Chapter 46: Engagement

196K 4.4K 283
                                    

Chapter 46:
"Engagement"


"Eat this"

Tinignan ko si Blaze kung nagbibiro ba sya pero mukhang seryoso sya.

"Eat this" muli nyang utos.

I find it sweet that Blaze is trying to feed me, ang hindi ko lang maintindihan ay kung BAKIT? We are still eating dinner, hindi ko pa nauubos yung nasa plato ko pero dinadagdagan na naman nya ito. Hindi ko na tuloy naiwasang magtanong.

"Gusto mo ba akong patayin?"

"Of course not! Why would I want to kill you? What made you think that?!"

"Kanina mo pa kasi ako pinapakain ng pinapakain, daig ko pa ang nasa eat all you can. Nararamdaman ko nag-e-expand na yung bituka ko sa sobrang dami ng nakain ko"

"Stop overreacting, hindi mag-e-expand ng ganun kabilis ang intestines mo so just shut up and eat this"

"Sige, pero last na yan ha"

"Aww that's so sweet. I'm so happy right now, akala ko hindi na matutupad ang araw na ito. All my sons are here plus my daughter in law and future daughter in laws. Raven, Sven kelan ba kayo magpapakasal? Hindi na ako makapaghintay. And Keira pwede bang ulitin nyo yung kasal nyo ni Blaze, hindi kasi kami ininvite ni Blaze nung kasal nyo"

Nagkatinginan kami ni Ann Dee dahil sa sinabi ng Mommy nina Raven, I'm happy that she acknowledges Ann Dee pero parang mabigat sa pakiramdam ko na pati si Zoe ina-acknowledge nya din.

"Actually Mom, I want to make an announcement, I'm sure matutuwa ka sa sasabihin ko"

"Ano yun anak?" Tanong ni Mrs Aerondale sa anak na si Sven.

"Zoe and I are getting married"

"That's wonderful! Dapat maghanda na kayo as soon as possible! Ngayon pa lang kailangan ko ng maghanap ng isusuot ko!"

She looked so excited upon hearing the news pero parang sya lang naman ang na-e-excite dahil tahimik lang na nagmamasid ang asawa nyang si Mr. Aerondale sa mga nangyayari. As for Raven and Ann Dee, parang wala silang pakialam sa mundo dahil abala sila sa pag-lalagay ng icing sa isa't isa. Tinignan ko naman ang asawa kong si Blaze at medyo nagulat ako nung makita ko syang nakatitig sa akin. Kanina pa kaya nya ako tinititigan? 

Itinuro nya yung plato ko, mukhang gusto nya pa atang simutin ko yung natitirang pagkain dito. Mas concern pa sya sa pagkain kaysa sa engagement ng kapatid nya. Napilitan akong sumubo kahit na hindi ko na kaya at sa kalagitnaan ng pagnguya ko naramdaman kong para akong masusuka. Bago pa man ako masuka ng tuluyan tumakbo na ako sa pinaka-malapit na cr.

"Ano yan ha?! Malapit na bang lumabas si Junior!" Sigaw ni Raven.

Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy ako sa pagtakbo. Pagdating ko sa cr, agad kong isinuka yung mga kinain ko. Sayang lang yung pagkain. Habang nag-huhugas ako ng kamay bigla na lang bumukas ang pintuan at walang sabi sabing pumasok si Zoe.

"Kahit kailan talaga mang-aagaw ka. Inagaw mo na nga si Blaze sa akin, ngayon naman pati atensyon nilang lahat inaagaw mo din. Moment ko ngayon pero nakiki-eksena ka!" Galit na sigaw nya.

"Hindi ako nakiki-eksena" tipid na sabi ko.

Kasalanan ko ba kung nasusuka ako? Anong gusto nya, sumuka ako sa lamesa kung nasaan yung mga pagkain. Besides, I don't want to ruin Ann Dee's efforts. Nagpakahirap syang magluto para ma-impress nya ang mommy at daddy ni Raven at hindi ko yun sisirain. Tsaka nakakalimutan nya ata na 'moment' ni Ann Dee ngayon, kung meron mang umeeksena, sya yun.

"Ano bang problema mo Zoe?" Walang ganang tanong ko. I just want to get this over with.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Sana nilunok mo na lang yang suka mo!"

Kahit kailan talaga napaka-sakit nyang magsalita. Hindi nya man lang naisip na nakakasakit sya ng damdamin. Hindi ko na lang sya pinansin, babalik na sana ako sa dining area pero bago pa man ako makalagpas, hinawakan nya ang braso ko dahilan para mapahinto ako. Bigla ko namang naalala yung nangyari nung nasa hawaii kami. What if she tries to kill me again?

Pinag-iisipan ko kung tatakbo na ba ako nung biglang bumukas ang pintuan.

"Wifey are you okay?" Seryosong tanong ni Blaze.

"Of course she's okay. Sabi ko naman sayo Blaze ako na ang bahala diba, you don't need to worry about her" Sagot ni Zoe.

Hindi sya pinansin ni Blaze dahil nakatingin lang sya sa akin habang naghihintay ng sagot ko.

"O-okay naman ako Blaze, nasobrahan lang siguro ako sa pagkain?"

Mukhang nainis si Zoe sa ginawa ni Blaze na hindi pamamansin sa kanya kaya padabog itong umalis. Nung wala na si Zoe, nilapitan ako ni Blaze at muli na naman nya akong tinanong kung okay lang ba ako.

"Okay lang talaga ako Blaze, pero pwede ba wag mo na akong pakain, hindi ko na talaga kayang kumain, please lang!"

"Okay. As long as your okay then I'm okay"

Hinawakan nya ang balikat ko at bigla nya na lang akong hinalikan sa noo.

Hindi na din kami nagtagal sa cr. Bumalik kami sa dining room na magka-holding hands habang naglalakad. Tapos na silang lahat kumain at mukhang pinag-uusapan na nila ang napipintong kasal nina Sven at Zoe. Ang gusto ni Zoe, pink ang maging motiff ng kasal nya. Typical Zoe. She look so excited pero alam ko naman na hindi totoo ang excitement na pinapakita nya dahil si Blaze naman talaga ang mahal nya. Niloloko nya lang kaming lahat pati na din ang sarili nya sa ginagawa nya.

"Keira dear, are you okay?" Agad na tanong ni Mrs. Aerondale pagkakita nya sa akin.

Hindi naman sinasadyang napatingin ako kay Zoe. Agad nya akong inirapan nung makita nyang nakatingin ako sa kanya. Siguro iniisip nya na inaagaw ko na naman ang atensyon nilang lahat sa kanya.

"Okay lang po ako, baka nasobrahan lang po ako sa pagkain. Si Blaze po kasi eh gusto nya po ata akong tumaba"

"Anong nasobrahan sa pagkain! Ang sabihin mo magkakaroon na kayo ng junior ni Kuya!" Sabat ni Raven.

"Really? Magkaka-apo na ako? We should mark this momentous day, first and foremost for the first time in history nagkaroon si Raven ng serious girlfriend, second the upcoming wedding of Sven and Zoe at ngayon naman Keira's pregnancy!" Mrs. Aerondale said happily. She looked so happy and I don't want to burst her bubble but I need to do this. Bwisit na Raven, kung ano ano kasi ang sinasabi.

"E-excuse me po but I need to clarify something, hindi po ako buntis. Sumama lang po talaga yung timpla ng tyan ko kanina kaya medyo nasuka ako"

"Kahit na ano pa ang sabihin mo Keira, malakas talaga ang kutob ko na buntis ka. Never pang nagkamali ang isang Raven Aerondale!"

Bahala nga sya kung ano ang gusto nyang isipin. Mukhang nalungkot naman si Mrs. Aerondale sa sinabi ko. Mabuti na din na sinabi ko na ang totoo ngayon pa lang, kesa naman umasa pa sila.

"Don't mind her mom, she's definitely carrying my child" Blaze said.

"Talaga? I cant wait!"

Mga baliw na Aerondale.

******

⚜️

Author's Note:

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon