Chapter 20

35 2 0
                                    

"Adreil,kelan ba tayo ulit lalabas?sobrang miss na kita.I missed your kisses and hugs"napakalandi talaga nito.

Tumayo siya at hinarap ang babae.
"Excuse me,miss,nakikita mo ba ako?"sabi niyang nakaturo sa sarili.

"Yes,I'm not blind"nakairap nitong sagot at ang sarap talagang dukutin ng mga mata nito at iprito sa mainit na mantika.

"Nakikita mo pala ako!alam mo bang boyfriend ko 'yang nilalandi mo?at nagde-date kami ngayon na kung hindi ka lang dumating sana tapos na kami ngayon kumain at naihatid na niya ako sa bahay.Alam mo bang masama ang pakiramdam ko pero mas sumama nang makita ko yang pagmumukha mo!"nanggigigil niyang wika at nakakaagaw na rin sila ng atensyon ng mga taong kumakain sa loob.

Pagkatapos 'nun ay tinalikuran na niya ang mga ito at magdire-diretso sa labas.

She felt the presence of Adreil following her.

"Freya!"tawag nito sa likuran niya.

"Ba't kapa sumunod?bakit hindi kayo lumabas ng babaeng 'yon at mag-kiss and hug or whatever you want to do!"hinarap niya ito at tinapunan ng nanglilisik na tingin.

"Babe,I'm sorry!she's nothing,okay?I don't even know her name"paliwanag nito at hinawakan siya sa pulsuhan.

"Let's go,uuwi na tayo"pero pumiglas siya dito.

"Ayoko,uuwi akong mag-isa"matigas niyang saad.

"You don't have a car with you"paalala nito sa kanya ng tumalikod na siya dito.

"May taxi naman!"sigaw niya ng 'di ito nililingon at dire-diretso siya kung saan pwedi mag-abang ng masasakyan.

"No,I won't let you"pagkasabi 'nun ay naramdaman niya ang sarili na umangat sa ere.

Binuhat siya nito na parang sako ng bigas.

"Adreil,put me down!"pagpupumiglas niya at binayo ang likuran nito.

"No,wag nang matigas ang ulo,Freya!"

Nang makarating sa carpark ay mabilis nitong nabuksan ang kotse at isinalya siya sa upuan.

"Ouch!"napadaing siya ng mauntog ang ulo niya sa upuan.

"Bakit mo ako tinapon?"sigaw niya nang makapasok na ito sa driver seat at hinampas ito.

"Pwedi bang tumahimik ka?ang lakas lakas ng boses mo,akala ko masama pakiramdam mo!"sigaw din nito sa kanya at ini-start na ang sasakyan.

"Bakit mo ako sinisigawan?"

"Sorry"sabi nito at nagmaneho na pero ilang sandali pa ay natigilan ito ng marinig ang mahinang hikbi niya.

"F*ck!"mura nito at itinabi ang sasakyan.

"Freya?babe?I'm sorry 'di ko sinasadya na sigawan ka"dumukwang ito sa kanya at pinahiran ang luhang naglandas sa pisngi niya.

"May kabit ka pala?o baka ako ang kabit mo?"lumuluhang saad niya.

"What?anong kabit?"halata sa boses nito ang pagtataka.

"Yung babae kanina,sino 'yon?"bumalik na naman ang galit niya dito sa pagkaalala sa nangyari kanina.

"Babe,I told you,I don't know her.Maybe she was one of my flings, but believe me since we got together ay wala na akong naging ibang babae"
He said softly and kissed her on her forehead, "ikaw lang ang babae sa buhay ko"dagdag nito.

Tumingin siya dito para makita kung nagsasabi ba ito ng totoo at mukhang nagsasabi naman ito ng totoo pero hindi parin ayos sa kanya ang nangyari kanina.

My Internet Crush(Completed)Where stories live. Discover now