Chapter 54: History

182K 4.5K 371
                                    

Chapter 54:
"History"

I heard a beeping sound, a sound that can be commonly heard in the hospital. Am I in the hospital?

I slowly opened my eyes and an unfamiliar place immediately greeted me. Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga ko pero agad akong nakaramdam ng sakit. My whole body hurts!

Pinagmasdan ko ang balikat ko na nababalot ng benda. Maswerte ako dahil buhay pa ako dahil yung ibang nababaril hindi na sinisikatan ng araw. Pinagmamasdan ko padin ang sugat ko nung biglang bumukas ang pintuan at tuloy tuloy na pumasok si Terrence.

"Gising ka na pala Keira. Kamusta ka na? Okay ka na ba?" Sunod sunod na tanong ni Terrence.

"Medyo okay na ako. Ano nga palang ginagawa mo dito? Nasaan si Blaze?"

Hindi agad ako sinagot ni Terrence. Parang hindi din sya makatingin sa akin ng diretso nung tinanong ko sya tungkol kay Blaze.

"Uhm, there's no easy way to say this Keira but you are not allowed to see him ever again"

"HA? Pero bakit?"

"Because of what happened to you"

"A-anong ibig mong sabihin?"

"You almost got killed"

"So? Ang mahalaga buhay padin ako. Asan ba ako Terrence? Bakit hindi ko pwedeng makita si Blaze?"

Naiinis na ako. Ang gusto ko lang naman ay ang makita si Blaze.

"Sorry Keira pero hindi talaga pwede"

"Bakit nga?"

Naghintay ako ng sagot pero nanatiling tikom ang bibig ni Terrence.

"Magsasalita ka ba o hindi? Kasi kung hindi aalis na ako. Pupuntahan ko na si Blaze"

"Okay fine. Pero ito ang tatandaan mo, lahat ng sasabihin ko sayo ay pawang katotohanan lamang. Nasa sayo na kung maniniwala ka o hindi" seryosong sabi ni Terrence.

"Okay" sagot ko.

"As you already know Mr. Aldrich Picolt Coltier is at the top, he is the richest and most powerful man in the mafia world. He is cold and ruthless pero nagbago lahat nang yun nung makilala nya si Ashlyn Ramirez, she became his wife, his queen"

"And?"

"They live a happy life, hanggang sa mabuntis si Mrs. Coltier. But problems started to arise, one by one, Mr. Coltier's men were murdered and they don't know who was behind it"

Kahit na hindi na ituloy ni Terrence ang kwento alam ko na ang susunod na mangyayari. Mrs. Coltier and her unborn child died.

"Mrs. Coltier, fearing for her child's safety took some precautionary actions by herself. Hindi nya ito sinabi sa kanyang asawa dahil naniniwala sya na isa sa mga tauhan ng asawa nya ang traydor. Masyadong pinagkakatiwalaan ng asawa nya ang mga tauhan nito kaya natakot syang sabihin ang hinala nya dito"

"Ano ang sumunod na nangyari?" Tanong ko.

"Umalis sya ng patago sa tulong ng kapatid nya. Gusto mo bang malaman ang pangalan ng kapatid nya?"

"O-oo?"

Hindi ko alam kung bakit pero parang bigla akong nakaramdam ng kaba. Pakiramdam ko mabibigla ako sa sunod nyang sasabihin.

"His name was Kenneth Ash Ferrer"

Kenneth Ash Ferrer, but that was the name of my father.

"Keira Ashlyn Ferrer or should I say Keira Ashlyn Ramirez Coltier, your the missing daughter of Mr. and Mrs. Coltier and my little sister"

"L-little sister? Ano ang ibig mong sabihin?"

"I am your twin brother"

I am at a lost for words. Naguguluhan ako, hindi ako makapaniwala, ayaw kong maniwala.

"Kung talagang kambal kita, bakit hindi tayo sabay na lumaki? Bakit ngayon mo lang naisipang magpakita at sabihin sa akin ang katotohanan?"

"When our mother died, pinagkatiwala nya tayo sa kapatid nya, kay tito kenneth. Inutusan nya si Tito Ken na paghiwalayin tayo, gusto nya kasing maranasan mo yung buhay nya, yung normal na buhay. But she wanted a different life for me, she wanted me to become a mafia boss, she wants me to claim my rightful place. Tito Kenneth trained me, bata pa lang ako alam ko na ang lahat, I even keep tabs on you. Hindi man tayo nagkikita, I care about you. Hindi ko sinabi sayo kaagad dahil hanggang ngayon hindi pa din namin alam kung sino ang traydor sa organisasyon plus you married Blaze at kinulong ka nya kaya hindi ako nakalapit sayo at the time"

Maniniwala ba ako sa kanya? Boung akala ko ulila na ako pero meron pa pala akong pamilya na pwede kong masandalan. A part of me believed what he said but a part of me still have doubts.

"Masaya akong malaman na meron pa pala akong pamilya, pero hindi mo padin ako sinasagot. Bakit hindi ko pwedeng makita si Blaze?"

"Because Blaze made a promise with our father that he won't let you get hurt. Pero nasaktan ka. He didn't keep his promise, kaya binawi ka na ni Dad sa kanya. You can't see him again because we will kill him for not protecting you properly"

"I wan't to see Blaze. Besides hindi nyo ako pwedeng diktahan sa mga gusto kong gawin"

"Sorry sis pero yun ang utos ni dad"

Ganun na lang ba yun? Dahil inutos nila kailangan sundin ko? Wala ba akong free will?

"Anyway, gutom ka na ba? May dala akong pagkain para sayo"

Kinuha ni Terrence yung plastic na ipinatong nya kanina sa may side table at ibinigay nya ito sa akin. Pagkatapos kong kumain, iniwan na ako ni Terrence dahil may kailangan pa daw syang asikasuhin.

Balak ko sanang tumakas pagkaalis nya pero may bantay sa pintuan pati nadin sa may hallway. No choice but to stay here.

Binuksan ko na lang ang tv dahil wala akong magawa. Pinapanuod ko si Spongebob nung biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaking nurse. Lumapit sya sa akin pero nagulat ako nung bigla nya na lang akong niyakap ng mahigpit. Sinubukan kong kumawala sa pagkakayakap nya pero napaka-lakas nya, hihingi na sana ako ng tulong nung bigla syang magsalita.

"Wifey its me"

"Blaze?"

Tinanggal nya ang face mask nya kaya malaya kong napagmasdan ang gwapo nyang mukha. I don't know what push me to do it but I kissed him on the lips bagay na hindi ko naman normal na ginagawa.

"I missed you so damn much wifey"

"I missed you too Blaze"

"I'm sorry for not protecting you properly, kasalanan ko. I told you to stay by my side pero ako naman yung nawala kaya hindi kita naprotektahan ng maayos"

"Wala kang kasalanan hubby, hindi mo naman ginustong mapahamak ako, tsaka buhay pa naman ako ngayon, that's all that matters"

"Hindi pa rin sapat yun, paano kung may nangyaring masama sayo!"

"Pero wala namang nangyaring masama sa akin eh. Please Blaze, umuwi na tayo sa bahay. I wan't to be with you"

"I'm sorry but I can't"

"Pero bakit?"

"Because I didn't keep my promise. Pero wag kang mag-alala, babawiin kita, just wait for me. Hintayin nyo ako ni Blake. Babawiin kita kapag okay na ang lahat"

********

⚜️

Author's Note:

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

-This chapter is dedicated to:
JillianMarieAlmasa

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon