayon nga ay totoo na ang relasyon nila kaya mas lalo siyang nahulog dito.

Pero 'di siya aamin dito na mahal na niya ito,gusto niya ay ito ang unang umamin.Paano pag hanggang like lang ito sa kanya?bahagya siyang nalungkot sa naisip.

"Why?may problema ba?bakit biglang nag-iba ang kislap ng iyong mga mata?"sabi nito ng mapansin ang pag iiba ng expression ng mukha niya.

"Wala,may naalala lang ako"sagot niya at umiwas ng tingin dito.

"What or who?is it a boy?"natawa siya tanong nito.

"You are my first boyfriend kaya wala akong ibang iisipin"naiiling na saad niya at humilig sa balikat nito saka tumingin sa kalangitan na punong puno ng nagkikislapang mga bituin.

"And I will not allow you to think other man,I will occupy your mind for the rest of my life"bulong nito sa kanya na ikinabilis ng tibok ng puso niya.

Bakit ba ang galing nitong magpabilis ng tibok ng puso sa simpleng paraan lang?ilan na ba silang babae ang nahulog sa matamis nitong salita?

Hindi rin sila nagtagal at bumalik na sa mga kasama nila.
Naabutan niyang si Ari na umiinom,kaagad niyang nilapitan ito at si Adreil ay pumunta muna sa mga kaibigan nito.

"Ari,kanina ka pa ba umiinom?"nag-aalalang tanong niya dito at umupo sa tabi nito.

"Konti lang,Freya,you want?"alok nito sa kanya at tumanggi siya sa alok nito.

"Hindi ako pweding uminom baka malasing ako,may kasama akong lalaki sa kwarto"sagot niya dito at kinuha ang hawak nitong inumin.

"Ano naman kung may kasama kang lalaki?boyfriend mo naman siya walang masama at saka sino ang maniniwala na wala pang nagyayari sa inyo?"sabi nito at binulong ang huling sinabi.

"Ari,ano ba!wala pang nangyayari sa'min,halika na nga lasing kana"sabi niya at hinila ito patayo.

"Freya,hindi ako lasing.Baka ikaw ang lasing dyan at kung anu-ano na ang sinasabi mo"sabi nito at sumunod na lang sa kanya dahil 'di niya ito tinigilan hangga't 'di tumatayo.

"Bakit naman ako malalasing?hindi naman ako uminom"sagot niyang naiirita sa kaibigan.Hindi naman ito lasing pinaalis lang niya kasi ayaw niyang malasing ito dahil walang mag-aasikaso sakaling malasing ito at 'di pa sila magkasama sa iisang kwarto.

"Sure ka?hindi ka lasing?hindi ka nalasing sa halik ni Adreil?"tudyo nito sa kanya habang naglalakad sila patungo sa kwarto nito.

"Tumigil ka nga"sabi niya at 'di na pinansin si Ari at binuksan na lang ang kwarto nito pagkatapos na ibigay nito ang susi sa kanya.

"But kidding aside,Freya,talaga bang wala pang nangyayari?"kulit na naman nito at umupo sa maliit na couch at ganun' din ang ginawa niya.

"Ari,bakit ba ayaw mong maniwala sa akin na I'm still a virgin!"napapagod na siya sa kaibigan niya at inirapan na lang ito,bahala siya kung ayaw niyang maniwala.

"Okay.If you say so"kibit balikat nitong wika.

"I want to sleep here with you,Ari"biglang saad niya sa kaibigan at bumaling pa dito.

"Finally!Naalala mo nang may kaibigan ka pa"sabi nitong sabay tayo at lapit sa kanya, "akala ko nakalimutan mo na ako dahil dyan sa boyfriend mo,kasi simula nang maging kayo wala ka nang oras sa akin.But don't worry,Freya,I'm not mad.Maybe a little bit"dagdag pa nito at binuntutan pa ng bungisngis ang huling sinabi nito.

Na guilty naman siya sa sinabi nito.Tama ito,saglit niyang nakalimutan na nandito ito at naging busy siya kay Adreil ,nakalimutan niyang may kaibigan siya na dapat bigyan din ng atensyon.Hindi porke't may boyfriend na siya ay kakalimutan na niya ito.

"Sorry,Ari,I didn't mean to forget you.Nalibang lang ako,kaya nga gusto kong matulog dito kasama ka,I want to make it up to you"sabi niyang nakangiti at pupunta na sana sa bathroom para maligo nang maalala na wala pala siyang damit dito sa kwarto ni Ari.

"I'll just go to my room and get some clothes"paalam niya sa kaibigan at lumabas na sa kwarto nito at dumiretso sa kwarto nila ni Adreil.

Pagpasok niya sa loob ay wala parin ang binata,siguro nagkakasayahan pa ito kasama ang mga kaibigan nito.

Pagkatapos niyang makakuha ng damit ay bumalik na siya sa kwarto ni Ari at naligo na rin.

"Ari,I'm done ikaw naman"sabi niyang pagkalabas na pagkalabas,pero nagulat siya ng hindi lang si Ari ang nasa loob ng kwarto.

"Adreil,what are you doing here?"tanong niya habang pinupunasan ng towel ang buhok niya.

"I should be the one asking that question,Freya.What are you doing on someone's room?"seryosong tanong nito at nilapitan pa siya,tumingin pa siya kay Ari pero nagkibit balikat lang ang kaibigan.

"Adreil,gusto kong matulog dito kasama ni Ari,just for tonight and I promise I'll be back to our room as soon as the sun rise"sabi niyang kinukumbinsi itong pumayag sa hiling niya.

"Alright!"sabi nitong huminga ng malalim.

"Thank- ''naputol ang sasabihin niya sa sunod nitong sinabi.

"But I'll stay here as well"sabi nito at umupo na sa upuan at iniwan siyang nakatanga sa kawalan.

Tumingin siya kay Ari at same reaction as her.

"Adreil,naririnig mo ba sarili mo?matutulog ka dito?makikisiksik ka sa amin?can't you see?walang extra bed!"hysterical na wika niya.

"Okay,but make sure na babalik ka agad bukas ng umaga"sumusukong sabi nito at napahilamos pa sa mukha nito na parang ayaw mawalay sa kanya.

"Okay,I promise"she said and went to his side in gave him a kiss.

"Freya,may langgam sa lips mo"biglang sabat ni Ari.Bakit ba pag may moment sila ni Adreil bigla na lang itong sumasabat?

"Anong langgam?wala naman ah"sabi niyang hinawakan pa ang labi niya para tingnan kung totoo bang pinagsasabi nito.

"Hahahaha"parang baliw nitong tawa.

"Wala naman talaga,pero sa sobrang ka sweetan niyo ay baka mapuno na itong kwarto ko ng langgam.Kaya ikaw,Adreil umalis kana dito"taboy nito kay Adreil at sumunod na lang ang binata dito pagkatapos siyang bigyan ulit ng halik sa labi.

"Akala mo naman taon kayo hindi magkikita!"nakairap nitong saad nang makaalis ang binata.

"Hayaan mo na,Ari,gusto ko nga ang pagka-sweet niya 'eh"kinikilig niyang wika dito habang nakatingala na para bang nangangarap.

"Ikaw na!ikaw na ang inlove"sabi nito at iniwan na siya at dumiretso na ito sa bathroom at siya naman ay tinungo na ang kama at hindi na pinansin ang kaibigan.

My Internet Crush(Completed)Where stories live. Discover now