Chapter 7

2.3K 49 10
                                    

Nagising ako at si Xander agad ang bumungad sa akin. Hawak niya ang kamay ko habang nakaupo siya sa visitor's chair. Hindi niya napansin ang pagdilat ko dahil nakatulala siya sa kawalan habang marahang hinahaplos ang kamay ko.

Inilibot ko ang tingin sa paligid at napansing nasa infirmary kami ng school.

Tumikhim ako. "Where is Vanessa?" Iyon agad ang tanong ko.

Bumaling siya sa akin. Napuno ng pag-aalala ang ekspresyon niya ng makitang gising na ako. He squeeze my hand.

"Are you okay now? How are you feeling? Do you want something? Water? Food? Or--"

"Xander, I'm fine." Marahan akong ngumiti. "I just want something to drink. Where is Vanessa anyway?" Tanong kong muli.

Nagpasuyo ng tubig si Xander sa kung sino mula sa labas. Inalalayan niya akong umupo at pati na rin sa pag-inom ng tubig na para bang imbaldado ako. Nagtaka ako ng wala akong maramdamang sakit sa katawan ko kahit pa may benda ang kaliwang pulso at paa ko.

Hinawi ni Xander ang buhok na nalaglag sa mukha ko. "She just went out to buy some food."

Tumango lang ako at tumahimik dahil wala naman na akong gustong sabihin sa kaniya. Nakatitig lang ako sa nakabenda kong pulso kahit na ramdam ko ang tingin sa akin ni Xander na para bang may gusto siyang sabihin. Nakakailang dahil iba ang kislap ng mata niya kesa sa nakasanayan ko. Para bang may alam siya.

He licked his lips while looking at me intently. "Amber Canary Chandler."

Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tinignan siya. "W-What?" Para akong tinakasan ng dugo sa narinig.

Namilog ang mga mata ko. Sobrang seryoso ng ekspresyon niya habang nakatitig sa mga mata ko.

My instinct was right.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pinagpapawisan ako ng malamig sa sobrang kaba at takot na baka tuluyan na akong mabuking. Wala man akong masamang intensyon pero mali pa rin ang ginagawa namin lalo na't nanloloko kami ng mga tao.

Bumaba ang tingin niya sa kamay ko at marahan itong hinaplos. "I saw Lilac in US." Aniya.

"D-Did you... what?"

"I happened to visit my Uncle in the hospital where she was staying. I saw her walking on the corridor with your Mom and in one look, I knew that she's Lilac. The real one. I couldn't believe at first but I felt the familiar feeling inside me when we crossed path on the hallway of the hospital. I called her and she looked at me with shocked expression. That's when I confirm my speculation. We talked and she told me the truth. She want to keep this a secret and I don't have the right to meddle with you two."

I never know that someone would know my identity this early aside from Nez. Marahil wala ring nagawa si Lilac dahil nahuli siya sa akto at sa tingin ko mapagkakatiwalaan naman si Xander.

Yumuko ako.

"I-If you knew the truth... w-why did you treat me the same a while ago? I deceived you. I don't deserve your kindness..." I said with a voice full of guilt.

Dapat magalit siya at naiintindihan ko kung ganon ang mangyayari dahil nanloloko kami ni Lilac ng tao dito. This is unacceptable.

Pinisil niya ang kamay ko kaya napatingin ulit ako sa kaniya. "I realized that I don't care if you're not the person I like before. I like the person I am with right now." Lumamlam ang mata niya. "You are kind and soft hearted, Amber. I learned to like you because of your kindness on those days we spent time together." He looked at me sincerely.

Hindi ako nakapagsalita at nanatili akong nakatitig kay Xander na nakatingin lang rin pabalik sa akin. Hawak niya pa rin ang kamay ko at marahan iyong hinahaplos na para bang umiintindi sa sitwasyon ko kahit na kasalanan itong ginagawa ko. I can't help but to soften because he didn't judge me from what I am doing.

Naked Series #2: Reveal My Soul (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon