CHAPTER 55.2 - THE CLUE

13.3K 195 22
                                    

CHAPTER 55.2 - THE CLUE

Nagsimula na kaming maglaro ng Pusoy Dos. Hindi ako kagalingan dito promise. Kanina lang naman niya kasi ako tinuruan. And by the way, nagiba na ang deal.

ANG TALO SUSUNDIN ANG NANALO.

So ganito. 5 beses ang deal. Pagnatalo ng 5 beses, ibig sabihin siya ang mapaparusahan. Pangatlong beses ko ng natalo samantalang siya, WALA PA! Mukhang sanay na sanay ang loko. Panapat na naming laro ito.

"Oi, Takehiko pagbigyan mo naman daw ako." I pout.

"Hahaha! Sige na nga." Tapos binaba niya ang dalawang dos niya, ako naman...

"WALA AKONG MABABA NAKAKAINIS KA NAMAN EHH!" Totoo naman talaga eh. Dalawang Ace isang Dos at dalawang King ang meron ako.

"Tss. Pinagbibigyan na nga kita eh. Sige na nga, eto." Binaba naman niya ang dalawang tres. yun! Binaba ko naman ang dalawang King. Then after nagpass siya kasi daw wala daw siyang maibaba. Then binaba ko na ang dalawa kong Ace.

"Ano ba yan, ako naman walang maibaba. Okay fine, Pass!" At ayun, binaba ko ang isang dos ko at nanalo aketch! Hihi~

"Sa wakas nanalo ka din." Sabi niya sa akin. Then nagbalasa siya. Ganito lang ang ginagawa namin magdamag. laro kain laro. Hanggang ngayon wala pa ring power.

Natapos ang fifth game ng...

"TALO NANAMAN AKO!!" Sigaw ko. Tsk!

"Hihihi~ Last game na to!" Turo niya sa akin habang nakangiti.

"Anong last game ka jan! Mananalo ako nito." Nagbalasa na siya ulit. "Wait lang." Tumayo naman ako at pumuntang kusina para makakuha ako ng maiinom ng biglang may tumatawag sa phone ko.

Pagtingin ko unregistered number. Sinagot ko naman ito.

"Hello?"

 

 

"Hello." Muntikan ko ng mabitawan ang hawak hawak kong baso dahil sa narinig kong boses. "Kamusta ka na? Tumawag lang ako para kamustahin ka."

 

 

"Bakit... bakit ka umalis agad agad?"

Little Miss Gangster [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon