Chapter 4: Survival

303K 7.3K 570
                                    


Chapter 4:
"Life is a battle of survival, either you win or you lose."


"Gisingin nyo na sya"

May mga nagsasalita sa paligid ko pero hindi ko sila pinansin. Gusto kong matulog, gusto kong magpahinga.

"Fine, if she doesn't want to wake up then just kill her"

Agad kong iminulat ang mga mata ko pagkarinig ko sa salitang 'kill', bigla ko ring naalala ang lahat ng nangyari sa akin. It is crazy how sleep can muddle a person's mind sometimes.

"Ilang oras ba akong nakatulog?" Tanong ko sa mapapangasawa ko na hanggang ngayon ay hindi ko padin alam ang pangalan.

"75 hours. Akala ko matutulog ka na habambuhay, tutulungan na sana kita" seryosong sagot nya.

"75 hours? Siguro may pina-inom kayo sa akin kaya ilang araw akong nakatulog!" Sigaw ko. Daig ko pa ang nacomatose. Baka kung ano ano na ang ginawa nila sa katawan ko habang tulog ako.

"Tsk. Stop being hysterical, you had a fever so you were out cold for three days. Anyway, someone will come here so you better get ready"

Pagkatapos sabihin yun ay bigla nya na lang akong iniwan. Bakit ba sya alis ng alis? Hindi ko pa naitatanong yung gusto kong itanong nilalayasan nya na ako agad.

Sabi nya nagkaroon daw ako ng lagnat, kasalanan yun ni Bullet, kung hindi nya ako binuhusan ng malamig na tubig, hindi naman ako magkakasakit.

Bumangon na ako kahit medyo masakit pa ang katawan ko pero parang gusto kong humiga ulit at ipikit na lang ang mga mata ko, lahat kasi ng nakikita ko nasa shade ng pink. Nasa kwarto ba ako ni barbie?

Dumiretso ako sa banyo at pinagmasdan ko ang sarili ko. Mukhang birds nest ang buhok ko, may eye-bags ako, walang kabuhay buhay ang mga mata ko, dry din ang labi ko, typical aftereffects ng isang taong kagagaling lang sa sakit.

As much as possible I tried to make myself look presentable ang sabi kasi nung dear future hubby ko may taong pupunta dito pero may isa akong problema wala akong damit na maisusuot.

Nasa loob padin ako ng banyo nung may biglang kumatok dito.

"Ako si Esther at ako ang mayordoma dito, kung tapos ka na, lumabas ka na para maayusan ka na" utos nito sa akin.

Kahit na nakatapis lang ako, lumabas na lang ako katulad ng inutos nya. Medyo nahiya pa ako paglabas ko. madami kasing tao sa kwarto at karamihan sa kanila ay mga katulong.

Binigyan nila ako ng damit na agad ko namang isinuot. Pagkatapos nun ay pina-upo nila ako at sinimulan nila akong ayusan.

Bakit ba kailangan pa nila akong ayusan ng ganito? Ano bang meron? Sinubukan ko silang kausapin pero ngiti lang ang isinagot nilang lahat sa akin, pwera lang kay Esther na masama ang tingin sa akin. Masungit na mayordoma, check.

Pagkatapos nila akong ayusan, binuhat nila yung malaking box na nasa gilid at binuksan ito. Inside is a beautiful white gown that looks suspiciously like a wedding dress.

"Ngayon na ba ang araw ng kasal ko?" Lakas loob na tanong ko.

"Yes" tipid na sagot ni Esther.

Tumayo ako at naglakad papunta sa may pintuan. Kailangan kong makausap yung baliw kong mapapangasawa. Tatlong araw palang nung magpropose sya tapos ikakasal na kami agad? Pero bago pa man ako makarating sa may pintuan pinigilan na ako ni Esther.

"Hindi ka pwedeng lumabas"

Tinitigan ko si Esther gayundin ang ibang kasama nya, lahat sila ay seryoso. Mukhang hindi sila nagbibiro kaya nakaramdam ako ng kaunting takot. Parang sinasabi ng mga mukha nila na kapag lumabas ako sa pintuan na yun, katapusan ko na.

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon