Chapter 26: Queen Bee

233K 4.8K 558
                                    

Chapter 26:
"Queen Bee is short for Queen Wannabe right?"


My life is back to normal, or as normal as it can be anyways. Right after that awkward and shocking family dinner umalis na ang parents nina Blaze, magto-tour muna daw sila sa kung saan. Pero feeling ko umiiwas lang sila sa stress.

"Itapon nyo lahat yan! I don't wan't that filthy garbage in my room!"

Even from a mile naririnig ko ang boses ni Zoe, sa lakas ba naman nyang sumigaw kahit yata bingi maririnig sya. Alam kong sya yun, boses palang kasi maldita na.

Hindi ko alam kung anong problema nya, basta ang alam ko lang may pinapatapon sya. Pagliko ko sa may hallway narinig ko ulit ang malakas na sigaw ni Zoe, mukhang nagmumula ito sa kwarto ko. I mean, sa dating kwarto ko.

"ITAPON NYO LAHAT YAN! BURN IT! GET RID OF THAT FILTH!"

Nakita ko ang mga katulong na may dala dalang mga damit. Teka, damit ko ba yung mga yun? Well hindi ko naman talaga yun damit, yun lang ang mga damit na ginamit ko nung panahong bagong salta pa lang ako dito.

"Ate saan nyo po dadalhin yan?" Tanong ko dun sa isang katulong.

"Itatapon po o kaya susunugin?"

"Bakit naman? Sayang naman kung itatapon nyo lang o susunugin"

"Utos po kasi ni Mam Zoe, wala po akong magagawa"

"WHAT ARE YOU DOING HERE?!"

Pareho kaming nagulat nung maid sa pagsigaw ni Zoe, dali dali syang umalis dala dala yung mga damit habang ako naman ay naiwang nakatayo lang doon.

"I said what are you doing here? Bingi ka ba o sadyang hindi lang maprocess ng utak mo yung sinabi ko?"

"Napadaan lang ako" tipid na sagot ko kahit ang totoo gustong gusto ko na syang barahin.

"Pwes wag ka ng dadaan dito!" Pagkatapos sabihin yun ay bigla nya na lang akong tinalikuran.

Lord, paano ba maging invisible? :')

***

"Sabihin mo nga sa akin, ano ba talaga ni Blaze ang babaeng yun?" Tanong ko.

"Sino? Si Zoe?"

"Oo" tipid na sagot ko.

Nakatambay kaming dalawa ni Raven sa rose garden ngayon. Ever since that woman arrived medyo naging magulo na ang buhay ko kaya as much as possible ako na lang ang umiiwas sa kanya para wala ng maging gulo.

"About that, I can't answer your question" Raven said apologetically.

"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko.

"Because its not my story to tell"

"Ang tumal mo naman. Wala man lang bang pahapyaw dyan? Kahit konting clue lang" pamimilit ko sa kanya.

"Oo na, pero konti lang ha, the rest of the story you have to ask Kuya Blaze himself"

"Aye, aye boss!"

"First things first, since you are now married to a Mafia boss, I'm gonna explain how the mafia world works. Simple lang naman eh, parang royalty lang. On top is the absolute ruler of all mafias. Then under him are various mafia boss just like kuya Blaze and Spade. And under their command are small mafia groups"

"Teka nga, naguguluhan ako. Kung iisa lang ang boss ng lahat ng Mafia groups bakit magkalaban si Blaze at Spade?"

"Easy ka lang, darating din tayo dyan. As you can probably guess by now, our family is already part of the Mafia world bago pa man kami ipanganak na magkakapatid. Hindi sa pag-mamayabang pero among the Mafia families, ang pamilya namin ang maituturing na the best sa lahat at ang pinaka-pinagkakatiwalaan ni Mr. Coltier, ang boss ng lahat ng mafias. Nung nabuntis ang asawa nya at napag-alaman nilang babae ang magiging anak nila agad nilang pinagkasundo yung anak nila kay Kuya Blaze, and at the time, 3 years old pa lang si Kuya"

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon