Chapter 30

2.5K 52 42
                                    

Nakanguso lang ako habang nakatingin sa puting sapatos kong may bahid na ng dumi dahil sa pagtakas na ginawa namin ni Nez.

"I told you to stay inside the subdivision for your safety!" Caden scolded me.

Nanatili kaming tahimik ni Nez at panaka-nakang nagtitinginan. Kung ako nakanguso sa harap ni Caden, siya naman ay naka-irap sa sermon ni Crim sa kaniya kaya hindi ko mapigilang matawa dahil sa ekspresyon niya.

"And you're still laughing." Napanis ang ngiti ko ng sabihin iyon ni Caden.

Mas lalong humaba ang nguso ko sa panenermon niya. Kanina pa niya ako pinapagalitan sa ginawa ko at wala naman akong magawa kung hindi ang humingi ng tawad. It's my fault anyway.

"Tama na nga yan, Cadler." Nagulat ako ng marinig ang pagsaway ni Lilac kay Caden. "As you can see, she's safe." Napalingon ako kay Lilac.

Nasa hardin kami ng institution ngayon kaya hindi ko inaasahan na susundan kami ni Lilac. Hindi siya puwedeng lumabas ayon sa doktor dahil bigla bigla ang pag-atake ng sakit niya, kaya nagulat ako dahil nasa labas siya ngayon. She's with the same people. Two male nurse and a female one.

"With you? I'm not sure." Napasinghap ako sa sagot ni Caden.

"Caden..." Saway ko.

Tumiim bagang siya. "She harmed you numerous times, baby. I can't let my guards down." Hinila niya ako palapit sa kaniya at mahigpit na kumapit sa bewang ko.

I look at my sister apologetically. She just smiles and nods, as if understanding where Caden is coming from. "I understand." Nginitian niya si Caden. "But I won't harm my sister anymore, Cadler. I admit all my wrongdoings and even pay for it. I've moved on from the past, so there's nothing to worry about now. I've changed." Napangiti ako ng makita ang aliwalas sa mukha niya.

I felt Caden's grip on my waist loosened. Sinulyapan ko siya at nakitang madilim pa rin ang tingin niya kay Lilac pero nabawasan na iyon. Lumawak ang ngiti ko dahil alam kong naniniwala siya sa sinabi ng kapatid ko.

He let me talk to Lilac again but just around his line of vision. Kausap ko si Lilac habang kinakausap naman ni Nez ang dalawa na matiim na nakikinig kahit pa ang mata ni Caden ay nakatutok sa akin. I think, Nez is explaining what Lilac said to us a while ago. Halata kasi ang galit at awa sa mata ni Crim na panaka-nakang sumusulyap sa katabi ko na si Lilac.

"They have a son now, right?" Sinulyapan ni Lilac si Nez at Crim na nag-uusap.

I nod. "Rouge Vaughn Chandler is the name of their son." Napangiti ako ng maalala ang makulit na pamangkin.

"I want to see him." Bakas ang lungkot sa boses niya.

Kinuha ko ang phone ko at hinanap ang album ni Rouge sa gallery ko. I click the album and show the picture of our nephew. She browse the pictures.

She chuckled on the picture where Rouge is sleeping in Crim's arms who's sleeping also. "He's really a Chandler." Aniya at tinuro ang resemblance ng dalawa.

We're laughing at some pictures and I couldn't wish for more. Hindi ko akalain na makakausap ko si Lilac ng ganito dahil bossy siya sa akin noong mga bata pa kami. Now, I feel like we're equal.

"If my baby was alive, they would surely be playmates." Unti unting nawala ang ngiti sa labi niya.

I let her browse on my phone. Ang lungkot lungkot ng itsura niya habang nakatingin sa baby pictures ni Rouge kaya naman hindi na ako nagsalita at hinayaan siya. Binalik niya rin naman agad ang cellphone ko matapos ang tumingin doon. Nabalutan kami ng katahimikan matapos no'n.

"When is the wedding?" Napabaling muli ako kay Lilac nang magsalita siya matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan namin.

I saw her looking at my ring finger. Napatingin din ako sa daliri ko at napangiti ng makita and emerald cut na diamond engagement ring sa daliri ko. White gold ang band nito at may maliliit na diamond na disenyo. Malaki ang bato sa gitna kaya nakakaagaw ng atensyon kapag lumalabas ako. Nakakatakot din ilabas dahil baka ma-hold up ako dahil dito.

Naked Series #2: Reveal My Soul (COMPLETE)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن