Chapter 59: Party (Part 3)

165K 3.8K 589
                                    

Chapter 59: Party (Part 3)


"Shut the fuck up!"

The moment that person shouted at me I immediately knew it wasn't my friend Ann Dee. Hindi ko alam kung sino sya. The only thing that I know is that the person holding me right now is a girl. Sinubukan kong magpumiglas pero bigo ako hanggang sa makarating kami sa may rose garden. Madilim ang paligid but I can vaguely see my surroundings dahil na rin sa tulong ng liwanag ng buwan. Sapilitan nya akong hinila papunta sa gitna ng garden and when we got to the middle she pushed me hard to the ground.

"Zoe" I said her name out loud. 

Ngayon kitang kita ko na ang mukha nya, salamat na rin sa tulong ng liwanag ng buwan. May hawak syang baril at nakatutok ito sa akin. Dapat akong makaramdam ng kaba dahil maaari nya akong patayin pero hindi ko alam kung bakit kalmado lang ako. Maybe its the thought that Blaze will save us no matter what. I trust Blaze at alam ko ililigtas nya ako at ang anak namin.

"You have the nerve to act like that huh. Hindi ka man lang ba natatakot na pwede kitang patayin!"

"Hindi, dahil alam ko na ililigtas ako ni Blaze kahit na anong mangyari"

Confident ako sa sinabi ko pero mukhang mas lalo lang syang nagalit dahil dun dahil bigla nya na lang ipinutok ang hawak nyang baril sa akin. Agad akong nakaramdam ng sakit sa braso ko. Hindi ko alam kung warning shot lang ba yun o balak nya muna akong pahirapan bago nya ako tuluyang patayin dahil mukhang dumaplis lang yung bala sa braso ko. But nonetheless, even if its a direct hit or not, masakit pa din sya plus nararamdaman ko na tumutulo yung dugo ko.

"Bakit ba napakalaki ng galit mo sa akin Zoe? Wala naman akong ginagawang masama sayo" lakas loob na tanong ko. Alam ko paulit ulit ko na lang yang tinatanong pero hindi ko kasi talaga maintindihan. I'm trying to live my life normally, pero bakit galit sila sa akin. I just can't understand.

"At nakuha mo pa talagang magtanong! Inagaw mo ang lahat sa akin! First Blaze, he is supposed to marry me but he married you! He is mine! Mang-aagaw ka! And now your trying to steal my dad from me! Ever since you came, its keira this keira that, your ruining my life!"

"Wala akong inaagaw sayo Zoe" Kalmadong sabi ko. 

Wala naman kasi talaga akong inaagaw sa kanya. Unang una, hindi ko naman pinilit si Blaze, hanggang ngayon nga nagtataka padin ako kung bakit pinakasalan nya ako. Pangalawa, kasalanan ko ba kung ako ang biological daughter ni Mr.  Coltier, kung di pa nga nila sinabi sa akin wala akong kamalay malay na anak nya pala ako. Gusto kong sabihin yan kay Zoe pero alam ko namang hindi nya rin ako pakikinggan dahil masyado na syang nabulag ng galit nya sa akin.

"Isa lang ang naiisip kong paraan! Kailangan mong mawala sa mundo para maibalik mo sa akin ang lahat ng inagaw mo!"

"Hindi naman ako makakapayag sa gusto mo. Patayin mo na lang ang sarili mo kesa ang best friend ko!" 

I can't believe what I'm seeing. My best friend Ann Dee is holding a gun and she's pointing it at Zoe. 

"Bitawan mo ang baril mo kung hindi papasabugin ko yang bungo mo! Hindi ako nagbibiro!" Sigaw ni Ann Dee.

"Pakialamera!" Galit na sigaw ni Zoe kay Ann Dee pero dahan dahan nya din namang ibinaba ang baril nya. Senenyasan ako ni Ann Dee na kuhanin ko yung baril. Tumayo ako sa kinauupuan ko at sinipa ko sa kung saan yung baril nya para hindi nya na ito magamit. 

Lalapit na sana ako kay Ann Dee nang mahagip ng mata ko ang isang pigurang papalapit sa kanya mula sa likuran. I immediately recognize him, it was Sven. Hindi ko alam kung kakampi ba namin sya o kaaway dahil asawa sya ni Zoe pero bago ko pa man masabihan si Ann Dee itinutok nya na ang hawak nyang baril dito. Traitor.

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon