Chapter 13

2.4K 56 32
                                    

Friday came and for the first time in my life since I pretend to be my sister, I took an absence not because of sickness but because I can't face Caden.

From what happened yesterday? I don't want to show myself to him again!

Tulala lang ako sa kuwarto ko dito sa bahay simula ng magising ako, kung pagtulog nga ba ang tawag sa ilang minutong pagpikit. I only slept for an hour and half because I kept thinking about him and his words that made the wall I built, got crushed and powdered.

"Where are you?!" Singhal ni Nez ng sagutin ko ang tawag niya ng sumapit ang tanghalian. "Hindi ka daw pumasok sabi ng manager niyo? Bakit hindi ka pumasok?"

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tamad na sumandal sa headboard ng kama.

"I'm sick."

Nilayo ko ang cellphone sa tenga ko ng sumigaw si Nez.

"What?! Why? How? Malala ba ang sakit mo? Bakit ngayon mo lang sinabi! Anong sakit mo? Cancer? Tumor? UTI-"

"Hindi!" Sumimangot ako. "I think I have heart problem because of my palpitation whenever Caden is around!"

Tumahimik ang kabilang linya at tanging maingay na background na lang ang naririnig ko kaya alam kong hindi pa binababa ni Nez ang tawag. Kumunot ang noo ko ng hindi na siya nagsalita.

"Vanessa–"

"OMG!"

Halos mabingi ako ng tumili siya ng malakas. Nabitawan ko ang cellphone ko sa sobrang gulat kaya nalaglag ito sa kama.  I accidentally pressed the loud speaker.

"Tanga ka!" Humalakhak siya. "Wala kang sakit, Amber!"

Kumunot ang noo ko. "Talaga? Normal lang ba 'yun?"

Sinuklay ko ang magulo kong buhok. I'm frustrated, okay! Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko!

"Oo, normal 'yon!" She exclaimed while still laughing.

Napaismid ako sa hangin dahil pakiramdam ko may hindi na naman ako nakukuha sa mga sinasabi niya. Mahilig pa naman siyang maglagay ng ibang kahulugan sa mga salita niya at madalas akong walang alam sa mga tinutukoy niya.

Someone called her so we ended the call. Bumalik ako sa pagtulala sa kisame ng kuwarto ko matapos kumain ng tanghalian na hinatid ng katulong dito. Kanina pa kasi ako hindi lumalabas kaya pinahatid na lang ng mayordoma ang tanghalian ko.

Saturday came and I was surprised when Nez came and visit me our house. Sakto pa ang pagdating niya na pinapagalitan ako ni Crim dahil sa pagliban ko sa trabaho kahapon. Mabuti na lang daw at naroon ang lalaking sekretarya ni Caden kaya hindi nahirapan ang lalaki.

"Bakit galit ang lolo mo?" Bungad ni Nez at sinundan ng tingin ang paalis kong kapatid.

Sumimangot ako. "Sinermonan niya ako dahil sa pag-absent ko kahapon sa trabaho." Sumbong ko sa kaniya. "Saka bakit mo tinawag na lolo si Crim? Baka marinig ka no'n at pagalitan ka pa."

Umismid siya. "Pakialam ko? He pissed me off yesterday so I don't care." Iritableng aniya at pinukulan ng masamang tingin ang likod ng kapatid ko.

"Nag-usap kayo kahapon?"

"Yes. He was searching for you and he asked me about it, but I don't know where were you too. Sinabihan ko siya na dapat siya ang may alam kung nasaan ka kasi siya yung kapatid, tapos bigla ba naman akong sinupladuhan?" Umingos niya sa hangin.

I just chuckled. "That's the typical Crim right there."

Inaya ko siyang sa bahay na magtanghalian dahil kami lang naman ang narito. May importanteng pupuntahan si Crim ayon sa sinabi niya. Gabi na siya makakauwi.

Naked Series #2: Reveal My Soul (COMPLETE)Where stories live. Discover now