Chapter 16

35 3 0
                                    

"Hi,Adreil,you can sit here beside me"malanding sabi ni Loren ng makita nito si Adreil.

Nakaupo ang mga kasama nila ng patilibot sa bilog na mesa sa buhanginan.Kararating lang nila ni Adreil dahil 'di sila nakasabay sa mga kasama nila sa pagdi-dinner kaya kinailangan nilang magpahatid na lang ng pagkain sa kwarto.

Tatlong araw na nila dito sa beach at todo iwas si Adreil kay Loren pag nakikita ito at ang malanding babae naman ay todo din ang pagpapansin sa binata.

"No,thanks"sagot nito sa babae,pero mapilit talaga ang babae at tumayo pa at hinawakan sa braso si Adreil.

Walanghiya!kahit nakikita siya nito ay talagang lalandiin ang boyfriend niya ng harapan?

Mabilis na inalis ni Adreil ang kamay ng babae sa braso nito at tumingin sa kanya na para bang sinasabi na wala itong ginagawang masama.

Lumapit siya sa mga ito at yumakap sa binata saka niya hinalikan ito sa labi sa harapan ni Loren.
Bumaling siya sa babaeng higad na ngayon ay makikita ang galit sa mukha nito.

"Back off b*tch,he's mine!"sabi niya at hinila na ang binata paupo at pinanuod ang nagmamarstang lakad ni Loren palayo sa kanila.

Anong akala nito?hahayaan niyang maagaw nito si Adreil sa kanya?

Hindi siya basta basta papatalo 'no.
Nilingon niya si Adreil, "muntik kana namang madagit ng malanding ibon"sabi niyang nakairap dito.

Naglalambing naman itong yumakap sa kanya.
"Nakita mo naman na umiwas ako 'di ba?"sabi nitong nakatitig sa kanya.

"Umiwas ka,kasi nandoon ako.Iwan ko na lang pag wala ako baka nasa gilid na kayo at nagme-make out"tuloy tuloy niyang bulalas.

Tumawa ang binata sa sinabi niya
"Grabe naman ang imagination mo,babe!don't worry I will not do that.Sayo ko lang gustong makipag make out"may kapilyuhan nitong saad.

"Tumahimik ka nga baka may makarinig sayo"saway niya at tinakpan ang bunganga nito.

"Too late,may nakarinig na"singit ng isang tinig sa tabi nila.

"Ari!bakit ka nakikinig sa usapan namin?"sabi niyang nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kaibigan na 'di niya namalayang nasa tabi na pala nila.

"Sino ang hindi makakarinig,Freya?ang lakas lakas ng boses niyo.I'm sure 'di lang ako nag nakarinig,kaya wag kang OA dyan"sabi nito habang may kagat kagat na pagkain.

"I'm not being OA,Ari"sagot niya sa kaibigan.

"Whatever!"Ari rolled her eyes take her eyes away from them.

Binalik niya ang atensyon kay Adreil.
"Bakit hindi ka makisali sa kanila?"tanong niya dito na ang tinutukoy ay ang mga kasama nilang mga kalalakihan na kasalukuyang nag-iinuman sa kabilang table.Nahahati sila sa dalawang grupo,ang sa kabila ay ang mga nag-iinuman at ang nasa grupo nila ay mga ayaw uminom at piniling makipagkwentuhan na lang.

"Nah.I's rather stay here beside you than to join them.Gusto kong sulitin ang oras na kasama ka"sabi nitong habang matamang nakatingin sa kanya.

"Pinakikilig mo ba ako?"sabi niyang namumula.

"At kinilig ka naman"nakangising saad nito saka hinalikan ang tungki ng ilong niya.

"Hindi mo na kailangan gawin 'yan,Adreil,kasi mukha mo pa lang ang makita ko kilig na kilig na ako"saad niyang titig na titig sa mga mata nito,napakagat labi ito at halatang may pinipigilan.

"Uy!uy!alam ko yan!kinikilig ka 'no?"tudyo niya sa binata at tinusok tusok pa ito sa tagiliran.

"Stop it,Freya!"sabi nito habang pinipigilan ang kamay niya sa pagkiliti dito.

"Aminin mong kinilig ka sa sinabi ko"tudyo parin niya dito,namumula na ito dahil 'di niya tinitigilan.

"Siguro crush mo na ako 'no?"saad niya at inilapit pa ang mukha dito.
Inilapit din nito ang mukha sa kanya na ikinagulat niya,kaya ito naman ang natawa.

"Yes,crush DIN kita"sagot nitong diniin pa ang salitang din na para bang pinapahiwatig nito na pareho lang sila ng nararamdaman.

"A-ah I k-know that already,kaya nga girlfriend mo na ako 'diba kasi pinilit mo ako"sabi niyang bahagyang inilayo ang katawan dito kasi pakiramdam niya ay umiinit ang paligid.

"At 'di ka tumanggi dahil matagal mo na akong crush"seryosong saad nito pero makikita parin ang kislap ng mga mata nito na natatamaan ng kislap galing sa ilaw sa paligid nila.

"Hay!kainggit.Sana all may jowa"sumingit na naman ang kaibigan niya na ngayon ay tumayo na at pumunta sa kabilang table.

"Let's go take a walk?"anyaya ni Adreil ng ilang sandali silang walang imik.
Hindi na nito hinintay ang sagot niya at tumayo na ito saka siya hinila palayo sa karamihan.

Naglakad sila sa dalampasigan habang magkahawak ang kanilang mga kamay.

"Adreil,why me?"tanong niya dito habang nakatanaw sa dulo ng isla na kahit gabi na ay kitang-kitang parin ang dulo nito dahil may mga ilaw na nakapaligid dito.

Sabi ni Adreil ay 'di nawawalan ng tao ang beach resort ng mga ito,sadyang sinara lang ito para sa kanila para walang istorbo sa kanila at mag enjoy sila ng husto at sa tingin niya ay talagang nag-enjoy ang mga kasama nila,iba't ibang mga laro at sasakyang pandagat ang ginawa nila sa loob ng tatlong araw nila dito sa isla.

Bahagya siyang nilingon ni Adreil,
"What do you mean,why you?"nakakunot noo nitong balik tanong sa kanya.

"Bakit ako ang napili mong maging girlfriend,bakit 'di sila?"sabi niya at binitawan ang kamay nito na nakahawak sa kanya,pero kinuha nito ulit 'yon at mas hinigpitan ang pagkakawak doon.

"Because you're not them"simpleng sagot nito.

"Yun lang ba?walang paliwanag?"sabi niya at tumigil na sa paglalakad.

"Gusto mo ng paliwanag?bakit pag nagpaliwanag ba ako magle-level up ba ang nararamdaman mo sa'kin?"Habang sinasabi nito iyon ay naglalakbay ang mga mata nito sa buong mukha niya.

"Hmm...!it depends"sinagot naman niya ang kalukohan nito.

"I choose you because you're different from them.The first time I laid my eyes on you at the starbucks,I know from that moment you already captured my heart"hinawi nito ang buhok niyang nililipad ng panggabing hangin.

"S-starbucks?i can't remember meeting you at starbucks"nalilitong saad niya dito.First time niya itong nakita in person ay 'dun sa school nila.

"You can't remember kasi ako lang ang nakakita sayo at 'di mo ako nakita,because you were busy with your pink drink"kwento nito habang kumikislap ang mga mata na para bang naaaliw sa pangyayaring 'yon.

"You mean?our first meeting wasn't in our school?"she confirmed what's going on her mind.

"Yes"

"You mean?bago pa tayo magkita sa school kilala mo na ako?!"Natutuwang tanong niya dito.

Tumango ito at hinila siya paupo sa buhanginan.

My Internet Crush(Completed)Where stories live. Discover now