Chapter 19: Attraction

240K 5.4K 104
                                    


Chapter 19:
"Attraction, dyan naman talaga nagsisimula ang lahat. Una attracted ka lang tapos crush mo na hanggang sa di mo namamalayan inlove ka na."

Messy hair, piercings,  an all black ensemble,  plus his dangerous pair of eyes. I can't seem to get that image out of my mind.

Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko ulit makita ang image na yun ni Blaze. Mukha na nga akong tanga kasi sa tuwing umaga pasimple ko syang tinitignan, dun lang kasi nagiging messy ang buhok nya. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ba ako nagkakaganito?

"Keira Ferrer! Miss Ferrer!"

"ANO BA?!" Sigaw ko.

Tinignan ko sya ng masama pero agad akong nakaramdam ng pagsisisi nung makita ko kung sino ang nasigawan ko. It was my professor, Prof. Tamoria. Nakatitig sya sa akin habang nanlilisik ang mga mata. Patay, nasa klase nga pala ako ngayon.

"Keira Ashlyn Ferrer, get out of my class. NOW! This is unruly behavior, hindi ka na nga nakikinig sa lecture ko, sinigawan mo pa ako! GET OUT!"

Nakakahiya, ito ang unang pagkakataon na napahiya ako sa klase. Kasalanan to lahat ni Blaze! Ininvade na nga nya ang buhay ko pati ba naman laman ng isip ko nasakop nya na din?

Dumiretso ako sa canteen, dun ko na lang hihintayin si Ann Dee dahil sabay kaming mag-lu-lunch. Habang nakatambay ako doon, hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga dumadaan at hindi ko rin maiwasang ikompara sila kay Blaze.

Napabuntong hininga ako ng malalim, hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit ba si Blaze na naman ang laman ng isip ko?

"What are you doing here? Wala kang klase?"

Iniangat ko ang ulo ko para makita kung sino ang nagsalita at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Sir Ash.

Sir Ash is the son of our University President, sya din ang bagong coach ng Basketball Team. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit feeling close na sya kaagad sa akin. Just because he help me once it doesn't give him the right to act casually with me.

"Opo Sir, tapos na po ang klase ko, hinihintay ko na lang yung kaibigan ko. Sabay kasi kaming maglu-lunch"

"Ahh ganun ba, sayang naman"

He smiled at me sadly na para bang nalulungkot talaga sya dahil sa sinabi ko.

"Bakit naman po sayang?" Nagtatakang tanong ko.

"Yayayain sana kitang mag-lunch pero may kasabay ka naman na pala"

Someone I don't really know is asking me out for lunch. This could only mean one thing.

"Sir Ash? May gusto ka ba sa akin? Because if I am not mistaken, I think you are trying to hit on me" diretsang sabi ko.

"Is it that obvious?"

"Sir, ngayon pa lang sinasabi ko na sayo, maghanap ka na lang ng iba kasi~" Should I say na may asawa na ako? Kaso lang baka i-tsismis ni Sir Ash tapos baka kumalat pa sa boung school. Hindi naman sya mukhang tsismoso pero mabuti na rin ang maingat.

"Kasi ano?"

"Kasi sa tingin ko may nakalaan sayong iba at hindi ako yun" Obvious na palusot ng mga taong walang matinong maisagot.

"How can you be so sure?"

"Basta! Wag ka ng makulit Sir!"

Alam kong hindi sya satisfied sa sagot ko pero wala na akong magagawa pa sa bagay na yun. Mabuti na lang din at nakita ko si Renlee. I don't know what's going on between them, basta ang alam ko lang may something sa pagitan nilang dalawa.

"Renlee halika dito! Tinatawag ka ni Sir Ash! May sasabihin daw sya sayo!"

Pagkatapos kong tawagin si Renlee, nagpaalam na din ako kay Sir Ash. Mukhang may gusto pa syang sabihin pero hindi nya na ito nasabi dahil bigla ko na lang syang nilayasan.

Habang palabas ako ng canteen nakasalubong ko si Ann Dee. Bago pa man sya makapagsalita hinila ko na sya palayo. Nagdahilan na lang ako na hindi ko trip ang mga pagkain sa loob, but little did she know tinatakbukan ko lang talaga si Sir Ash.

***

Pagkauwi ko sa bahay agad akong sinalubong ni Raven.

"Kamusta naman? Did something interesting happen to you today?" Tanong nya.

Yes something weird happened to me pero syempre hindi ko sasabihin kay Raven yun. Mahirap magkwento sa taong tsismoso. :')

"Wala naman, just the usual" pagsisinungaling ko.

"Talaga? I thought something happened because I swear your hubby is acting weird today"

"What kind of weird?" Tanong ko.

"Let's just say that your husband is in a very bad mood. So be careful when you approach him"

Sa akin ba nakasalalay ang mood ng asawa ko? Balita ko kasi nasa school ako at wala akong kamalay-malay sa mga nangyayari dito. Bahala sya sa buhay nya, subukan nya lang talagang idamay ako sa topak nya, makikita nya.

Iniwan ko na si Raven at dumiretso ako sa kwarto namin ni Blaze. Lagi naman syang mukhang badtrip kaya hindi na bago sa akin yun, hindi ko na lang sya papansinin para hindi ako madamay sa kung ano mang pinag-dadaanan nya ngayon.

Pagdating ko sa kwarto wala si Blaze pero naririnig ko ang boses nya sa labas ng binata kaya naman sumilip ako dito.

"Weaklings!"

Nakita ko ang asawa ko na pawis na pawis habang sabay sabay syang inaatake ng mga tauhan nya. Kahit napakarami ng kalaban nya, hindi sya magawang patumbahin ng mga ito. Ang totoo nyan mukhang suko na ang mga ito pero sige parin ang utos nya sa mga ito na atakihin sya.

Hindi ko tuloy alam kung kanino ba ako maaawa, kay Blaze na mukhang pagod na pagod na o sa mga tauhan nyang bugbog sarado na.

Habang nakatitig ako sa kanya bigla na lang syang lumingon sa direksyon ko. At that exact moment, pakiramdam ko lumundag yung puso ko at tumalon sa labas ng bintana.

Dahil nakita nya nadin naman ako, kumaway na lang ako sa kanya pero ang baliw kong asawa inirapan lang ako. Anong problema nun?

******

⚜️

Author's Note:

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon