CHAPTER 58 - WHO IS IT?

14K 213 39
                                    

CHAPTER 58 – WHO IS IT?

Pauwi na kami ngayon sa bahay namin ni Prince. Hindi na din namin sinabi kina Mama kung ano ang nangyari. Baka gantihan lang nila.. siguro?

“Okay ka lang?” tanong sa akin ni Prince. Nagrdrive siya ngayon.

“Okay lang..pero... ugh! Naguguluhan pa din ako ngayon Prince eh. May kulang ehh.”

 

 

“Kulang?? Saan?”

 

 

“Yung warning note sa locker ko. Pinakaunang warning note, hind iba siya ang nagbigay nun?”

 

 

“Wa.. wala naman siyang sinabi ehh?” Curious na din si Prince.

 

“Tapos... yung picture ni Tito Shin.” Sino? Sino?

 

 

“Alam mo Claudette, tama na ang kakaisip. Pumapanget ka na. Baba na, andito na tayo.” Tama nga siguro si Prince. Wag ko munang  isipin iyon. Pagnagkita na lang kami ni Ace. Kung makikita ko pa siya.

Pagdating ko sa bahay, natulog agad ako. Kinabukasan nakatanggap nanaman ako ng letter. Hindi ko sinabi kay prince baka magalala nanaman sa akin iyon... kung nagaalala nga ba talaga -___-

Eto ang nakalagay:

Kumiko,

Gusto mong malaman ang lahat lahat? Ang totoo? Magkita tayo. 5:00PM sa riverside, bukas. Hihintayin kita. Ikaw lang dapat . WALA NG IBA.

 

Di ko alam kung kanino galing. Impusibleng kay Ace kasi naman... kasi naman diba? Ang pagkakalam ko nasa custody nila Lolo si Ace. So it means, nilipad siya sa Japan. Yun ang pagkakaalam ko, sabi sa akin ni Prince.

“Claudette! Kakain na! Maaga pa ang pasok.” Bumaba na ako at nakisalo kay Prince.

Yun din ang isang pinagtataka ko, paano napunta yung sulat sa bedroom ko? Sino naglagay doon? Isang owl from Hogwarts? Ay echos. Pero seryoso! Isa lang naman ang alam ko eh, si Prince. Peroo impusible namang ilagay niya.

“Prince, pumasok ka ba sa kwarto ko kagabi?”

 

 

“Ha? Hindi ahh. Natulog na ako agad pagkatapos.”

Little Miss Gangster [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon