Chapter 11

2.4K 59 30
                                    

Is there any instances that you are walking but you can't feel it? It's like you are floating while your heart is beating so fast. This is scary.

Inaamin ko. I'm sheltered. School at bahay lang ang routine ko noon at kahit na may groupings or practice para sa kung anong graded performance ay sa bahay sila pinapapunta para hindi na ako umalis.

That's why I don't know anything about men and relationship in general because Lala doesn't allowed me to. She wants me to be like her who's doesn't need a man to live her life happily.

But this feeling when he called me baby... I love it.

Namula ang pisngi ko ng pumasok sa isip ko iyon.

But that word is an endearment for someone you like or love, right? You cannot say that in haste and not think about it before voicing it out, so what does he mean?

Napaigtad ako nang maramdaman ang haplos ni Caden sa bewang ko.

"Let's go." He whispered near my right ear.

Lutang na nagpadala ako sa pag-giya niya sa akin papunta sa lift. Ramdam na ramdam ko ang kamay niya sa bewang ko sa kabila ng dalawang magkapatong na damit ang suot ko. Tulala ako nang makapasok kami sa private elevator. Nang sumara ang pinto nito ay doon ko nakita ang itsura kong nakatanga sa kinatatayuan. Nakatingin sa akin si Caden, hawak pa rin ang bewang ko. Ibang kilabot ang hatid ng repleksyon naming dalawa sa metal na pinto ng elevator, isama pa ang maghigpit ng hawak niya sa bewang ko!

But this isn't right! This is out of my plan. He's off limits!

Humakbang ako pagilid para makalayo sa kaniya. His brow shot up on what I did. Napayuko na lang ako. Hindi ko magawang mag-angat ng tingin sa kaniya lalo na't alam kong nakatingin siya sa akin.

Kaya laking ginhawa ko nang bumukas ang pinto ng elevator.

Lumabas siya at sumunod naman ako sa kaniya pero ilang dipa ang hinayaan kong espasyo sa pagitan namin dahil ayokong masyadong lumapit sa kaniya. Baka magkaheart attack ako bigla sa lakas ng tibok ng puso ko!

Bakit ganon? Hindi naman ganito ang nararamdaman ko noong sinubukan kong makipaglapit sa mga lalaki para lang isalba ang imahe ni Lilac. I kissed them and make out but I never feel something about it.

Ano pa kaya kung si Caden na ang hahalikan ko?

Uminit ulit ang pisngi ko sa naisip. There is no way he will kiss me! Last time I remember, he's kind of hate my guts at may atraso ako sa kaniya. I mean, si Lilac.

Nagulat ako ng bumungo ako sa isang matigas na pader sa sobrang lalim ng iniisip. Napatingala ako para tignan kung saan ako bumanga. Nagtama ang mata namin ni Caden na bahagyang nakayuko para masilip ako.

Tao pala ang nabanga ko.

"What are you doing?" Tinignan niya ako na parang nawe-weirduhan siya sa akin.

This. This is what I'm talking about. The fast beating of my heart like it wants to come out of my ribcage! Bumalik ang kabang nararamdaman ko at kasabay nito ang pangingiliti ng mga paroparo sa tiyan ko.

Napalunok ako at umatras ng dalawang beses.

"N-Nothing."

Magsasalita pa dapat siya nang may biglang dumating at binati siya. Mukhang isa iyon sa board members ng kumpanya dahil dederetso sana siya sa meeting room kung hindi lang kami nito nakita sa gilid.

The man smirked.

"Long time no see, Cadler. Done strolling around Red's company?" Mapang-asar na bati nito kay Caden bago napatingin sa puwesto ko. "Oh! Lilac Chandler?"

Naked Series #2: Reveal My Soul (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon