Chapter 21

36 2 0
                                    

"Where did you met that man,Freya?"tanong ng daddy niya sa kanya habang nag-aagahan sila kinabukasan.

"He's an actor po,Dad"kinakabahang sagot niya at nanatiling nakayuko sa pagkain.

"Yeah,I know that.Ang tinatanong ko ay kung saan kayo nagkakakilala ng lalaking 'yon!"sabi nitong matiim na nakatitig sa kanya.

"Our first meet was in our school po,Dad"mahinang sagot niya habang kagat labing tinutusok tusok ang sausage na nakahain sa plato niya.

"I want to meet his family"maawtoridad nitong saad habang nasa pagkain na ang atensyon.

Kinakabanan siya sa sinabi nito baka mabuko pa sila ng parents ni Adreil na hindi sila totoong mag-fiance na nagpapanggap lamang sila.

"D-dad,you don't need-"
"I need,Freya!"putol nito sa kanya sa malakas na boses.Napayuko naman siya at pinigilan ang luha na tumulo,hindi pa siya nasisigawan ng Daddy niya,ngayon lang.

Ngayon lang sila muling nagkasama,pero nang dahil sa naabutan nito si Adreil sa bahay nila ay nagalit sa kanya ang kanyang daddy.

"Freya,anak,mas mabuti na makilala namin ang pamilya ng boyfriend mo"malumanay na sabi ng kanyang mommy.

"S-sige po Mom,Dad,I'll tell Adreil about that"she said and continued eating and never attempt to look at his father angry eyes again.

"Adreil,my parents wants to meet your parents!"namomroblema niyang sabi kay Adreil,kausap niya ito sa phone habang nasa loob siya ng kanyang kwarto.

Ayaw siyang payagan ng kanyang Daddy na lumabas,baka natatakot na makipagkita siya sa binata.

"No problem,I'll tell mom and dad"simpleng sagot nito sa kanya para talagang walang problema.

"Adreil,I'ts gonna be a big problem,malalaman nila na nagpapanggap lang tayo!"sabi niyang kulang na lang ay magwala dahil sa laki ng problema nila.

Natatakot din siyang baka papaghiwalayin sila ng kanyang ama,at baka magalit ang parents ni Adreil sa kanya pag nalaman na hindi totoong nagproposed si Adreil sa kanya.

"Walang magiging problem,Freya,just trust me"malumanay paring sagot nito sa kanya.

Ano pa bang magagawa niya kung hindi ang magtiwala dito.

"Freya,let's go baka naghihintay na sila"sabi ng mommy niya ng mapansing nag-aalangan siyang pumasok sa kilalang restaurant kung saan sila magkikita at ng parents ni Adreil.

Kinakabahan siya sa pweding mangyari pag pumasok siya sa loob,tinawagan niya si Adreil kanina at sabi nga nito ay nauna na ang mga ito sa naturang restaurant at ang mga ito pa ang nagpa-reserve.

Wala na siyang nagawa,nandito na 'to,kailangan niyang harapin at tanggapin ang mangyayari.

Sumunod siya sa mga magulang niya papasok sa loob.Umakyat pa sila sa ikalawang floor kung saan walang tao at sila lamang,mukhang napaghandaan na talaga ang pagkikita nilang ito at pinili pa ang pwesto na walang tao para makapag-usap ng maigi.

"Hello po,tita,tito"kimi niyang bati sa mga magulang ni Adreil.

Tumango ang mga ito at ngumiti lang sa kanya.Napansin din niyang tumayo si Adreil para bumati sa mga magulang niya.Tulad nung una ay hindi parin inimikan ng daddy niya ang binata,at ngumiti lang ang mommy niya dito.

Pero nagulat siya sa nangyaring batian ng pare-pareho nilang mga magulang,nagbatian at nagyakapan ang mga ito na para bang matagal nang magkakilala.

"M-magkakilala po kayo?"hindi siya nakatiis at nagtanong sa kanyang mommy nang makaupo na silang lahat.

Ngumiti muna ang mommy niya sa kanya saka siya sinagot, "Oo anak,magkakaibigan kami simula 'nong college kami"masayang saad ng mommy niya.

"At ilang taon din kami hindi nagkita-kita"mahahalata rin ang saya sa boses ng mommy ni Adreil.

"Yeah!We should thank Freya and Adreil for reuniting us"sabi naman ng daddy ni Adreil,pero ang daddy niya ay bahagya lang itong nakangiti.

"Hindi ko akalain na anak mo pala si,Freya,Nicolai"sabi ng daddy ni Adreil habang kumakain na sila.

Magkaharap sila ni Adreil at magkaharap naman ang mga magulang nila sa isa't isa.

"At hindi ko rin akalain na anak mo ang binatang ito,what a coincidence!"her daddy said with a sarcastic voice while glaring at Adreil.

Pero mukhang 'di naapektuhan ang binata sa presensya ng kanyang daddy habang siya ay 'di na halos malunok ang kinakain.

"Kumusta naman ang negosyo niyo,Jayana?I heard sa abroad din ang negosyo niyo?"ang mommy niya,iniba ang topic ng mahalatang umiinit naman ang ulo ng kanyang daddy,savior talaga ang mommy niya.

"Yes,pero napag-usapan na namin ni Caleb na dito naman ang asikasuhin namin at ipaubaya muna namin ang pagpapatakbo sa kapatid ko ang negosyo namin sa abroad"mahabang litanya ng mommy ni Adreil,habang nakikinig lamang sila sa usapan ng mga ito.

At ganun'ang nangyari hanggang sa matapos silang lahat sa pagkain.

"So,when is the wedding?"biglang saad ng daddy niya na labis niyang ikinagulat,bakit napunta agad sa kasal ang usapan na ito?

"D-daddy?"kinakabahang tawag niya sa daddy niya at sinusubukang pigilan ito sa anumang sasabihin pa nito sa harap ng pamilya ni Adreil.

"Tumahimik ka muna,Freya!usapang matanda 'to"matigas na saad ng daddy niya pero sa pagkakataong ito ay nilakasan niya ang loob na salubungin ang nagbabagang tingin ng kanyang ama.

"Pero,dad,hindi naman po kailangang humantong sa kasalan agad,we're not ready to get married!"sabi niya at tumingin kay Adreil para tulungan siyang magpaliwanag pero hindi ito nakatingin sa kanya.

"Freya,pinalaki kitang may respeto sa sarili at ano ang ginawa mo?pinapasok mo ang lalaking ito sa pamamahay ko habang wala kami ng mommy mo!"lumalakas na ang boses nito,buti na lang walang tao sa kinaroroonan nila.

"D-daddy,I was sick that time,h-hinatid lang po ako ni Adreil at inasikaso kasi po hinang hina po ako ng araw na 'yon!"paliwanag niya,alam niyang hindi totoo lahat ng sinabi niya.Oo masama ang pakiramdam niya ng araw na 'yon,pero 'di naman siya totally nanghihina.

"Kung ano man ang rason mo,Freya ay hindi na mababago ang pasya ko.I want that man to marry you!"matigas paring saad ng kanyang ama habang nanglilisik ang mga matang nakatingin sa kanya,naluluha na siya dahil sa takot sa kanyang ama.

"Nicolai,h'wag mo namang sigawan ang bata"saway ng mommy niya dito.

"Nicolai,pwedi naman nating pag-usapan 'to,saka may plano na ang mga bata at nagproposed na ang anak namin kay Freya at date nalang ng kasal ang kulang,they are engaged"sabat ng daddy ni Adreil na mas lalong ikinabahala niya.

"What engaged?anong proposed?bakit hindi namin 'to alam?"napapikit na lang si Freya lakas ng boses ng daddy niya.

"Freya,hindi ba ang sabi ko ay no boyfriend while studying?at ano itong engagement damn thing?matagal na ba kayo ng lalaking 'to?"nanggagalaiti nitong saad habang nakaturo pa kay Adreil,talagang sumabog na ito at hindi na tumatalab ang pagpapakalma ng mommy niya dito.

"Daddy,that was before we pre—''sasabihin na sana niya sa daddy niya ang totoo nang putulin 'yon ni Adreil.

My Internet Crush(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon